28/08/2026
Para sa Kaligtasan at Kinabukasan ng mga Mag-aaral ng Lewin β€οΈπ«
Sa tagal ng panahon na hindi naging maayos ang bakod ng ating paaralan sa Lewin, minabuti nating gumawa ng isang panukala upang magamit ang 20% Development Fund na nakukuha ng ating Barangay mula sa Pamahalaang Bayan.
Para sa atin, kaligtasan ng mga mag-aaral ang dapat unang bigyang-prayoridad. Nais nating magkaroon sila ng paaralang maayos, ligtas at komportable upang mas makapagpokus sila sa kanilang pag-aaralβat higit sa lahat, upang magkaroon ng kapanatagan ang kanilang mga magulang.
Ang proyektong ito ay isa lamang sa mga prayoridad ng inyong lingkod, katuwang ang Sangguniang Barangay, para sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Unti-unti, sama-sama, at may malasakitβpara sa mas ligtas at mas maayos na Barangay Lewin. π
# Gawaing MABUTI kailanman ay Hindi magbubunga ng masama!
TURISMO !ARANGKADA BARANGAY LEWIN !