10/12/2025
PNP PINAIIGTING ANG SEGURIDAD SA ILALIM NG “LIGTAS PASKUHAN 2025”
Habang papalapit ang kapaskuhan, pinaiigting ng Philippine National Police ang mga paghahanda para masigurong ligtas at payapa ang pagdiriwang ng bawat Pilipino. Sa ilalim ng “Ligtas Paskuhan 2025,” mahigit 70,000 pulis, kasama ang mga auxiliary units at mga katuwang na grupo, ang ide-deploy sa iba’t ibang lugar sa bansa para bantayan ang seguridad ngayong holiday season.
Ayon kay Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.: “We want everyone to enjoy the holidays without fear. Our officers will be highly visible in key areas, ready to respond quickly, and actively preventing incidents before they happen.”
Kasama sa deployment ang 70,744 PNP personnel, 6,892 auxiliary units, at 24,526 assets na itatalaga sa mga himpilan ng pulisya, mga lugar ng simbahan, pangunahing kalsada, terminals, malls, pasyalan, at mga itinalagang fireworks zones, lalo na sa Disyembre 24 at 31.
Sa bilang na ito, 12,695 ang tututok sa mga lugar ng pananampalataya, 6,530 sa transportation hubs, 7,838 sa mga pangunahing kalsada, at 6,691 sa commercial areas. May naka-standby ding dagdag na personnel sa mga tourist sites at sa mga lugar na may bentahan ng paputok.
Matagal na ring naghahanda ang mga lokal na yunit ng pulisya. Nagsagawa sila ng seminars tungkol sa tamang paggamit ng paputok at patuloy ang pag-iinspeksyon sa mga tindahan nito. Sabi ni Acting Chief PLTGEN Nartatez: “We want to minimize firecracker-related injuries this year. Education, enforcement, and presence are key.”
Magdadagdag ng K9 units sa mga pantalan habang ang EOD teams ay nakaantabay sa mga pampublikong lugar para masiguro na walang banta o kahina-hinalang bagay. Nakahanda rin ang mga medical units, kasama ang PNP General Hospital, para sa anumang firecracker-related injuries.
Pinaiigting rin ng PNP Anti-Cybercrime Group ang online monitoring. Ani Acting Chief PLTGEN Nartatez: “Holiday scams spike during this season. We are actively tracking fraudulent travel bookings, fake online selling schemes, credit card fraud, and other cybercrimes so the public can shop and travel safely.”
Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya:
“Our work with the LTO, MMDA, and local government units is essential to managing traffic and ensuring safe travel throughout the holiday rush. Every agency has a role, and we are working together closely.”
Patuloy din ang pagpapatupad ng one-strike policy, lalo na sa mga insidente ng ilegal na pagpapaputok ng baril. Ayon sa Acting Chief:
“Commanders are expected to act immediately on any incident… If a case remains unsolved beyond 36 hours, commanders will be held responsible.”
Hinikayat din niya ang publiko na maging alerto:
“Our officers are ready, but public vigilance is equally important. If you see something suspicious, report it. Safety is a shared effort.”
Muling pinaalala ng PNP na bawal pa rin ang ilang uri ng paputok sa ilalim ng RA 7183, tulad ng piccolo, watusi, lolo thunder, giant bawang, at iba pang delikadong paputok—kahit saan mang lugar.
Dagdag pa ni PLTGEN Nartatez: “Safety is everyone’s responsibility… With our officers on the ground and the public working with us, we are confident that Ligtas Paskuhan 2025 will allow every Filipino to celebrate with joy and peace of mind.”
Sa kabuuan, tiniyak ng PNP na magiging mas ligtas at mas maaliwalas ang pagdiriwang ng Pasko para sa lahat, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”