Barangay Silangan, Calauan Laguna

Barangay Silangan, Calauan Laguna This is the ONLY Brgy.Silangan Official FB Pages

📋 INITIAL INVENTORY DONE! ✅Isang mahalagang hakbang tungo sa maayos, transparent, at accountable na pamamahala. ✔️Natapo...
02/09/2026

📋 INITIAL INVENTORY DONE! ✅

Isang mahalagang hakbang tungo sa maayos, transparent, at accountable na pamamahala. ✔️

Natapos na ang Initial Inventory of Barangay Properties, Financial Records, and Documents (BPFRDs) bilang bahagi ng paghahanda para sa maayos at sistematikong turnover.

📌 Barangay Properties
📌 Financial Records
📌 Documents & Other Official Records

🤝 Para sa tuloy-tuloy na transparency, accountability, at good governance.

TURNOVER SOON! 🔜

🇵🇭 PAGPUPUGAY SA ATING MGA BAYANI! 🇵🇭Ngayong National Heroes’ Day – August 31, 2026, ating alalahanin at parangalan ang ...
31/08/2026

🇵🇭 PAGPUPUGAY SA ATING MGA BAYANI! 🇵🇭

Ngayong National Heroes’ Day – August 31, 2026, ating alalahanin at parangalan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, talino, at sakripisyo para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan.

Ang kanilang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan—ito ay inspirasyon sa bawat Pilipino na maglingkod, tumulong, at gumawa ng kabutihan para sa kapwa at sa bayan.

🌟 Kabayan. Bayanihan. Kalayaan.
🇵🇭 Saludo kami sa lahat ng bayani ng Pilipinas—noon, ngayon, at sa mga susunod na henerasyon.

Mabuhay ang mga Bayani! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭❤️💙💛

BUWAN NG KABATAAN 2026 💜 TEENAGE PREGNANCY AWARENESS 💜Ang kabataan ay may malaking pangarap—alagaan natin ang kanilang k...
29/08/2026

BUWAN NG KABATAAN 2026
💜 TEENAGE PREGNANCY AWARENESS 💜

Ang kabataan ay may malaking pangarap—alagaan natin ang kanilang kinabukasan! ✨

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Barangay Silangan na makiisa sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa Teenage Pregnancy. Layunin nating palawakin ang kaalaman, palakasin ang tamang pagpapasya, at hikayatin ang kabataan na pahalagahan ang kanilang sarili, pangarap, at kinabukasan. 🫶

📅 August 30, 2026 (Sunday)
⏰ 1:00 PM
📍 Brgy. Hall, Barangay Silangan, Calauan, Laguna

💡 Alamin. Unawain. Pangalagaan ang Kinabukasan.

❤️ “Maging Binata/Binibini Ngayon, Bayani ng Bukas!”

Tara na, kabataan! Makilahok, matuto, at maging bahagi ng pagbabago. 💪🌟

📚 Patuloy sa Pagkatuto, Para sa Mas Mahusay na Serbisyo!Isang makabuluhang 3-Day Refresher Course on Property and Supply...
28/08/2026

📚 Patuloy sa Pagkatuto, Para sa Mas Mahusay na Serbisyo!

Isang makabuluhang 3-Day Refresher Course on Property and Supply Management System and Common Audit Findings and Observations in Barangays ang ginanap noong August 25–27, 2026 sa Supreme Hotel Mall and Event Center, Baguio City.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapalawak ang kaalaman at kasanayan sa wastong pamamahala ng property at supplies, gayundin sa pag-unawa at pagtugon sa mga karaniwang audit findings sa barangay.

💼📖 Mas malalim na kaalaman, mas maayos na pamamahala, mas mahusay na serbisyo para sa ating mga kabarangay!

🩺MEDICAL MISSION 2026 🩺Hatid ang kalusugan at libreng serbisyo sa ating komunidad! Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ...
27/08/2026

🩺MEDICAL MISSION 2026 🩺

Hatid ang kalusugan at libreng serbisyo sa ating komunidad! Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Medical Mission 2026 ng Barangay Silangan katuwang ang Members Church of God International (MCGI), UNTV Public Service, at Kamanggagawa Foundation Inc.

📅 August 31, 2026 (Monday) ⏰ Registration: 6:00 AM – 9:00 AM only 📍 Covered Court, Barangay Kanluran, Calauan, Laguna

✨ MGA SERBISYONG HANDOG: 🩺 Medical Consultation
👓 Optical Consultation with Free Reading Glasses
🦷 Dental Check-up and Extraction
🩸 Glucose and Uric Test
⚖️ Legal Consultation
🤝 Para-Social Worker Assistance
🧑‍⚕️ Physical Therapy Consultation and Treatment
💊 Free Medicines
🍽️ Free Food
💇 Haircut for Men

📢 Huwag palampasin ang pagkakataong makinabang sa mga libreng serbisyong pangkalusugan at iba pang serbisyo!

Magparehistro sa oras na 6:00 AM hanggang 9:00 AM lamang.

💙 Para sa mas malusog at mas maalagang komunidad, sama-sama tayo!

Ngayon ay nasa Day 3 na tayo ng ating Online Course on ADR Mechanisms under the KP Law (August 20, 2026). Ang patuloy na...
20/08/2026

Ngayon ay nasa Day 3 na tayo ng ating Online Course on ADR Mechanisms under the KP Law (August 20, 2026). Ang patuloy na pag-aaral na ito ay mahalaga upang mas mapabuti pa natin ang paglutas ng mga alitan sa ating komunidad sa pamamagitan ng tamang pamamaraan tulad ng mediation, conciliation, at arbitration.
Sa pamamagitan ng mas malalim na kaalaman rito, masisiguro nating ang katarungan at pagkakasundo ay laging nananaig sa bawat pamilya sa Barangay Silangan. 🤝
Isang malaking pasasalamat sa DILG at sa lahat ng sumusuporta sa patuloy na kapasitasyon ng ating mga lokal na lider at opisyal!

🩺 MATAGUMPAY NA LIBRENG EYE CHECK-UP AT CATARACT SCREENING!Maraming salamat po sa lahat ng bumisita at nakiisa noong Ago...
20/08/2026

🩺 MATAGUMPAY NA LIBRENG EYE CHECK-UP AT CATARACT SCREENING!

Maraming salamat po sa lahat ng bumisita at nakiisa noong Agosto 16, 2026!

Sa Pangunguna ng sa ating Kapitana Gelaine Camargo, at sa mga Kagawad ng Sangguniang Barangay ng Silangan, Calauan, Laguna sa maayos na pagtanggap at suporta.

Malaking pasasalamat din sa ating Dr. at sa buong Medical Team sa pag-aalaga sa kalusugan ng ating mga kabarangay.

Hanggang sa susunod na mga programa para sa kalusugan! ✨

Committee Meeting / ConsultationIsang Joint Committee Meeting ang ginanap sa pagitan ng Committee on Women, Family and S...
19/08/2026

Committee Meeting / Consultation

Isang Joint Committee Meeting ang ginanap sa pagitan ng Committee on Women, Family and Social Welfare at Committee on Peace & Order, Public Safety and Communications.

Paksa: Privilege speech ni Kgg. Dante C. Escarez tungkol sa mga batang pagala-gala at natutulog sa Pamahalaang Bayan ng Calauan.

Petsa: August 13, 2026 (Thursday), 1:00 PM
Lugar: Sangguniang Bayan Session Hall, Calauan, Laguna

Pinangunahan ito nina Committee Chairmen Hon. Homer Jeffrille E. Hilario (Social Welfare) at Hon. Mac Jefferson T. Roxas (Public Safety), kasama ang iba pang miyembro ng konseho, MSWDO, PNP Calauan, at mga Punong Barangay.

Address

L. Geirosa Avenue , Brgy. Silangan, Calauan
Laguna
4012

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Silangan, Calauan Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Silangan, Calauan Laguna:

Shortcuts

Share