30/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Ngayong Agosto 31, 2026, ang Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan, sa pamumuno ni Punong Bayan Ark./Inh. Elmor Vitangcol Vita, ay nakikiisa sa buong sambayanang Pilipino sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani.
Sa araw na ito, buong pagpupugay nating inaalala ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang talino, lakas, panahon, at maging ng kanilang buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa. Ang kanilang mga sakripisyo at kabayanihan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat henerasyon upang isabuhay ang pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, malasakit, at tapat na paglilingkod sa kapwa.
TRIVIA | Alam mo ba?
Ang pagdiriwang ng National Heroes Day ay unang itinakda sa ilalim ng Act No. 3827, na inaprubahan noong Oktubre 28, 1931, kung saan idineklara ang huling Linggo ng Agosto bilang National Heroes Day. Kalaunan, sa ilalim ng Republic Act No. 9492, itinakda ang paggunita nito tuwing huling Lunes ng Agosto. Kaya naman, para sa taong 2026, ang Pambansang Araw ng mga Bayani ay ginugunita ngayong Agosto 31, bilang huling Lunes ng buwan.
Inaalala at binibigyang-pugay sa araw na ito ang Sigaw sa Pugad Lawin, na itinuturing na isa sa mga mahalagang pangyayaring nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng Himagsikang Pilipino noong Agosto 1896, isang makasaysayang pakikibaka para sa kalayaan ng ating bayan.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang kabayanihan ng ating mga bayani upang sa ating sariling paraan ay patuloy nating maipamalas ang malasakit, pagkakaisa, at pagmamahal para sa ating bayan at kapwa.
Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino!
Mabuhay ang Pilipinas!