19 TAU GAMMA PHI 68 S.M.C Chapter

19 TAU GAMMA PHI 68 S.M.C Chapter MAG BIGAY SERBISYO GAYA NG PAG TULONG SA NASASAKUPANG BARANGAY TUNGO SA IKAUUNLAD

Happy 55th Anniversary TAU GAMMA PHI TRISKELIONS' GRAND FRATERNITY ang mahal kong kapatiran ang kataas taasang kapatiran...
03/10/2023

Happy 55th Anniversary TAU GAMMA PHI TRISKELIONS' GRAND FRATERNITY ang mahal kong kapatiran ang kataas taasang kapatiran.

Loboeñong Triskelion
San Miguel Community Chapter

Bauangeñong Triskelion
Mangoville Community Chapter

Brod. ErwinDelica
Grand Triskelion
Mangoville Community Chapter

SALUTE 🫡

10/10/2022

Dating Triskelion pag nalaman mong brod di ka magdadalawang isip na tulungan or ientertain, yung tipong akala mo matagal n kayo nagkakasama o magkakilala khit kakakilala nyo lang, kasi nga magka brod kayo.

Dating Triskelion masaya mag visiting or pag may visiting kasi damang dama mo tlga yung brotherhood.

Dating Triskelion simpleng kwentuhan lang tambay, maglalabas ng alak khit ano walang pinipili msayang nagsasalo salo khit gin o kornik o mdalas walang pulutan , kwentuhan at payabangan sa mga kalokohan.

Dating Triskelion pag ngkataon n brod ang natanungan mo ng lugar or kung may hinahanap kang tao sa lugar na yun sasamahan at ihahatid kapa pra lang matulungan ka nya.

Dating Triskelion kahit anong estado mo sa buhay pg mgkakasama kayo brod is brod.

Ngaun Triskelion konting kibot sisilipin yung pagka Triskelion mo.

Ngaun Triskelion may kanya kanyang personal na interes, nagreresulta na kahit ka brod mo sisirain mo.

Ngaun Triskelion mas matapang pa awayin brod nya kesa kalaban.

Ngaun Triskelion pag kaaway yung legit nagiging colorum, yung colorum kinakanlong ipinipilit na legit.

Ngaun Triskelion madami nang masyadong magagaling sa sobrang gagaling walang gusto magpaubya nkakalimutan n nila yung tunay n esensya ng kapatiran.

Ngaun Triskelion mahilig makipagmataasan sa kapwa nya Triskelion.

Ikaw brod alin ka dyan dati o ngaun? Pagnilayan mo mabuti.

Ano na nga ba ang nangyare sa mahal nating kapatiran. Ang pagkakamali ba ay nasa kapatiran? O nasa mga miyembro nito?.

Ang pagiging mabuting Triskelion ay choice ng bawat isa hinde sapat n well oriented or nagulpi mo lang during neophyte days. Madami dyan oriented pero mukhang hinde naman oriented umaksyon. Meron nmn di well oriented pero damang dama mo pag ka Triskelion nya.

Kung tutuusin 50 years bata paring maituturing ang ating kapatiran. Supremo nga ba tayong maituturing kung ganito ang kinahihinatnan?

Madami n nga tayo kaso quality ba?

Ano nga ba ang esensya ng kapatiran para sa atin?

Makakabuti ba talagang pasukin natin ang mundo ng pulitika? Para sa akin malaking hinde. Kahit kelan hinde dapat pasukan ng pulitika ang kapatiran.

May mga bagay na madaling ayusin kung pinaiiral lamang natin yung pagiging maka kapatiran or maka brod natin. Tila nawawala n kasi ung esensya ng tunay na kapatiran.

Iangat yung dangal ng kapatiran wag mo yurakan. Kapag ang brod mo ang siniraan mo di siya yung sinisiraan mo kundi yung kapatiran mismo.

Ano yung magagawa mo sa kapatiran, hinde ano ang magagawa ng kapatiran para sayo.

Ang pagiging Triskelion ay responsibilidad at obligasyon. Ang prebilehiyong matawag na isang Triskelion ay may kaakibat na bigat na responsibilidad n pangalagaan ang ngalan nito. Sa bawat aksyong ginagawa mo nakasalamin sayo yung dangal ng kapatiran. Kaya kapatid magisip isip ka wag maging anay sa sarili mong tahanan.

Ctto. share lng copy paste salamat salute

10/10/2022

Ang Katotohanan sa likod ng Fraternities Initiations

"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"

"Wala naman sa Palo at pagpapahirap ang tunay na samahan". Ito yung madalas ng argumento ng mga kritiko ng kultura ng Frats.

In my 20 years as a Fratman.Maraming kuwentuhan at debate na rin akong naranasan patungkol sa ganitong usapin.At sa bawat mga paliwanag at mga punto ko.Gaano man kahaba o gaano man kalinaw ang punto ko bakas pa rin sa mukha ng kausap ko "Hindi ko pa rin naiintindihan"
The Truth is " People will never Understand.They Will never understand and You will never ever understand unless you are a Legit Fratman."

Most of the Non Greeks society members kinakabit ang salitang HAZING sa Frats.Ito daw yung kultura natin.Isang maling konsepto na matagal nagpasalin salin sa paniniwala at kaisipan ng mga taong hindi member ng Frat simula nung kauna unahang tala ng casualty sa Frat Initiations.

The correct word for our culture is INITIATIONS OR RITES.
Ito yung proseso na dapat mong pagdaanan para maging karapat dapat kang tawaging "BROD"
Ang initiation o Rites ay walang intensyon sa kahit anong pagkakataon na PUMATAY.
But instead ilalabas nito ang potential ng iyong pagkatao,Pag iisip at tuturuan ka ng Values at wisdom na hindi mo matutunan sa normal mong pamumuhay.

FRATERNITIES TRADITION AND CULTURE and its Values.

PADDLING (Test of strenght,Courage and Dedication)

Kung ang akala nila isa itong sakitan "They will never understand...." Kaya nga sa ating kultura isang napaka sagradong simbolo sa atin ang "Fraternity Paddle O Sagwan" Siya ang nagsasabi ng mga diwa at kaisipan dapat mong tandaan. Mga tama at maling pag uugali na dapat isa alang alang.Mga prinsipyo,Layunin at dapat na pag uugali na dapat isabuhay bilang isang karapat dapat na miyembro.Kung paano wag sumuko kahit ang sakit sakit na at nahihirapan ka na.Na kahit anong hirap na sitwasyon ka na "Pump"lang para magpahinga."Pump" pag di na kaya..But never ever Quit..Because once you quit,Quiter ka na for the rest of your lives. The values of strenght,Courage and Dedication ang gustong sabihin ni Lolo na dapat sa pagharap sa buhay sa lahat ng pagkakataon dala mo yan.

SERVICE( Test of Patience,Devotion and Willingness and Dedication

Kung Akala nila isa itong pang aalipin at pang uuto.
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"
Isang sem o depende sa CBL niyo na pagiging "Amuyong",Aliping saguiguilid,O Lowest mamal. Bili mo ko yosi,Kunin mo notebook ko sa bahay,Bili ka softdrinks at kung ano ano pang utos ni master...
Pero bago sumama ang loob mo at masamain. Sinusubukan lang ang iyong Patience,Devotion,Willingness at Dedication pa ulit.Gusto ka lang imulat na sa mundong ito lahat ng pangarap mo at gusto kailangan mong pagtuunan ng panahon at Oras.Wala kang "Gusto" mo at "Pangarap" mo na makukuha sa madaling paraan.Isang pagmulat sa katotohanan dito sa Mundo.

UNGGOYAN (Test of Loyalty,Respect and Humility)
Kung Akala nila eh Ginagago ka lang at ginagawang sinto sinto.
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"
Pakainin ng sili,Pagtripan ka at gawing katawa tawa at Gawin kang basurero ng Universities niyo.At kung ano ano pa.
Tinuturo sayo ang salitang Respect,Loyalty at Humility.
Respeto at pagpapakumbaba sa mga nauna.Mga unang nagtaguyod ng kapatiran.Katapatan.Na kung balang araw dumating ang pagkakataon sa loob mismo ng kapatiran dumating ang pagkakataon yung iba o ang karamihan mag karoon ng pansariling interes at naging mapagmataas eh maalala mo na minsan ka rin naging "Unggoy".
Gusto ka rin nitong imulat na sa mundo maraming mapang api.Ng sa gayon hindi ka dito mapabilang dahil naranasan mong minsan Maging API at Unggoyin.

BAGSAKAN NG PASSWORD AT RIDDLE (Test of Intelligent,Wit, At preparedness

Saan makikita ang ----.Di mo nasagot? Sampal.

Ilan ang balahibo ng Puting Tupa? Di mo nasagot? Sampal.

Kung akala nila ay binubully ka.

THEY WILL NEVER UNDERSTAND

Pinapatalas lang nito ang iyong katalinuhan at memorya.Siyempre para di mamaga ang mukha mo sa kakasampal ni master.Pilit mo itong kakabisaduhin at aaralin ang mga sagot. Isang pagmulat din sa realidad ng buhay na dapat sa lahat ng pagkakataon "Lagi kang handa" para pumabor sa iyo ang kadalasang sitwasyon ng Buhay.

PAGPIRING SA MATA( Test of Trust,Faith and Enlightment)

Akala nila eh tinatakot ka.
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"
"Hindi Lahat nakikita at nadidiskubre sa Liwanag...Kadalasan sa Dilim"

Nasa isa kayong kuwarto.Nakapalibot sayo ang lahat ng master mo at ikaw nakapiring.Kung inaakala mong may masamang plano sayo at para hindi ka makapalag dahil may piring ka.
Tinuturuan ka lang na mag tiwala sa mga taong nasa paligid mo lalo na sa Frat. Isa din itong pagmulat na ang buhay bawat kinabukasan ay isang kadiliman.Dahil hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap.Dahil literal tayong nabubuhay sa "Kadiliman".Isang kaugalian na babaunin mo na matutong maniwala at magtiwala sa sarili at wag matakot sa madilim na hinaharap.At kung sino ang nasa paligid mo wag matakot "Magtiwala".

PAG SUSUOT NG FRATSHIRT( PRIDE AND PRISTIGE"

Kung akala nila eh nagyayabang ka na member ng Frat..

"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"

Proud ka lang sa iyong kinabibilangan na siyang naghubog ng iyong pagkatao.Naging isang malaking parte ng iyong katauhan ang mga aral na natutunan mo sa Frat.Simbolo ito na isanasabuhay mo sa araw araw ang bawat talata ng inyong kapatiran.

FRATERNITY HANDSHAKE(Respect and Love)

Kung inaakala nilang tayoy nagpapansin

"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"

Ang pag abot ng kamay sa kapatid sa kapatiran ay simbolo ng Respeto at pagmamahal.Na kahit saan tayo magkita saang parte ng mundo andun yung "Respeto" at pagmamahal sa Bawat isa. Isa din itong simpleng pahiwatig "Andito lang ako handa kang tulungan kung anuman sa abot ng aking makakaya dahil ikaw ay kapatid sa kapatiran"Na sandaling oras ng nakadaupang palad niyo ang isat isat pareho niyo pinapaalala ang mga dinanas at itinuro sa inyo ng Kapatiran....

"HINDI NAMAN SA PALO AT PAGPAPAHIRAP ANG TUNAY NA SAMAHAN" Sabi ng mga Media,Facebook comentators,Tropa ko na lassengero,Teacher ko sa English,Kapitbahay ko na palasimba at Nanay ko na nagluluto ng sinangag kanina...........

PERO HINIGOP KO LANG YUNG KAPE KO.. Ngumiti habang bulong sa sarili ko.
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND......"

MABUHAY ANG MGA LEHITIMO AT TRADITIONAL MEMBERS NG PINOY FRATS.

Written by -AdminM5

General Cleaning  San Miguel,Lobo,BatangasLaban lang mga kapatid kahit sa harap ng pandemyang ating kina-kaharap ipakita...
19/07/2020

General Cleaning San Miguel,Lobo,Batangas

Laban lang mga kapatid kahit sa harap ng pandemyang ating kina-kaharap ipakita natin sa ating mga ka-barangay na di dapat mawalan ng pag-asa,bagkus ay maging matapang at matatag laban sa ating kinakaharap na kalaban. Kalinisan ng bawat isa ay sapat na armas upang mapangalagaan ang ating kalusugan.




/Sigma

Aribba ! Aribba ! Aribba Tau Gamma !!!

General Cleaning @ Barangay San Miguel, Lobo, Batangas Ang Kalinisan ay ang kaunlaran ng bawat mamamayan.Kay gandang pag...
08/03/2020

General Cleaning @ Barangay San Miguel, Lobo, Batangas

Ang Kalinisan ay ang kaunlaran ng bawat mamamayan.
Kay gandang pag-masdan kung nananatiling malinis ang kapligiran.

Big Salute our Brotherhood and Sisterhood ✋




23/02/2020

During Feeding Program ❤️

At dahil nakagawa na naman tayo ng panibagong proyekto tayo muna ay mag sama-sama para sa tagumpay ng ating kapatiran😍Ma...
23/02/2020

At dahil nakagawa na naman tayo ng panibagong proyekto tayo muna ay mag sama-sama para sa tagumpay ng ating kapatiran😍

Marami pong salamat sa lahat ng kapatid nating tumulong at nakiisa, sa mga sponsors maraming salamat po sa suporta na pinaabot nyo sa amin. ❤️

SALUTE MGA KAPATID 😍❤️💕

Arriba TAU GAMMA PHI S.M.C Chapter
LOBO MUNICIPAL COUNCIL

Panibagong proyekto mula sa kaptirang nagtutulungan. Ang TAU GAMMA PHI/SIGMA Triskelions' Grand Fraternity/SororityUnang...
23/02/2020

Panibagong proyekto mula sa kaptirang nagtutulungan.

Ang TAU GAMMA PHI/SIGMA
Triskelions' Grand Fraternity/Sorority

Unang una sa lahat nag papa-salamat kami sa itaas kasi binigyan nya kami ng magandang panahon upang maisakatuparan ang aming proyektong ito, sa aming Punong Barangay nag papasalamat po kami at binigyan nyo po kami ng pagkakataon na maipakita ang aming magandang layunin dito sa ating Barangay ganun narin po sa pagtanggap nyo po sa aming kapatiran makaka-asa po kayo na magiging katuwang kami ng ating Barangay tungo sa ika-uunlad at ikagaganda nito, at sa mga kapatid nating nakiisa at sumuporta maraming salamat at salute sa ating lahat ipag patuloy lang natin ang ating magandang layunin at sana marami pa tayo magawa para sa ating Barangay upang maipakita natin ang magandang hangarin ng kapatirang TauGammaPhi.




GENERAL CLEANING @ BRGY. SAN MIGUEL.Isa sa aming layunin ang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran sapagkat ito ang...
02/02/2020

GENERAL CLEANING @ BRGY. SAN MIGUEL.

Isa sa aming layunin ang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran sapagkat ito ang magiging pinaka unang hakbang upang maipakita ang pag-unlad ng isang Bayan.

Dito rin maipakikita kung paano mag kaisa kaming mga TRISKELION at makilala sa buong mundo kung gaano kaganda ang layunin ng Kapatirang TAU GAMMA PHI

SALUTE to all Brotherhood and Sisterhood




Salute !!
24/01/2020

Salute !!

Address

Lobo
4229

Telephone

+639105556340

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 19 TAU GAMMA PHI 68 S.M.C Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share