PNP Lamut Municipal Police Station

PNP Lamut Municipal Police Station Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PNP Lamut Municipal Police Station, Police station, poblacion West, Lamut.

01/06/2026

A hard truth from Major Gen. Michael G. Samson, commander of the 3rd Infantry Division -- the landscape in Negros may be different, but the story of land, rebellion, and terror is not.



01/06/2026

Since January 2021, the Army’s 3rd Infantry Division has recorded at least 43 liquidations claimed under the alias Jong or Roger Fabiar, NPA leader/hitman in Negros Island Region. Forty-three lives lost — suspected informants, former CAFGU members, and anyone seen as a “hindrance” to their revolutionary activities.



01/06/2026
01/06/2026

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, muling pinaaalalahanan ng Philippine National Police ang publiko na maging mapagmatyag sa online na kapaligiran laban sa mga scam at maling impormasyon. Hinihikayat ang lahat na maging mapanuri sa mga natatanggap na mensahe at iwasan ang agarang pagbabahagi ng hindi beripikadong balita, lalo na sa mga pekeng promos, phishing links, at kahina-hinalang travel o text scams.

Pinaaalalahanan din ang bawat isa na palakasin ang seguridad ng kanilang mga online account sa pamamagitan ng paggamit ng two-factor authentication at matitibay na password. Iwasan ang labis na pagbabahagi ng personal na impormasyon sa social media, kabilang ang sensitibong detalye tulad ng mga ID, boarding pass, at eksaktong lokasyon, at laging suriin ang kredibilidad ng pinagmumulan ng impormasyon bago maniwala o mag-share.

Bilang bahagi ng PNP Focused Agenda, patuloy ang mas pinaigting na kampanya laban sa cybercrime at disinformation upang maprotektahan ang publiko sa digital na espasyo. Kung may kahina-hinalang aktibidad o posibleng biktima ng online scam, agad na mag-report sa Anti-Cybercrime Group (ACG). Sa ganitong adhikain, nananatiling tapat ang PNP sa tungkulin nitong maghatid ng proteksyon at serbisyo sa sambayanan: “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

(PNP PIO)

01/06/2026
30/05/2026

MALASAKIT SA MAMAMAYAN AT KAPWA PULIS, MULING IPINAKITA NG PNP

Sa magkahiwalay na insidente sa Iloilo City at Quezon City, muling ipinakita ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang kahalagahan ng malasakit, agarang pagtugon, at paglingap sa mga nangangailangan.

Sa Iloilo City, agad na umaksyon ang mga tauhan ng Police Regional Office 6 (PRO6) at mga responder mula sa Regional Medical and Dental Unit 6 nang madapa ang isang senior citizen habang naglalakad sa kahabaan ng Zamora Street nitong gabi ng Mayo 29. Mabilis siyang nabigyan ng paunang lunas sa lugar bago ligtas na dinala sa West Visayas State University Medical Center para sa karagdagang pagsusuri at gamutan.
Samantala, sa Quezon City, isang pulis ang nasugatan habang rumesponde sa isang insidente sa kahabaan ng Eulogio Rodriguez Avenue sa ilalim ng Libis Flyover, Barangay Libis. Agad siyang nabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon at patuloy na minomonitor ang kanyang kalagayan upang matiyak ang kanyang mabilis at maayos na paggaling.

Ayon kay Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mga ganitong pagkakataon ay nagpapakita na ang serbisyo ng pulisya ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi maging sa pagprotekta at pag-aaruga sa bawat tao.

"Ang bawat buhay ay mahalaga. Nakakatuwang makita ang ating mga pulis na agad tumutulong sa isang senior citizen na nangangailangan ng saklolo at kasabay nito ay tinitiyak din ang kapakanan ng kanilang kapwa pulis na nasugatan habang ginagampanan ang tungkulin. Ito ang uri ng malasakit at serbisyo na nais nating maging kultura sa buong organisasyon," ani PGen Nartatez.

Dagdag pa niya, "Sa likod ng bawat uniporme ay mga taong handang tumulong at magsakripisyo para sa kapwa. Patuloy nating palalakasin ang serbisyong may puso, may malasakit, at may tunay na pakialam sa kapakanan ng ating mga mamamayan at kapulisan."

Ang mga insidenteng ito ay patunay na nananatiling nakatuon ang PNP sa pagbibigay ng makatao at maagap na serbisyo sa publiko at sa pagtiyak sa kapakanan ng mga tauhang nagsisilbi sa bayan, bilang bahagi ng pagsusulong ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

30/05/2026

PNP CHIEF AMONG TOP-RATED GOVERNMENT OFFICIALS IN NATIONWIDE GOVERNANCE SURVEY

Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ranked among the country's top-rated government officials in the latest nationwide “Boses ng Bayan” Index of Governance (IOG) survey conducted by RPMD Foundation Inc.

The survey, conducted from April 1 to 8, 2026 among 5,000 respondents nationwide, showed that PGen Nartatez garnered a 78.8% Index of Governance score, supported by a 78.5% trust rating and a 79.1% performance rating.

The result reflects sustained public confidence in the PNP’s efforts to maintain peace and order, strengthen community engagement, and enhance the delivery of police services across the country. It also highlights the growing recognition of the organization’s ongoing reforms and operational initiatives aligned with the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr.

PGen Nartatez welcomed the survey findings, emphasizing that the recognition belongs to every police officer who continues to serve with dedication and professionalism.

"We are grateful for the trust and confidence of our fellow Filipinos. This recognition is not for one person alone but for the men and women of the PNP who work tirelessly every day to keep our communities safe. Malaking inspirasyon ito para lalo pa naming pagbutihin ang aming serbisyo,"PGen Nartatez said.

He added that the PNP remains committed to earning and sustaining public trust through integrity, accountability, and responsive policing.

"Patuloy nating palalakasin ang ating ugnayan sa mga komunidad at sisiguraduhin natin na ang bawat aksyon ng PNP ay nakatuon sa kapakanan ng mamamayan. Public trust is our most valuable asset, and we will continue working hard to deserve it," he added.

The survey findings come as the PNP continues to implement programs under its Focused Agenda, particularly through enhanced police operations and improved public service delivery, aimed at making law enforcement more responsive to the needs of the Filipino people.

As the organization moves forward, the PNP reaffirms its commitment to professional, transparent, and people-centered policing in support of national development and public safety, advancing the vision of Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

30/05/2026

Address

Poblacion West
Lamut
3605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Lamut Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category