03/09/2026
Ika-5 Brigada Sining | Pangwakas na Palatuntunan
Matapos ang serye ng mga workshop sa Creative Writing, Music, Ballet, Folk Dance, Theater Arts, at Visual Arts, handa na ang ating mga kabataang Los Bañense na ibahagi ang kanilang mga natutuhan, talento, at malikhaing likha!
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Culminating Activity ng Los Baños Creative Workshop: 5th Brigada Sining, isang makabuluhang pagdiriwang ng sining at kultura na naglalayong hubugin ang malikhaing kakayahan, kumpiyansa, at pagpapahalaga sa sining ng ating kabataan.
📅 Setyembre 5, 2026 (Sabado)
🕒 3:00 ng hapon
📍 Caesar P. Perez Memorial Stadium and Evacuation Center, Brgy. Baybayin, Los Baños, Laguna
Ang programa ay hatid ng Philippine High School for the Arts (PHSA), sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) at DepEd Los Baños.
Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ang mga programang nagbibigay-daan sa kabataan upang maipakita ang kanilang talento, maipahayag ang kanilang sarili, at higit na mapahalagahan ang sining bilang mahalagang bahagi ng ating kultura at pagkakakilanlan.
Tara na, Los Bañense!
Saksihan natin ang bunga ng sipag, talento, at pagkamalikhain ng ating kabataan.
Dahil sa Los Baños, ang sining ay lakas, at ang kabataan ay pag-asa ng bayan!