20/08/2026
Ligtas at Handa sa Panahon ng Habagat ๐ง๏ธ๐
Sa pangunguna ng PHO-Pangasinan, sa ilalim ng pamamahala ni Dra. Maria Vivian Villar-Espino, nakatanggap ang ating opisina ng sapat na suplay ng Vitamin C at Doxycycline bilang proteksyon laban sa leptospirosis para sa ating mga frontline workers, kabilang ang mga utility at maintenance personnel, at security guards.
Sa pamumuno ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III , patuloy na binibigyang-prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga lingkod-bayan at bawat Pangasinense.
Patunay ito ng patuloy na pangako ng Pamahalaang Panlalawigan na walang maiiwang Pangasinense sa pagtanggap ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan.
Malusog, ligtas, at handang maglingkod. ๐
โ
โ
โ
โ
โ