02/06/2026
ππππ: ππππππππππ ππ πππππ πππππ πππππππ ππππππ πππ πππππππππ ππ πππππππππ ππ ππππππ ππ πππ πππππππππ ππ ππππππππ
Kaugnay ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan, pinaigting ng Coast Guard Station (CGS) Bataan ang pakikipag-ugnayan nito sa mga Local Government Unit (LGU) at mga baybaying barangay sa Lalawigan ng Bataan upang isulong ang kahandaan sa sakuna at kaligtasan sa karagatan ng mga mangingisda at mamamayan.
Bilang bahagi ng programang ito, nagsagawa ang CGS Bataan ng information dissemination activities at namahagi ng mga βPaalala sa mga Mangingisdaβ upang mapataas ang kamalayan ng publiko hinggil sa mga panganib na dulot ng masamang panahon at kahalagahan ng pagsunod sa mga panuntunan sa kaligtasan sa karagatan.
Binigyang-diin sa mga paalala ang kahalagahan ng pagsubaybay sa mga ulat ng panahon, pagtiyak sa maayos na kondisyon ng mga sasakyang pandagat, pagsusuot ng life-saving equipment, at agarang pag-uulat ng anumang insidente o emerhensiyang pandagat sa pinakamalapit na himpilan ng Coast Guard.
Ipinapakita ng gawaing ito ang patuloy na pagsasabuhay ng Philippine Coast Guard sa layunin ng PCG ICARE Program (Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement) sa pagsusulong ng kaligtasan sa karagatan, mahusay na serbisyo publiko, at matatag na pakikipag-ugnayan sa komunidad.
π΅π