30/05/2026
BRGY. DILA LUPON TAGAPAMAYAPA WEEKLY REPORT📘
May 25 hanggang May 25, 2026 🗓️
Narito po ang mga datos na nabigyan natin ng serbisyo mula sa ating Lupon Tagapamayapa ng Barangay Dila.
Ang Lupong Tagapamayapa (LUPON) ay isang pangkat sa bawat barangay sa Pilipinas na binuo upang magsaayos ng mga alitan at ka*o sa antas ng komunidad (katarungang pambarangay).
Layunin nitong maiwasan ang pagpunta sa korte ng maliliit na ka*o, mapabilis ang hustisya, at mapanatili ang kapayapaan sa pamamagitan ng pag-uusap.
Ito po ay bahagi ng Katarungang Pambarangay na nakasaad sa Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160).