03/08/2026
Matagumpay na naisagawa ng City Cooperatives Office ang Seminar on the Fundamentals of Cooperatives, na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa kasaysayan, mga pagpapahalaga, prinsipyo, at kahalagahan ng mga kooperatiba sa pag-unlad ng komunidad.
Sa pamamagitan ng seminar na ito, nabigyang-diin ang mahalagang papel ng kooperatiba sa pagtataguyod ng pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang pag-unlad. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang mga natutunang aral upang higit pang mapaunlad ang kooperatiba at makahikayat ng mas marami pang indibidwal na makiisa sa kilusang kooperatiba.
Patuloy na magsisilbi ang City Cooperatives Office sa paghahatid ng mga programang nagpapalakas sa kaalaman at kakayahan ng bawat miyembro at ng komunidad para sa isang mas maunlad at inklusibong Lungsod ng Lipa.