16/03/2026
๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐ | ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฒ๐น๐ฑ ๐ฉ๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฆ๐ฃ๐๐๐ง ๐ง๐ฎ๐๐ธ ๐๐ผ๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ปc๐ฒ๐๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ฒ๐. ๐ฎ๐น. ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ต๐ผ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ด๐. ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐น, ๐๐ฎ๐ด๐๐ป๐ฎ
Matagumpay na isinagawa ng DAR Laguna Project SPLIT Team ang Field Validation sa Princesita Bacanto et. al. Landholding sa Brgy. Galalan, Pangil, Laguna noong ika-10 hanggang ika-13 ng Marso, 2026 na may kabuuang 180.0015 na ektaryang lupain.
Sa unang araw ng validation, personal na nakiisa sa inspeksyon ng mga lupain sina PARPO II Rommel Q. Bote, CAO Myra A. Cagungun, at Parcelization Coordinator Divina P. Torres.
Kasama ang Laguna SPLIT Task Force, sinuri ang aktwal na kalagayan ng mga pananim at ang okupasyon ng mga magsasaka sa nasabing area. Nakasama rin sa gawain na ito sina BARC Chairman Meet Machino at PARCCOM Danilo Saligumba.
Nakasabay rin sa nasabing validation ang Department of Agriculture Region IV-A na nagsagawa ng livestock ocular sa lugar. Kasama sa mga nakiisa mula sa DA at mga katuwang na ahensya sina Alfredo Advento (APCO Laguna SRA), ang Livestock Banner Regional Base, LGU MAO Antonio Valin, Maria Lady Len Andal (Agriculturist 1), at Lea C. Laucin (Provincial Vet).
Sa loob ng apat na araw, kabuuang 306 na indibidwal ang sumailalim sa panayam kabilang ang 29 na ARBs. Layunin ng validation na ito na matiyak ang wastong datos bilang paghahanda sa pagpoproseso ng mga indibidwal na titulo sa ilalim ng Project SPLIT.
Lubos ang pasasalamat ng DAR Laguna sa mainit na pagtanggap at suporta ng pamunuan ng Brgy. Galalan, sa mga Purok Lider, at sa buong komunidad na naging katuwang upang maging maayos at mapayapa ang nasabing validation.