MSSD BARMM Lanao del Sur B

MSSD BARMM Lanao del Sur B Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MSSD BARMM Lanao del Sur B, Government Organization, Brgy. Bacayawan, Malabang, Lanao del Sur.

๐Œ๐’๐’๐ƒ ๐‹๐š๐ง๐š๐จ ๐๐ž๐ฅ ๐’๐ฎ๐ซ ๐ |๐’๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ˆ๐ง๐๐ข๐ ๐ž๐ง๐ญ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ (๐’๐๐ˆ๐’)The Social Pension Program of MSSD Lanao...
09/04/2026

๐Œ๐’๐’๐ƒ ๐‹๐š๐ง๐š๐จ ๐๐ž๐ฅ ๐’๐ฎ๐ซ ๐ |
๐’๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ˆ๐ง๐๐ข๐ ๐ž๐ง๐ญ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ (๐’๐๐ˆ๐’)

The Social Pension Program of MSSD Lanao del Sur B, led by Focal Person Maโ€™am Sittie Norainnie M. Mustapha, together with PSWO Maโ€™am Jaslin L. Masbud, successfully conducted a Strategic Planning and Coordination Meeting to further strengthen the implementation of Social Pension Program.

Key priorities discussed included the National ID (PhilSys) registration and validation, enhancement of service delivery mechanisms, recognition of age milestones, and the implementation of the Expanded Centenarian Act (R.A. No. 11982).

The meeting also served as a platform to openly address issues and concerns encountered in the field, enabling the team and partner stakeholders to collaboratively develop practical solutions and improve existing processes.

This initiative reflects MSSDโ€™s steadfast commitment to delivering inclusive, responsive, and efficient services for our valued senior citizens.

Hand in hand, the SocPen Team moves forwardโ€”championing inclusive, people-centered social services for every community we serve.Driven by purpose, guided by compassion.





07/04/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ก๐—ข๐—ช: Tune in to the MSSD Tanglaw National Media Forum and join the conversation as we highlight stories, insights, and social service initiatives shaping the Bangsamoro.





๐’๐„๐€๐‘๐‚๐‡ ๐…๐Ž๐‘ ๐๐„๐’๐“ ๐Œ๐ˆ๐‚๐‘๐Ž๐„๐๐“๐„๐‘๐๐‘๐ˆ๐’๐„ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“ (๐Œ๐ƒ) ๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐•๐ˆ๐ƒ๐”๐€๐‹ โ€“ ๐‘๐„๐†๐”๐‹๐€๐‘ ๐‚๐€๐“๐„๐†๐Ž๐‘๐˜ ๐…๐Ž๐‘ ๐‹๐€๐๐€๐Ž ๐ƒ๐„๐‹ ๐’๐”๐‘ ๐Opisyal nang binubuksa...
01/04/2026

๐’๐„๐€๐‘๐‚๐‡ ๐…๐Ž๐‘ ๐๐„๐’๐“ ๐Œ๐ˆ๐‚๐‘๐Ž๐„๐๐“๐„๐‘๐๐‘๐ˆ๐’๐„ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“ (๐Œ๐ƒ) ๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐•๐ˆ๐ƒ๐”๐€๐‹ โ€“ ๐‘๐„๐†๐”๐‹๐€๐‘ ๐‚๐€๐“๐„๐†๐Ž๐‘๐˜ ๐…๐Ž๐‘ ๐‹๐€๐๐€๐Ž ๐ƒ๐„๐‹ ๐’๐”๐‘ ๐

Opisyal nang binubuksan ng Sustainable Livelihood Program โ€“ Province of Lanao del Sur B ang Search for Best MD Individual โ€“ Regular Category upang kilalanin ang mga natatanging SLP participants na matagumpay na nakapagpatatag ng kanilang microenterprise.

โœจ ๐’๐ˆ๐๐Ž ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐€๐€๐‘๐ˆ๐๐† ๐Š๐€๐’๐€๐‹๐ˆ?

โœ”๏ธ Mga SLP Individual Program Participants mula 2020โ€“2024
โœ”๏ธ Nakatanggap ng tulong na Php 15,000 o Php 10,000
โœ”๏ธ May aktibong (operational) na kabuhayan
________________________________________

๐Ÿ… ๐๐€๐Œ๐€๐๐“๐€๐˜๐€๐ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐‡๐”๐‡๐”๐’๐†๐€

๐Ÿ”น Sustainability โ€“ 32%
Ang kabuhayan ay naaayon sa pangangailangan ng merkado, matatag sa sakuna, makakalikasan, at kayang mag-adapt
๐Ÿ”น Impact โ€“ 28%
May kontribusyon sa trabaho, komunidad, at kalikasan
๐Ÿ”น Economic Viability โ€“ 24%
May pagtaas sa kapital, kita, produktibidad, at may potensyal sa pagpapalawak
๐Ÿ”น Innovation โ€“ 16%
May makabagong paraan sa produksyon, marketing, at pamamahala ng negosyo
๐Ÿ“Š KABUUAN: 100%
________________________________________
๐Ÿ’ฐ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐๐‘๐„๐Œ๐˜๐Ž

๐Ÿฅ‡ Unang Gantimpala โ€“ Php 30,000
๐Ÿฅˆ Ikalawang Gantimpala โ€“ Php 20,000
๐Ÿฅ‰ Ikatlong Gantimpala โ€“ Php 15,000
________________________________________

๐Ÿ“Œ ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ (๐๐ซ๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข):

Ang mga kalahok na pasok sa itinakdang criteria ay pipiliin at ie-endorso ng mga Monitoring Project Development Officers (MPDOs) batay sa kanilang aktwal na pagbisita (mula 1st hanggang 4th visit), sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare Officer (MSWO) at Municipal Link (ML). Ang mga naendorso ay ipapasa sa Screening Committee na pinangungunahan ng Provincial Coordinator bilang Head, kasama ang Provincial Monitoring & Evaluation Officer (PMEO) at Program Partnership Officer (PPO) para sa pinal na pagsusuri at pagpili.
________________________________________

๐ŸŒŸ Ipakita ang inyong tagumpay. Maging inspirasyon sa komunidad. Kilalanin ang inyong sipag at dedikasyon!

๐Ÿ“ข ๐Œ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐๐„๐’๐“ ๐Œ๐ƒ ๐ˆ๐ง๐๐ข๐ฏ๐ข๐๐ฎ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐‹๐š๐ง๐š๐จ ๐๐ž๐ฅ ๐’๐ฎ๐ซ ๐!







๐—ก๐—œ๐—ฌ๐—ข๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก: ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฃ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ฆ๐—” ๐—š๐—”๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ, ๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ญ๐—˜๐—ฅ๐—ข ๐—›๐—จ๐—ก๐—š๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas...
01/04/2026

๐—ก๐—œ๐—ฌ๐—ข๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก: ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฃ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ฆ๐—” ๐—š๐—”๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ, ๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ญ๐—˜๐—ฅ๐—ข ๐—›๐—จ๐—ก๐—š๐—˜๐—ฅ

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matatag na kinabukasan ang matagumpay na isinagawang SLPA 2025 Ceremonial Turn-Over at Ribbon Cutting sa Municipality of Ganassi. Higit pa sa isang seremonya, ito ay sumisimbolo ng sama-samang pagsisikap upang mapalakas ang kabuhayan at maiangat ang antas ng pamumuhay ng komunidad.

Sa puso ng inisyatibong ito ay ang pagpapalago ng Coconut Enterpriseโ€”kabilang ang produksyon ng coco oil, coco peat, coco bar, at iba pang produktong mula sa niyog. Ang kabuhayang ito ay nagbibigay ng tuloy-tuloy na kita, dagdag hanapbuhay, at oportunidad sa mga lokal na mamamayan. Isa rin itong sustainable at environment-friendly na enterprise na nagpapakita ng wastong paggamit ng likas na yaman habang pinapalakas ang lokal na ekonomiya.

Ang proyektong ito ay bahagi ng Zero Hunger initiative ng Sustainable Livelihood Program (SLP) na naglalayong matiyak na ang bawat pamilya ay may sapat at masustansyang pagkain. Sa pamamagitan ng ganitong proyekto, napapalakas ang kakayahan ng komunidad na maging self-reliant at food-secure sa pangmatagalan.

Pinangunahan ang gawain ni Hamdani Taher kasama sina Mr. Yonis Umpa, Harris Sarip, Amenoden Gumampo at Yaksan Pagayawan, na kinilala sa kanilang suporta. Ang presensya ni Provincial Coordinator Mohammad Sa-ad Indar ay nagbigay inspirasyon sa aktibidad.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang Rural Improvement Club SLPA ng Brgy. Camponga-Raya na patuloy na nagsusumikap upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Lubos ding nagpapasalamat ang programa sa Local Government Unit (LGU) ng Ganassi, sa MSSD Unit ng Ganassi, at kay Provincial Social Welfare Officer Maโ€™am Jaslin Lao Masbud sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon na naging mahalagang bahagi sa tagumpay ng proyektong ito.

Sa kabuuan, ang aktibidad ay sumasalamin sa lakas ng pagkakaisaโ€”isang patunay na ang sipag, suporta, at tamang programa ay susi sa pangmatagalang kaunlaran.





๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—–๐——๐—– ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ, ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ด๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜; ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—–๐——๐—–๐˜€, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ต๐˜†๐—ด๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ ๐—ธ๐—ถ๐˜๐˜€LANAO DEL SUR, BAR...
01/04/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—–๐——๐—– ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ, ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ด๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜; ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—–๐——๐—–๐˜€, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ต๐˜†๐—ด๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ ๐—ธ๐—ถ๐˜๐˜€

LANAO DEL SUR, BARMM โ€“ Tumanggap ang ibaโ€™t ibang Child Development Centers (CDCs) sa bayan ng Madamba ng outdoor playground equipment at hygiene kits mula sa MSSD nitong Marso 31, 2026.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang Pantar CDC na tumanggap ng mga outdoor playground equipment para sa mga batang nasa day care.

Samantala, animnapung (60) day care learners mula sa Ilian CDC at Kalinga CDC ang nabigyan ng mga hygiene kits.

Ang nasabing pamamahagi ay bahagi ng pagpapatupad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program ng MSSD, na naglalayong magbigay ng de-kalidad na maagang edukasyon sa mga batang nasa day care.

Layunin ng programang ito na hubugin hindi lamang ang kaalaman at kakayahan ng mga bata, kundi pati ang kanilang pangkalahatang pag-unlad sa pisikal, sosyal, emosyonal, at kognitibong aspeto. (๐—๐— ๐— /๐—œ๐—–๐——)

FULL STORY HERE:

๐Ÿ“ŒFollow MSSD for more updates!
FB: https://facebook.com/MSSDBangsamoro/
IG: https://www.instagram.com/mssdbangsamoro/
X: https://x.com/MSSDBangsamoro
YT: https://www.youtube.com/
Tiktok: https://www.tiktok.com/.barmm





๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฌ๐—”๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐——๐—”๐——: ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฃ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—š๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matat...
01/04/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฌ๐—”๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐——๐—”๐——: ๐—ฆ๐—Ÿ๐—ฃ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—š

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matatag at maunlad na kinabukasan ang matagumpay na isinagawang SLPA 2025 Ceremonial Turn-Over at Ribbon Cutting sa Municipality of Butig. Higit pa sa isang seremonya, ito ay isang malinaw na pahayag na ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mamamayan. Sa puso ng inisyatibong ito ay ang pagpapalago ng Organic Chicken Raising, Special Palapa Making, at Rice Wholesale and Retail Enterpriseโ€”mga proyektong hindi lamang nagbibigay ng kita, kundi nagsisilbing matibay na haligi ng seguridad sa pagkain, pagpapanatili ng kultura, at tuloy-tuloy na pag-ikot ng lokal na ekonomiya. Sa pamamagitan ng mga negosyong ito, nabibigyan ng kapangyarihan ang mga magsasaka na maging produktibo, mapagkakakitaan ang kanilang kasanayan, at makasabay sa hamon ng makabagong panahon habang pinapahalagahan ang likas-kayang pamamaraan.

Pinangunahan ang gawain ni Hamdani T. Taher, Focal Person ng Babsan Farmers Association, kasama sina Mr. Yonis A. Umpa at mga Volunteers na buong pusong kinilala sa kanilang suporta at dedikasyon sa tagumpay ng programa. Ang presensya ng Provincial Coordinator na si Mohammad Sa-ad N. Indar ay lalo pang nagbigay inspirasyon at saysay sa aktibidad. Kasama sa mga benepisyaryong samahan ang Building Trust Farmers SLPA ng Barangay Sandab Madaya, Aspiring Farmers SLPA ng Barangay Bayabao Poblacion, at Visionary Farmers SLPA ng Barangay Sandab Madayaโ€”mga grupong patuloy na nagsusumikap upang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Local Government Unit (LGU) ng Butig at sa MSSD Unit sa kanilang walang sawang suporta, aktibong pakikiisa, at mahalagang kontribusyon sa matagumpay na implementasyon ng programang ito. Ang kanilang dedikasyon ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng pamahalaan at komunidadโ€”isang pagkakaisang nagsisilbing susi sa tunay at pangmatagalang kaunlaran.

Sa kabuuan, ang aktibidad na ito ay sumasalamin sa lakas ng pagkakaisa at kooperasyonโ€”isang paalala na kapag pinagsama-sama ang layunin, sipag, at suporta, ang bawat maliit na hakbang ay nagiging daan tungo sa inklusibo at pangmatagalang kaunlaran. Sa Butig, ang kabuhayan ay hindi lamang pinauunladโ€”ito ay pinatatatag, pinapalago, at pinapanday para sa mas maliwanag na bukas.





Ang pagiging social worker ay isang landas na hindi inaasahan ni Janima Pagayawan, ngunit buong pusong niyakap. Sa pagda...
30/03/2026

Ang pagiging social worker ay isang landas na hindi inaasahan ni Janima Pagayawan, ngunit buong pusong niyakap. Sa pagdaan niya sa mabibigat na personal na pagsubok sa buhay, tulad ng pagkawala ng kanyang ama at pagiging survivor ng Marawi Siege, mas tumibay ang kanyang paniniwala na ang paglilingkod sa kapwa ang tunay niyang calling.

Bilang focal person ng Crisis Intervention Unit sa ilalim ng BCARES Program ng MSSD LSB, araw-araw niyang iniaalay ang kanyang serbisyo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga indibidwal at pamilyang dumaraan sa matitinding pagsubok. Sa pamamagitan ng agarang financial assistance at iba pang kaukulang serbisyo, kabilang ang cash assistance, medical, burial, hospitalization, transportation, at emergency support, nagsisilbi siyang daan upang maibsan ang kanilang pasanin at maipadama na may karamay sila sa bawat hamon ng buhay.

Sa bawat pamilyang kanyang natutulungan, nakikita ni Janima ang tunay na halaga ng kanyang misyon. Ang bawat serbisyong naibibigay ay hindi lamang tulong, kundi isang sinag ng pag-asa na nagbibigay ng lakas upang muling makabangon.

๐—œ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ, ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ฑ ๐— ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด-๐—จ๐—ฝ ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†LANAO DEL SUR, BARMM โ€” Kabuuang 83...
30/03/2026

๐—œ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ, ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ฑ ๐— ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด-๐—จ๐—ฝ ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†

LANAO DEL SUR, BARMM โ€” Kabuuang 831 batang mag-aaral ang nagtapos sa early learning program na naka-enrol sa mga Child Development Centers (CDCs) at Supervised Neighborhood Plays (SNPs) sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) program ng MSSD sa iba't ibang bayan sa Lanao del Sur mula Marso 25 hanggang 30, 2026.

Sa Bacolod-Kalawi, 135 learners ang nagtapos noong Marso 25. Kasunod nito, noong Marso 26, nagtapos naman ang 116 mag-aaral mula sa Poona Bayabao at 42 mula sa Lumbatan. Noong Marso 27, umabot sa 270 ang nagtapos sa Piagapo, 146 naman sa Buadiposo Buntong, habang 54 ang mula sa Tagoloan II. Ngayong Marso 30, 68 learners mula sa Madamba ang nakatanggap ng kanilang diplomas.

Ang seremonya ay ginanap bilang pagkilala sa matagumpay na pagtatapos ng mga mag-aaral sa unang yugto ng kanilang edukasyon. Nagsilbi rin itong patunay sa matibay na pundasyon ng kaalaman at kasanayan na kanilang natamo sa loob ng mga CDCs.

Patuloy na pinagtitibay ng ECCD ang kahalagahan ng pagbibigay ng de-kalidad na early education sa mga batang nasa daycare. Layunin nito na hubugin hindi lamang ang kaalaman at kakayahan ng mga bata, kundi pati ang kanilang pangkalahatang pag-unlad sa pisikal, sosyal, emosyonal, at kognitibong aspeto. (๐—๐— ๐— /๐—œ๐—–๐——)

FULL STORY HERE:

๐Ÿ“ŒFollow MSSD for more updates!
FB: https://facebook.com/MSSDBangsamoro/
IG: https://www.instagram.com/mssdbangsamoro/
X: https://x.com/MSSDBangsamoro
YT: https://www.youtube.com/
Tiktok: https://www.tiktok.com/.barmm





Beneficiaries were granted aid ranging from P10,000 to P50,000, depending on their assessed needs. The assistance covere...
30/03/2026

Beneficiaries were granted aid ranging from P10,000 to P50,000, depending on their assessed needs. The assistance covered hospital bills, medicines, laboratory expenses, and burial costs to provide immediate relief to families experiencing medical emergencies and other crises.

READ FULL STORY IN THE COMMENT SECTION

๐Œ๐”๐‹๐€ ๐๐ˆ๐˜๐Ž๐†, ๐‡๐€๐๐†๐†๐€๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜: ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐†๐€๐!๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Matagumpay na naisagawa ...
30/03/2026

๐Œ๐”๐‹๐€ ๐๐ˆ๐˜๐Ž๐†, ๐‡๐€๐๐†๐†๐€๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜: ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐†๐€๐!

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Matagumpay na naisagawa ang SLPA 2025 Ceremonial Turn-Over at Ribbon Cutting sa Municipality of Kapatagan na nagbigay-diin sa kahalagahan ng mga proyektong pangkabuhayan na nakatuon sa industriya ng niyog bilang pangunahing pinagkukunan ng kita ng mga lokal na magsasaka. Ang paglulunsad ng mga enterprise tulad ng coconut handicrafts, coconut water production, at coconut husk processing ay hindi lamang nagpapalawak ng oportunidad sa hanapbuhay kundi nagbibigay rin ng dagdag-halaga sa mga produktong lokal. Sa pamamagitan nito, napapakinabangan ang bawat bahagi ng niyogโ€”mula sa laman, tubig, hanggang sa bunotโ€”na nagreresulta sa mas mataas na kita, mas kaunting aksaya, at mas sustenableng produksyon.

Ang PEACEFUL FARMERS SLPA ay nakatuon sa paggawa ng coconut handicrafts na nagbibigay ng alternatibong kabuhayan at nagpapalakas ng lokal na industriya ng sining at produkto. Ang TOWNSHIP FARMERS SLPA naman ay nagsusulong ng coconut water production na may malaking potensyal sa merkado at nagbibigay ng mas mataas na halaga sa ani ng niyog. Samantala, ang GENUINE FARMERS SLP SLPA ay nakapokus sa coconut husk production and processing na tumutulong sa paggamit ng mga by-products ng niyog, nagbubukas ng karagdagang kita, at sumusuporta sa environmentally sustainable practices.

Pinangunahan ang aktibidad ni Remedios G. Condor, kasama ang mga katuwang na sina Yaksan A. Pagayawan, Harris S. Sarip, at Hamdani Taher, na taos-pusong pinasalamatan sa kanilang suporta at kooperasyon sa tagumpay ng programa, habang ang aktibidad ay pinarangalan din ng presensya at pakikiisa ng Provincial Coordinator na si Mohammad Sa-ad N. Indar, na higit pang nagbigay halaga at inspirasyon sa nasabing gawain.

Higit pa sa isang seremonya, ang aktibidad ay sumisimbolo ng matibay na pagtutulungan upang mapaunlad ang lokal na ekonomiya, mapalakas ang kapasidad ng mga magsasaka, at makamit ang inklusibo at pangmatagalang kaunlaran sa komunidad.





๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ป ๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ณ-๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€, ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฑ-๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถLANAO DEL SUR, BARMM...
30/03/2026

๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ป ๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ณ-๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€, ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฑ-๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ

LANAO DEL SUR, BARMM โ€” Naging sentro ng pagdiriwang ng Womenโ€™s Month sa Bacolod-Kalawi ang pagsusulong ng womenโ€™s self-care at breast cancer awareness sa programang pinangunahan ng MSSD Bacolod-Kalawi Unit Office noong Marso 27, 2026 sa Lakeside Gym, na dinaluhan ng 164 kalahok.

Binigyang-diin sa programa ang kamalayan sa breast cancer at ang kahalagahan ng regular na self-care bilang bahagi ng pagpapanatili ng mabuting kalusugan ng kababaihan.

Bukod dito, tinalakay rin ang usapin sa Gender and Development (GAD), family planning, at ang kampanyang โ€œFire Safety Starts at Home: Protecting Women and Families,โ€ na nagbigay-diin sa kahalagahan ng kaligtasan sa tahanan para sa kababaihan at kanilang mga pamilya. Binigyang-pansin din sa programa ang Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Law, upang higit na mapalawak ang kaalaman ng komunidad hinggil sa mga karapatan at legal na proteksiyon ng kababaihan at mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

Samantala, binigyang-pugay rin ang mahalagang papel at katayuan ng kababaihan sa Islamic history, bilang pagkilala sa kanilang makabuluhang ambag sa pananampalataya, pamilya, at pamayanan.

Sa kabuuan, naging makabuluhan ang pagdiriwang bilang isang plataporma upang itaguyod ang kalusugan, kaligtasan, at karapatan ng kababaihan sa Bacolod-Kalawi. (๐—๐— ๐— /๐—œ๐—–๐——)

๐Ÿ“ŒFollow MSSD for more updates!
FB: https://facebook.com/MSSDBangsamoro/
IG: https://www.instagram.com/mssdbangsamoro/
X: https://x.com/MSSDBangsamoro
YT: https://www.youtube.com/
Tiktok: https://www.tiktok.com/.barmm





Address

Brgy. Bacayawan, Malabang
Lanao Del Sur

Telephone

+639691909629

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSSD BARMM Lanao del Sur B posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share