4Ps Municipal Operations Office Lian, Batangas

4Ps Municipal  Operations Office Lian, Batangas Official page of DSWD 4Ps Lian, Batangas

14/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 14

Pursuant to Memorandum Circular No. 126, government offices are directed to shift to appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 14, 2026:

๐Ÿ“ National Capital Region (NCR)
๐Ÿ“ Zambales
๐Ÿ“ Bataan
๐Ÿ“ Bulacan
๐Ÿ“ Pampanga
๐Ÿ“ Tarlac
๐Ÿ“ Nueva Ecija
๐Ÿ“ Cavite
๐Ÿ“ Batangas
๐Ÿ“ Rizal
๐Ÿ“ Laguna
๐Ÿ“ Quezon
๐Ÿ“ Occidental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall likewise be implemented in these areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

PAALALA! Patuloy na nararanasan ang pag-ulan sa ating lugar, at naitala na ang pagbaha sa ilang bahagi ng ating munisipa...
08/08/2026

PAALALA!

Patuloy na nararanasan ang pag-ulan sa ating lugar, at naitala na ang pagbaha sa ilang bahagi ng ating munisipalidad. Dahil dito, hinihikayat ang lahat na manatiling alerto, maingat, at updated sa mga abiso mula sa mga kinauukulang awtoridad.

โš ๏ธ Para sa mga lugar na nakararanas na ng pagtaas ng tubig:

Kung kinakailangan nang lumikas, mangyaring huwag nang mag-atubili. Agahan ang paglikas habang ligtas pa ang mga daan at huwag hintaying lumala ang sitwasyon bago kumilos.

๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ Unahin ang kaligtasan ng pamilya.

Kung may mga bata, senior citizen, buntis, persons with disability, o kapamilyang nangangailangan ng espesyal na atensyon, tiyaking sila ay maunang mailipat sa mas ligtas na lugar.

๐ŸŽ’ Kung lilikas, dalhin ang mahahalagang gamit tulad ng:

โ€ข Tubig at pagkain
โ€ข Gamot at first-aid supplies
โ€ข Mahahalagang dokumento, nakabalot sa waterproof na lalagyan
โ€ข Cellphone, power bank, flashlight at extra batteries
โ€ข Damit at iba pang pangunahing pangangailangan

๐Ÿšซ Iwasang tumawid o maglakad sa rumaragasang tubig-baha. Huwag ding subukang dumaan sa mga lugar na hindi na ligtas, lalo na kung mabilis ang pagtaas ng tubig.

๐Ÿ“ฑ Kailangan ng rescue o emergency assistance? Kalakip ng post ang contact directory ng mga maaaring tawagan para sa agarang tulong.

Kung tatawag para sa rescue, mangyaring ibigay ang kumpletong lokasyon, pangalan ng tatawagan, bilang ng mga taong nangangailangan ng tulong, at iba pang mahalagang impormasyon upang mas mabilis na maaksiyunan ang inyong sitwasyon.

๐Ÿ™ Huwag isantabi ang panganib. Mas mabuting lumikas nang maaga kaysa malagay sa alanganin ang buhay.

Manatiling kalmado, makinig sa opisyal na mga abiso, at unahin ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya.

MAGING ALERT0. MAGING HANDA. UNAHIN ANG KALIGTASAN. ๐ŸŒง๏ธ๐Ÿ›Ÿ

07/08/2026
05/08/2026

๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐œ๐ค๐ž๐ญ 2/๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ 2 ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„ and Reminder:

Lahat po ng nasa Listahan ng Bucket 2/Group 2 ng UPLIFT ay kailangang ๐‘ด๐‘จ๐’€ ๐‘บ๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฎ๐’„๐’‚๐’”๐’‰ ๐’‚๐’„๐’„๐’๐’–๐’๐’• ๐’ ๐‘ณ๐’‚๐’๐’…๐’ƒ๐’‚๐’๐’Œ ๐‘จ๐’„๐’„๐’๐’–๐’๐’• dahil kakailanganin po ito sa araw ng payout.

Kung sino po ang nakalista sa CBMS Data 2024, ay sila po dapat ang nakapangalan mismo. ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐จ ๐ฉ๐ฐ๐ž๐๐ž ๐ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐†๐œ๐š๐ฌ๐ก ๐š๐œ๐œ๐จ๐ฎ๐ง๐ญ ๐ง๐  ๐ข๐›๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐จ.

Salamat po!

07-24-2026 | GSTFMS CumbaMatagumpay na isinagawa ang Gender Sensitivity Training for Male Spouses (GSTFMS) sa Brgy. Cumb...
24/07/2026

07-24-2026 | GSTFMS Cumba

Matagumpay na isinagawa ang Gender Sensitivity Training for Male Spouses (GSTFMS) sa Brgy. Cumba, na dinaluhan ng 18 kalahok. Layunin ng aktibidad na palalimin ang pag-unawa ng mga kalahok sa kahalagahan ng gender equality, paggalang sa karapatan ng bawat isa, at pagpapatibay ng matatag at responsableng ugnayan sa loob ng pamilya.

Sa pamamagitan ng mga makabuluhang talakayan at interaktibong gawain, nabigyang-diin ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon, pantay na pagbabahagi ng responsibilidad, at paggalang sa bawat miyembro ng pamilya upang makamit ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na tahanan.

Ang aktibidad ay matagumpay na pinangasiwaan nina Municipal Links Chelestine Monterero, Jasreel Castillo, at Emelynia Batoy, kasama si Social Welfare Assistant John Carlo Carpena, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at gabay sa mga kalahok.

07-24-2026 | GSTFMS MalaruhatanIsinagawa ang Gender Sensitivity Training for Male Spouses (GSTFMS) na dinaluhan ng 35 ka...
24/07/2026

07-24-2026 | GSTFMS Malaruhatan

Isinagawa ang Gender Sensitivity Training for Male Spouses (GSTFMS) na dinaluhan ng 35 kalahok. Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, pagpapalakas ng ugnayan sa loob ng pamilya, at pagtataguyod ng respeto, responsibilidad, at maayos na komunikasyon sa bawat tahanan.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at makabuluhang talakayan, mas naunawaan ng mga kalahok ang mahalagang papel ng bawat miyembro ng pamilya sa pagbuo ng isang ligtas, mapagmahal, at maunlad na tahanan.

Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na pinangasiwaan nina Municipal Links Grace Llamera, Donna Atienza, at Jayson Amarillas, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at nagbigay-gabay sa mga kalahok sa iba't ibang gawain at talakayan.

23/07/2026

Basahin mabuti.

07-22-2026 | Brgy. LumaniagIsinagawa ang Gender Sensitivity Training for Male Spouses (GSTFMS) sa Lumaniag Barangay Hall...
22/07/2026

07-22-2026 | Brgy. Lumaniag

Isinagawa ang Gender Sensitivity Training for Male Spouses (GSTFMS) sa Lumaniag Barangay Hall, na dinaluhan ng 23 na mga asawang lalaki mula sa Barangay Lumaniag.

Layunin ng pagsasanay na palalimin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa gender sensitivity, pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan, responsableng pagiging asawa at ama, at ang mahalagang papel ng kalalakihan sa pagpapanatili ng isang ligtas, mapayapa, at matatag na pamilya.

Sa pamamagitan ng mga makabuluhang talakayan at aktibong pakikilahok, naipakita ng mga kalahok ang kanilang kahandaan na maging mabuting katuwang sa pagtataguyod ng respeto, pagmamahalan, at pagkakapantay-pantay sa loob ng kanilang tahanan at komunidad.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan nina Municipal Links Chelestine Monterero at Emelynia Batoy, kasama ang Social Welfare Assistant John Carlo Carpena, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at gumabay sa mga kalahok sa buong pagsasanay.

07-22-2026 | MatabungkayIsinagawa ang Gender Sensitivity Training for Male Spouses (GSTFMS) sa Lian Emergency Operations...
22/07/2026

07-22-2026 | Matabungkay

Isinagawa ang Gender Sensitivity Training for Male Spouses (GSTFMS) sa Lian Emergency Operations Center, Brgy. Matabungkay, Lian, Batangas, na dinaluhan ng 24 na mga asawang lalaki mula sa mga barangay ng Matabungkay, Balibago, at Luyahan.

Layunin ng pagsasanay na palalimin ang pag-unawa ng mga kalahok sa gender sensitivity, pantay na pagtingin sa kababaihan at kalalakihan, responsableng pagiging asawa at ama, at ang mahalagang papel ng kalalakihan sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamilya.

Sa pamamagitan ng mga talakayan at aktibong pakikilahok ng mga kalahok, naipakita ang kanilang kahandaan na maging katuwang sa pagbuo ng tahanang may paggalang, pagmamahalan, at pagkakapantay-pantay.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan nina Municipal Links Christian Cabrera at Jay-R Laiรฑo, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at nagbigay-gabay sa mga kalahok sa buong pagsasanay.

Strengthening Partnership Among 4Ps StakeholdersThe Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Municipal Operations Offic...
21/07/2026

Strengthening Partnership Among 4Ps Stakeholders

The Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Municipal Operations Office of Lian, Batangas successfully conducted a 4Ps Assembly in partnership with Matabungkay Elementary School, led by Assistant Principal II Mr. Ronel A. Gomez together with 4Ps School Coordinator Mr. Ronel Francia.

The activity gathered 4Ps partner-beneficiaries of Brgy. Matabungkay to reaffirm their commitment to actively participate in school activities and to strengthen collaboration in creating a safe, inclusive, and child-friendly learning environment.

During the assembly, Municipal Action Team Leader Mr. Christian Cabrera emphasized that ensuring a safe school environment is not the sole responsibility of the school, but a shared responsibility among parents, the school, the community, and partner agencies. Through a holistic partnership, every stakeholder plays a vital role in protecting and nurturing the welfare of every child.

Meanwhile, Assistant Principal II Mr. Ronel A. Gomez echoed this commitment by expressing the school's full support for the shared advocacy of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) in uplifting the lives of children and their families through education, responsible parenting, and strengthened community engagement.

Together, let us continue building stronger partnerships that empower families, promote quality education, and ensure that every child grows in a safe and supportive environment.

Address

Lian

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4Ps Municipal Operations Office Lian, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share