29/05/2026
𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡𝐥𝐲 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠
📍OM Conference Room | May 29, 2026
The Local Health Board successfully conducted its monthly meeting today to discuss crucial updates and the next strategic steps for the health programs of Ligao City.
Nanguna sa meeting ang ating masipag na Mayor, Hon. Fernando V. Gonzalez, kasama sina Dr. Wynns M. Samar (City Nutrition Action Officer), Kenn S. Nuyda (DMO IV, Provincial DOH Office), at ang iba pang mga katuwang mula sa City Health Office of Ligao.
Naging highlight sa meeting ang tagumpay ng Helen Arevalo Memorial Pap Smear Drive kung saan 78 kababaihan mula sa Ligao, Oas, at Guinobatan ang nakilahok. On a positive note, tuluy-tuloy pa rin po ang ating TB Specimen Collection and Transport para sa mas accessible na serbisyo. Mas pinalakas din ang kampanya laban sa Dengue sa pamamagitan ng Barangay Dengue Brigade at mas maayos na pagpapatupad ng waste management sa mga komunidad.
Binigyang-pansin din ang mga updates sa Non-Communicable Diseases (NCD) Program sa pamamagitan ng PhilPEN at ang pagdiriwang ng May Measurement Month na nakatutok sa pag-iwas at pamamahala ng mga lifestyle diseases, lalo na’t nananatiling pangunahing sanhi ng sakit at kamatayan ang respiratory infections, hypertension, cardiovascular diseases, at diabetes.
Samantala, patuloy naman ang paglawak ng programang PuroKalusugan kung saan matapos maabot ang 12 barangay noong 2025, nadagdagan pa ito ng 7 barangay na matagumpay na naseserbisyuhan sa kasalukuyan.
Patuloy lang po ang ating pagtutulungan para sa kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan.