04/09/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Fresh Egg Production Enterprise
๐
September 2, 2026 | 9:00 AM
๐ Barangay Balatucan, Looc, Romblon
Pormal nang binuksan ang Balatucan Poultry SLP Association โ Fresh Egg Production Enterprise, isang livelihood project sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) na naglalayong makapagbigay ng dagdag na pagkakakitaan at mas matatag na kabuhayan para sa mga benepisyaryo sa Barangay Balatucan, habang nagsisilbi ring karagdagang lokal na mapagkukunan ng sariwang itlog upang makatulong na matugunan ang pangangailangan ng ating bayan.
Nagbigay ng inspirational message si ๐ ๐ฟ. ๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐. ๐๐ฎ๐ฎ, ๐ฆ๐๐ฃ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga livelihood opportunities na makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga komunidad.
Ipinahayag naman ni Municipal ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ญ๐ญ๐ฒ. ๐๐ข๐ฌ๐๐ญ๐ญ๐ ๐. ๐๐ซ๐๐จ๐ฅ๐๐๐ ang kanyang kasiyahan sa pagkakaroon ng ganitong livelihood enterprise sa Looc. Tiniyak niya ang buong suporta ng Pamahalaang Bayan sa asosasyon at hinikayat ang mga miyembro na huwag mag-atubiling lumapit sa LGU kung nangangailangan ng technical assistance o iba pang kinakailangang suporta. Hangad ng Punong Bayan ang patuloy na paglago at tagumpay ng asosasyon.
Dumalo rin si ๐๐จ๐ง. ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ ๐๐๐จ, Sangguniang Panlalawigan Member โ 2nd District, bilang pakikiisa at suporta sa pagkakaroon ng dagdag na livelihood opportunity para sa mga Loocnon.
Si ๐๐ซ. ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ซ๐ญ ๐
. ๐
๐๐๐๐ฅ๐ฅ๐, ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐, ang naging in-charge sa implementation ng proyekto, katuwang ang mga kinauukulang SLP personnel at community members.
Special thanks kay ๐๐ฌ. ๐๐ข๐ง๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐๐ง๐, ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ ๐๐, na naging mahalagang bahagi sa pagtukoy sa mga pangangailangan ng ating mga komunidad at sa pagbibigay ng oportunidad na magkaroon ng mga proyektong maaaring magsilbing sustainable source of livelihood para sa mga Loocnon.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng SLP, LGU, at ng komunidad, patuloy nating binibigyang-daan ang mga oportunidad na hindi lamang nagbibigay ng kabuhayan, kundi nakatutulong din sa pangangailangan ng ating sariling bayan.
Mabuhay ang Balatucan Poultry SLP Association!
Hangad namin ang inyong patuloy na pag-unlad at tagumpay!