05/08/2026
Isang karangalan para sa inyong lingkod na maging Platinum Sponsor ng LRP x LBDL Basketball Inter-Barangay Season 2.
Bilang isang dating student-athlete, alam ko ang halaga ng sports sa paghubog ng disiplina, karakter, leadership, at pagtutulungan. Higit pa sa kompetisyon, ang basketball ay nagsisilbing daan upang mailayo ang ating kabataan sa bisyo at mailapit sila sa kanilang mga pangarap.
Kaya naman patuloy nating susuportahan ang mga programang nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga atleta na maipakita ang kanilang talento at maabot ang kanilang buong potensyal.
Maraming salamat sa LRP Group, LBDL, sa mga organizers, coaches, sponsors, at sa lahat ng bumubuo ng liga. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paghubog ng susunod na henerasyon ng mga atletang Los Bañense.
Suporta sa sports. Suporta sa kabataan. Suporta sa kinabukasan.
Special thanks to Sunny Side Up Creatives for capturing and producing this amazing video.