29/08/2026
๐๐ข๐ก๐ก๐๐๐ง๐ก๐๐ช๐ฆ || DATING NAUULANAN NGAYON MAY AASAHAN NG MASISILUNGAN, PAGTATAYO NG COVERED COURT SA BRGY. CANAWAY, MALILIPOT ALBAY PORMAL NG SISIMULAN
Halo halong ngiti at saya ang nadarama ng mga Opisyal at residente ng Brgy. Canaway sa Malilipot, Albay kung dati rati ay palagi umano silang nauulanan kapag may okasyon ngayon ay may aasahan na silang masisilungan, matapos pormal ng sisimulan ang pagtatayo ng Multipurpose covered court sa kanilang lugar.
Sa panayam ng Bicol Connect Media group ki Punong Barangay Tirso Bolaรฑos ng Barangay, Canaway, Malilipot Albay sa Isinagawang groundbreaking nitong Agosto 28, 2026 malaking tulong umano ang bagong pasilidad para sa buong komunidad lalo na sa mga pagtitipon, training at aktibidad ng barangay.
Dagdag pa ni Bolaรฑos na magsisilbi rin umano pansamantalang tirahan ng mga residente ang itatayong pasilidad sakaling mag alburuto man ang Bulkan Mayon kapag itinataas ang alert level status nito.
lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Bolaรฑos sa suporta at tulong para sa proyekto. Matatandaang naisulong pa ang pondo noong yumaong Congressman Edcel Lagman, pinagsisikapan naman eto ipinagpapatuloy ng kanyang anak na si Congresswoman Krisel Lagman.
Inaasahan namang matatapos at makukumpleto ng DPWH Albay 1st Engineering District ang proyekto sa Susunod na taon.
Panoorin ang Buong kwento...