27/08/2026
𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡
Habang tumatanda ang ating mga lolo at lola, mas nagiging mahirap para sa marami sa kanila ang magkaroon ng regular na kita. Kasabay nito, hindi naman nawawala ang pang-araw-araw na gastusin—pagkain, gamot, utilities, pamasahe, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Kaya sa ilalim ng ating panukalang 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗲 𝗕𝗶𝗹𝗹 𝗡𝗼. 𝟮𝟲𝟵 𝗼 𝗖𝗮𝘀𝗵 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗹𝗶𝗲𝗳 𝗳𝗼𝗿 𝗘𝗹𝗱𝗲𝗿𝗹𝘆 (𝗖𝗔𝗥𝗘) 𝗕𝗶𝗹𝗹, isinusulong natin ang pagpapalawak ng social pension upang mabigyan ng ₱𝟭,𝟬𝟬𝟬 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗰𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗽𝗲𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻, 𝗴𝗮𝘆𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗺𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 ₱𝟯,𝟱𝟬𝟬 𝗼 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗸𝗮𝗱𝗮 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 (𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗚𝗦𝗜𝗦, 𝗦𝗦𝗦, 𝗼 𝗣𝗚𝗠𝗖). Layunin nating mabigyan sila ng regular at mas tiyak na suportang magagamit para sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa pagkain, gamot, at mga emergency.
Makatutulong din ang dagdag na pension para mabawasan ang pinansiyal na pasanin sa kanilang mga pamilya, lalo na sa mga anak at kamag-anak na may sarili ring gastusin at responsibilidad.
Malaki ang naging ambag ng ating mga senior citizen sa kanilang mga pamilya, komunidad, at sa pag-unlad ng ating bansa. Panahon naman para masiguro nating may sapat silang suporta at maayos na buhay sa kanilang pagtanda.
Bahagi ang panukalang ito ng ating 𝟭𝟬 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗯𝗼𝘁-𝗞𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗵𝗮𝘆 na naglalayong magbigay ng konkretong ginhawa at suporta sa mga Pilipinong patuloy na nahihirapan sa mataas na presyo ng mga bilihin at iba pang pang-araw-araw na gastusin. ❤️🔥🇵🇭