23/09/2026
📢 ATTENTION, JOB SEEKERS!
Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), ang lahat ng naghahanap ng trabaho sa Municipal Job Fair sa Setyembre 24, 2026 (Huwebes), mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM sa Municipal Activity Area. Hatid ng programang ito ang pagkakataong makahanap ng angkop na trabaho sa pamamagitan ng iba’t ibang local at overseas recruitment and placement agencies na naghahanap ng mga kwalipikadong aplikante.
Para sa maayos na proseso ng aplikasyon, pinapaalalahanan ang mga job seekers na magsuot ng presentableng casual attire at iwasang magsuot ng tsinelas, open-toed sandals, sleeveless, ripped jeans, at shorts. Magdala rin ng updated resume, ballpen, at valid ID.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Para sa listahan ng mga kumpanyang kalahok, bisitahin ang: https://www.facebook.com/share/p/1Bykz46CrV/