21/11/2025
Tagumpay ng Kabataan sa Broiler Production Program! π₯π±
Ipinagmamalaki ng Sangguniang Kabataan ang matagumpay na implementasyon ng Broiler Production Training and Trial Program (2024β2025)!
Sa Phase 1, nakatanggap ang kabataan ng training at 45-araw na trial sa pag-aalaga ng broiler chickens, sa tulong ng Calamba City Agricultural Services Office at ng Committee on Agriculture and Livelihood sa pangunguna ni Hon. Mark Arlan Rodriguez. Dito rin natuklasan ang natural na solusyon sa mabahong amoy sa pamamagitan ng calamansi tree, na low-cost, low-maintenance, at epektibo sa paglilinis ng hangin sa poultry area. π
Noong Phase 2, pinagkalooban ang matagumpay na kalahok ng panimulang kabuhayan, kulungan, at kumpletong poultry equipment tulad ng automatic feeder, automatic drinker, heat emitter, light bulb extension, feeds, at vitamins. Kasabay nito, nagtanim ang mga kalahok ng apat na calamansi trees sa paligid ng kanilang kulungan upang mapanatiling malinis at kaaya-aya ang paligid, sa tulong ng tie-up project ni Hon. Arbie Lim sa ilalim ng Committee on Environment and Beautification. πΏ
π Sa pamamagitan ng proyektong ito, natutulungan ang kabataan na maging produktibo, responsable, at makabuluhang miyembro ng komunidad habang natututo ng alternatibong kabuhayan.