UP Action Los Baños

UP Action Los Baños Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UP Action Los Baños, Political organisation, Los Baños.

The UP Action Network – Los Baños is the broadest network of students, faculty, REPS, administrative staff, administrators, and nearby sectors and communities of the University of the Philippines Los Banos (UPLB).

𝙈𝘼𝙏𝘼𝙂𝙐𝙈𝙋𝘼𝙔 𝘼𝙉𝙂 𝙒𝘼𝙇𝙆𝙊𝙐𝙏 𝙉𝙂 𝙐𝙋𝙇𝘽! 𝙋𝘼𝙂𝙋𝙐𝙋𝙐𝙂𝘼𝙔 𝙎𝘼 𝙉𝘼𝙂𝙆𝘼𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝙃𝘼𝙉𝘼𝙔 𝙉𝙂 𝙈𝙂𝘼 𝙀𝙎𝙏𝙐𝘿𝙔𝘼𝙉𝙏𝙀, 𝙂𝙐𝙍𝙊, 𝙆𝘼𝙒𝘼𝙉𝙄, 𝘼𝙏 𝙊𝙋𝙄𝙎𝙔𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝙎𝙐𝙈𝘼𝙈𝘼 𝙎𝘼 ...
18/09/2026

𝙈𝘼𝙏𝘼𝙂𝙐𝙈𝙋𝘼𝙔 𝘼𝙉𝙂 𝙒𝘼𝙇𝙆𝙊𝙐𝙏 𝙉𝙂 𝙐𝙋𝙇𝘽! 𝙋𝘼𝙂𝙋𝙐𝙋𝙐𝙂𝘼𝙔 𝙎𝘼 𝙉𝘼𝙂𝙆𝘼𝙄𝙎𝘼𝙉𝙂 𝙃𝘼𝙉𝘼𝙔 𝙉𝙂 𝙈𝙂𝘼 𝙀𝙎𝙏𝙐𝘿𝙔𝘼𝙉𝙏𝙀, 𝙂𝙐𝙍𝙊, 𝙆𝘼𝙒𝘼𝙉𝙄, 𝘼𝙏 𝙊𝙋𝙄𝙎𝙔𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝙎𝙐𝙈𝘼𝙈𝘼 𝙎𝘼 𝙒𝘼𝙇𝙆𝙊𝙐𝙏 𝙉𝘼 𝙐𝙈𝘼𝘽𝙊𝙏 𝙉𝙂 𝟔𝟎𝟎𝟎!

Ngayong araw, natunghayan natin ang 𝗺𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗱𝗶𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗸𝘀𝗮𝗻𝗴-𝗹𝗮𝗸𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗨𝗣𝗟𝗕, magmula sa mga estudyante, g**o, kawani, at mga opisyal, na lumabas sa kani-kanilang mga silid at opisina upang ipanawagan ang pagtutol sa 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗱𝘆𝗲𝘁 𝘀𝗮 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, pagtutol sa 𝗣𝗮𝘅 𝗦𝗶𝗹𝗶𝗰𝗮 𝗜𝗻𝗶𝘁𝗶𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗮𝘁 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗖𝗼𝗿𝗿𝗶𝗱𝗼𝗿, at ang 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗻𝗮𝗴𝗼𝘁 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗼𝘁 ng maanomalyang Flood Control Projects noong nakaraang taon.

Kung matatandaan natin, noong 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 ay 𝟳,𝟬𝟬𝟬 na indibidwal ang nakiisa sa walkout na ginanap 𝗵𝗶𝗻𝗴𝗴𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻-𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗻𝗮 𝗻𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝘄 mula sa mga mamamayan para sa mga ghost flood control projects. Ngunit magpahanggang ngayon ay 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗻𝗮𝗸𝘂𝗸𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗼𝘁, at patuloy pa rin na nagpapakasasa sa pera ng mamamayang ninakawan nila ang mga korakot habang ang sambayanang Pilipino ay patuloy pa rin na lumulusong sa baha, nawawalan ng tahanan, naaantala ang kabuhayan, at nasasawi ang mga buhay.

Dagdag pa rito, bukod sa ninakawan ng pera ang sambayanan, ngayon naman ay nagbabadyang 𝗸𝗮𝗸𝗮𝗹𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗱𝘆𝗲𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, disaster preparedness, at serbisyong panlipunan, habang tataas naman ang badyet para sa 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗡𝗧𝗙-𝗘𝗟𝗖𝗔𝗖 at pondong igagasta ng 𝗗𝗣𝗪𝗛 para sa mga 𝗺𝗮𝗮𝗻𝗼𝗺𝗮𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 na nagpapahirap sa masa. Ang NTF-ELCAC ang pangunahing makinarya ng estado upang supilin ang boses ng mga progresibong nagpapadinig ng kanilang karapatan, at ang DPWH naman ay balon ng samu’t saring korapsyon at pandarambong.

Patunay lamang ito na hindi kumikiling ang gobyerno sa interes ng masa, bagkus 𝗻𝗮𝗸𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗱𝗶𝗴 𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴-𝘂𝗿𝗶 𝗮𝘁 𝗹𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴-𝗹𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗲𝗿𝘆𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗘𝘀𝘁𝗮𝗱𝗼𝘀 𝗨𝗻𝗶𝗱𝗼𝘀. Makikita natin ito sa pakikiisa ng gobyerno sa paglunsad ng 𝗣𝗮𝘅 𝗦𝗶𝗹𝗶𝗰𝗮 𝗜𝗻𝗶𝘁𝗶𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗮𝘁 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗖𝗼𝗿𝗿𝗶𝗱𝗼𝗿 na ang layunin lamang ay nakawin ang ating mga yaman at lupain para sa ganansya at pagpapalakas ng US sa mga gyerang ilulunsad nito. Habang ang mga katutubong Ayta naman natin na naninirahan sa mga lupang pagtatayuan ng Pax Silica at sapilitang 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗿𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗹𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼.

Kaya naman 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 natin ang halos 𝟲,𝟬𝟬𝟬 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗱𝗶𝗯𝗶𝗱𝘄𝗮𝗹 mula sa UPLB na nakiisa at ubos-lakas na kumilos, tumindig, at nakibaka sa malawakang pagkilos na ito. Bagama’t 𝗯𝘂𝗺𝘂𝗵𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗹𝗮𝗻 ay hindi pa rin hinayaan na maapula ang nagaalab na diwang palaban sa mga puso.

𝗡𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗯𝗮𝗸𝗮. Ipagpapatuloy natin ang militanteng diwa sa paggunita natin sa 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 sa 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗟𝗮𝘄 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻. Inaanyayahan ang bawat Iskolar ng Bayan, mula sa hanay ng mga estudyante, g**o, kawani, at opisyal na sumama sa gaganaping pagkilos.

Magkita-kita tayo sa 𝗦𝗲𝘆𝘁𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟭 sa 𝗢𝗹𝗶𝘃𝗮𝗿𝗲𝘇 𝗣𝗹𝗮𝘇𝗮 at 𝗖𝗿𝗼𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗺𝗯𝗮, at isulong natin ang laban para sa isang gobyernong tunay na nagsisilbi sa mamamayan, dekalidad na serbisyong panlipunan, at pagpapatibay ng ating soberanya, kasama ang malawak na hanay ng masang anakpawis ng Timog-Katagalugan.

𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗠𝗢𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗚𝗔𝗟𝗨𝗚𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗜𝗟𝗢𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗞𝗔! 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗟𝗔𝗪 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡!

𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡! 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡! 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡 𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗥𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗟𝗔𝗪!

Photo credits:
Daniel Allones & Kim Salvador
UPLB Perspective
Insight PH
Tanglaw







𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙈𝘼𝙈𝘼𝙂𝙄𝙏𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙆𝙊𝙇𝙀𝙆𝙏𝙄𝘽𝙊𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙆𝙄𝙇𝙊𝙎 𝘼𝙏 𝙇𝘼𝙆𝘼𝙎 𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙉𝙂𝙆𝘼𝙀𝙎𝙏𝙐𝘿𝙔𝘼𝙉𝙏𝙀𝙃𝘼𝙉, 𝙎𝙄 𝙏𝙎𝘼𝙉𝙎𝙀𝙇𝙊𝙍 𝘾𝘼𝙈𝘼𝘾𝙃𝙊 𝙅𝙍. 𝘼𝙔 𝙊𝙋𝙄𝙎𝙔𝘼𝙇 𝙉𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙉𝙀𝙉𝘿𝙊𝙍...
18/09/2026

𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙈𝘼𝙈𝘼𝙂𝙄𝙏𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙆𝙊𝙇𝙀𝙆𝙏𝙄𝘽𝙊𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙆𝙄𝙇𝙊𝙎 𝘼𝙏 𝙇𝘼𝙆𝘼𝙎 𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙉𝙂𝙆𝘼𝙀𝙎𝙏𝙐𝘿𝙔𝘼𝙉𝙏𝙀𝙃𝘼𝙉, 𝙎𝙄 𝙏𝙎𝘼𝙉𝙎𝙀𝙇𝙊𝙍 𝘾𝘼𝙈𝘼𝘾𝙃𝙊 𝙅𝙍. 𝘼𝙔 𝙊𝙋𝙄𝙎𝙔𝘼𝙇 𝙉𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙉𝙀𝙉𝘿𝙊𝙍𝙎𝙊 𝘼𝙉𝙂 𝙐𝙋𝙇𝘽 𝙒𝘼𝙇𝙆𝙊𝙐𝙏!

Ang pagpapahayag ng UPLB Administration ng suporta at pag-endorso sa UPLB Walkout sa Setyembre 18 at Martial Law Commemoration sa Setyembre 21 ay 𝗯𝘂𝗻𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗲𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲𝗵𝗮𝗻.

Sa 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻, konsultasyon, dayalogo, at pagkilos, patuloy nating iginiit ang ating karapatang magpahayag, mag-organisa, at makilahok sa mga usaping panlipunan at pambansa.

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 ang ganitong espasyo, bagkus ito ay ipinaglaban at nakamit ito sa sama-samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan. Ngunit hindi dito nagtatapos ang ating laban.

Sa Setyembre 18, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗪𝗮𝗹𝗸𝗼𝘂𝘁 at sama-samang iparinig ang tinig ng nagkakaisang hanay ng mga Iskolar ng Bayan. Lumabas sa klase, at sama-samang kumilos para sa ating mga karapatan at panawagan!

𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔. 𝗦𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗡𝗔. 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗔!

𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡! 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡! 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡!

𝗟𝗨𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗫 𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔!

𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗢𝗧!




𝐔𝐏𝐋𝐁 𝐂𝐇𝐀𝐍𝐂𝐄𝐋𝐋𝐎𝐑 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐂𝐇𝐎 𝐉𝐑. 𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐈𝐍𝐄𝐍𝐃𝐎𝐑𝐒𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐋𝐊𝐎𝐔𝐓! ❤️‍🔥Sa pangunguna ng UP Action Network at UPLB University S...
16/09/2026

𝐔𝐏𝐋𝐁 𝐂𝐇𝐀𝐍𝐂𝐄𝐋𝐋𝐎𝐑 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐂𝐇𝐎 𝐉𝐑. 𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐈𝐍𝐄𝐍𝐃𝐎𝐑𝐒𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐋𝐊𝐎𝐔𝐓! ❤️‍🔥

Sa pangunguna ng UP Action Network at UPLB University Student Council, pormal na inendorso ng kasalukuyang UPLB Chancellor na si Jose V. Camacho Jr. ang UPLB Walkout sa 𝗯𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀, 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟴, 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟵:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮.

Kasabay nito ay muling inaanyayahan ang lahat na dumalo at makiisa dahil hindi hiwalay ang karanasan ng komunidad ng UPLB sa danas ng mas malawak na ahanay ng masa.

Patuloy na palakasin ang kampanya kontra budget cuts, korapsyon at Pax Silica!








𝘼𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙐𝙋 𝘼𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙉𝙚𝙩𝙬𝙤𝙧𝙠 𝙇𝘽:𝐖𝐀𝐋𝐊𝐎𝐔𝐓 𝐍𝐀! 𝘓𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘉𝘶𝘥𝘨𝘦𝘵 𝘊𝘶𝘵𝘴, 𝘒𝘰𝘳𝘢𝘱𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘐𝘮𝘱𝘦𝘳𝘺𝘢𝘭𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘥𝘢𝘳𝘢𝘮𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘙𝘦𝘩𝘪...
03/09/2026

𝘼𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙐𝙋 𝘼𝘾𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙉𝙚𝙩𝙬𝙤𝙧𝙠 𝙇𝘽:

𝐖𝐀𝐋𝐊𝐎𝐔𝐓 𝐍𝐀! 𝘓𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘉𝘶𝘥𝘨𝘦𝘵 𝘊𝘶𝘵𝘴, 𝘒𝘰𝘳𝘢𝘱𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘐𝘮𝘱𝘦𝘳𝘺𝘢𝘭𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘥𝘢𝘳𝘢𝘮𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘙𝘦𝘩𝘪𝘮𝘦𝘯𝘨 𝘜𝘚-𝘔𝘢𝘳𝘤𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘋𝘶𝘵𝘦𝘳𝘵𝘦!🔥

Nagtipon-tipon kahapon, Setyembre 2, 2026 ang mga kinatawan ng mga organisasyon, pormasyon, mga alyansa, at samahan na bumubuo sa UPAC Netwrork LB para sa isang All-Leaders Meeting sa Student Union Building, UPLB. 𝗦𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗽𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴, 𝗶𝗱𝗶𝗻𝗲𝗸𝗹𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗨𝗣𝗔𝗖 𝗟𝗕 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲. ✊

Binuksan ang pulong sa isang kumustahan na sinundan ng isang talakayan patungkol sa suri sa 2027 National Expenditure Program na pinangunahan ng tagapagsalita ng samahan. Matapos nito, naging hitik ang talakayan sa mga manipestasyon at bahaginan ng kaalaman ng mga dumalo, na siyang lumundo sa pagdedeklara ng UPAC LB na magkasang muli ng isang walkout ngayong buwan.

Sa nasabing pulong, tinalakay ang kalagayan ng bansa sa ilalim ng laganap na korapsyon sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. at Duterte, napipintong malalaking tapyas sa badyet ng pamantasan, at ang imperyalistang pandarambong ng Estados Unidos sa pamamagitan ng mapanirang proyekto nitong Pax Silica.

Matibay ang paninindigan ng mga kasaping organisasyon at malinaw sa atin ang kahinugan ng sitwasyon sa kasalukuyan upang muling kumilos ang mga sektor ng UPLB at ipakita ang lakas ng laksang hanay nito sa pamamagitan ng isang walkout. 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔. 𝗦𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗡𝗔. 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗔!


𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗨𝗥𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡! 🌻𝘋𝘶𝘮𝘢𝘭𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘰𝘭𝘭...
01/07/2026

𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗨𝗥𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡! 🌻

𝘋𝘶𝘮𝘢𝘭𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘵𝘦𝘴𝘵𝘪𝘮𝘰𝘯𝘪𝘢𝘭𝘴 𝘢𝘵 𝘶𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘵𝘺 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘯𝘤𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘦𝘹𝘦𝘳𝘤𝘪𝘴𝘦𝘴, 𝘢𝘵 𝘪𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺, 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘴𝘬𝘰𝘭𝘢𝘳 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯!

Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng mga nagsipagtapos, at patambulin ang mga kampanya ng sambayang Pilipino sa gitna ng lumalalang krisis panlipunan. Kagyat nating ipagpanawagan ang pagpapanagot sa korap, pahirap, at papet na administrasyong US-Marcos at Duterte at sa naging gampanin nito sa pagpapalala ng kahirapan at deteryorasyon ng karapatang pantao sa bansa.

𝙉𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣, 𝙝𝙞𝙜𝙞𝙩 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙢𝙖𝙣, 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙬𝙖𝙜 𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙤𝙜 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙩𝙬𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙢𝙞𝙡𝙤𝙨 𝙖𝙩 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙗𝙖𝙣. 𝙈𝙜𝙖 𝙞𝙨𝙠𝙤𝙡𝙖𝙧 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙠𝙖 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮! 𝘿𝙪𝙢𝙖𝙡𝙤 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙙𝙖𝙡𝙤 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙤𝙨!



𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚!DAY TWO NA! Kasalukuyang isinasagawa ng iba...
30/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚!

DAY TWO NA! Kasalukuyang isinasagawa ng iba't ibang mga konseho ng mga mag-aaral ng UPLB, kasama ang mga organisasyon sa ilalim ng kani-kanilang mga kolehiyo ngayong araw ang paghahanda sa nalalapit na mga iglap-protestang ikakasa sa mga isasagawang testimonial ng mga kolehiyo sa mga susunod na araw.

Sa mga nais lumahok sa prop workshops at sa mga pagkilos, mangyaring makipag-ugnayan sa UP Action Network Los Banos.



𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚!Kasalukuyang isinasagawa ng iba't ibang mga...
29/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚!

Kasalukuyang isinasagawa ng iba't ibang mga konseho ng mga mag-aaral ng UPLB, kasama ang mga organisasyon sa ilalim ng kani-kanilang mga kolehiyo ngayong araw ang paghahanda sa nalalapit na mga iglap-protestang ikakasa sa mga isasagawang testimonial ng mga kolehiyo sa mga susunod na araw.

Sa mga nais lumahok sa prop workshops at sa mga pagkilos, mangyaring makipag-ugnayan sa UP Action Network Los Banos.



𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗧𝗪𝗢𝗥𝗞 - 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗡𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗦𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗢𝗡 𝗝𝗨𝗦𝗧𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗔𝗖𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢...
05/02/2026

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗧𝗪𝗢𝗥𝗞 - 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗡𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗦𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗢𝗡 𝗝𝗨𝗦𝗧𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗔𝗖𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗔𝗜𝗡𝗧 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦 𝗝𝗥.

𝙈𝘼𝙍𝙄𝙄𝙉𝙂 𝙆𝙄𝙉𝙊𝙆𝙊𝙉𝘿𝙀𝙉𝘼 ng UP ACTION Network Los Baños ang pagbabasura ng House Committee on Justice sa inihain na impeachment complaint ng Koalisyong Makabayan laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ito ay garapal na pagsasawalambahala at harapang pagtataksil sa taumbayan na ninanakawan ng karapatang mamuhay nang may dignidad. Malinaw na ang pagdedeklara sa impeachment complaint laban kay Marcos Jr. bilang “insufficient in substance” ay pagbabasura sa kolektibong pag-aasam ng sambayanan na makalaya mula sa tanikala ng korapsyon, pagsasamantala at deka-dekadang kahirapan.

Naninindigan ang UP ACTION Network Los Baños na higit-kailanman, ang pagputol sa siklo ng sistematikong pandarambong sa kaban ng Bayan ay maisasakatuparan kung mapatatalsik at mapananagot ang mga salarin sa malawakang krisis panlipunan na nagpapahirap sa mamamayan! Hindi rito natatapos ang laban, kaisa ang UPAC ng malawak na hanay ng multisektoral na masa sa paggigiit ng katarungang panlipunan at pananagutan sa pabayang Estado na pinamumunuan ng Marcos, Jr. at Duterte na Hari at Reyna ng Katiwalian.

Kaya ang sigaw ng taumbayan:
𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟𝗜𝗡, 𝗗𝗨𝗧𝗘𝗥𝗧𝗘 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗚𝗨𝗧𝗜𝗡!
𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗢𝗧!

𝙋𝙖𝙣𝙖𝙬𝙖𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙄𝙨𝙠𝙤𝙡𝙖𝙧 𝙖𝙩 𝙈𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙇𝙤𝙨 𝘽𝙖𝙣𝙤𝙨: 𝙄𝙈𝙋𝙀𝘼𝘾𝙃 𝙈𝘼𝙍𝘾𝙊𝙎 𝙅𝙍. 𝙉𝙊𝙒! Kaisa ang UP Action Network - Los Baños, kas...
23/01/2026

𝙋𝙖𝙣𝙖𝙬𝙖𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙄𝙨𝙠𝙤𝙡𝙖𝙧 𝙖𝙩 𝙈𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙇𝙤𝙨 𝘽𝙖𝙣𝙤𝙨: 𝙄𝙈𝙋𝙀𝘼𝘾𝙃 𝙈𝘼𝙍𝘾𝙊𝙎 𝙅𝙍. 𝙉𝙊𝙒!

Kaisa ang UP Action Network - Los Baños, kasama ang hanay ng mga progresibong organisasyon at sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), sa pormal na paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa House of Representatives ngayong araw.

Ang reklamong inihain ay nakabatay sa paratang na Betrayal of Public Trust, kung saan nilatag ang sistematikong pakana ng korapsyon at pinangalanang Flood Control Projects Corruption Scandal of 2022-2025. Isiniwalat sa reklamo ang gampanin ni Marcos Jr. bilang puno’t dulo ng korapsyon at kung paano isinagawa ang malawakang pandarambong sa pamamagitan ng pondong inilaan para sa mga flood control projects.

Ipinakikita ng rekord ang mapagpasyang papel ni Marcos Jr. sa manipulasyon ng pambansang badyet na naglihis ng mahigit ₱545.6 bilyon, patungo sa bulsa ng mga paboritong kontratista at kaalyadong pulitikal, upang magsilbing sandatang pampulitika sa halalan ng 2025.

Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng pagpapalaki at pag-weaponize ng Unprogrammed Appropriations, nilusaw ng administrasyon ang konstitusyonal na kapangyarihan ng Kongreso sa badyet, pinahina ang checks and balances, at isinentro ang kontrol sa pananalapi sa ehekutibo - na lalong nagpalaganap ng impunidad at sistemikong katiwalian.

Lahat ng ito ay nangyari habang patuloy na sumisirit ang krisis sa ekonomiya ng bansa - mababang pasahod at kawalan ng trabaho, paglugmok sa kahirapan, pagtaas ng mga bilihin, at kawalang-katiyakan sa mga batayang serbisyong panlipunan. Sa UPLB, lumitaw din ang samu’t saring suliranin kabilang dito ang patuloy na kakulangan sa pondo para sa Student Learning Assistance System (SLAS), na nagresulta sa hindi sapat o kawalan ng stipend para sa maraming iskolar na may pangangailangang pinansyal. Kasabay nito, nakaranas ang mga kontraktwal na g**o at kawani ng delays sa sahod.

Nagdulot din ng matinding hamon ang sunod-sunod na bagyo at sakuna, kaya’t maraming estudyante at kaguruan ang nahirapang mag-adjust sa akademikong gawain at pasan pasan ang bigat ng gawain para habulin ang pagtapos ng semestre. Danas din ng mga kalapit na komunidad ang matinding pagbaha sa Bay, walang katiyakin sa kabuhayan at tirahan dahil sa anti-mamamayang road widening projects sa Lopez avenue, at iba’t iba pang krisis na mas lalong naglulugmok sa mga mamamayan sa gutom.

Habang pahirap nang pahirap ang buhay ng mamamayang Pilipino, nananatiling makupad at mas lalo lamang kinukunsinti at pinapalaganap ni Marcos Jr. ang kaliwa’t kanang katiwalian sa bansa, nararapat lamang na na i-impeach na ito sa kanyang pwesto. Gayundin, naniniwala ang UP ACTION Los Baños na hindi lang dapat kay Marcos Jr. tumigil ang mga hakbang tungo sa pananagutan. Dapat ding sumailalim sa kaparehong paglilitis si Sara Duerte bilang kapares sa pandarambong ni Marcos Jr. Nararapat lamang na sila ay parehong panagutin sa kanilang pagnanakaw sa sambayanan.

Ang Convenor ng UP ACTION Los Baños na si John Andre Alcala ang naging kinatawan ng network sa paghahain ng impeachment complaint.

Nanawagan ang UP ACTION Los Baños ng agarang, walang kinikilingan, at makatarungang pag-aksyon sa reklamong ito, at hinihikayat ang lahat ng mamamayan na magbantay, mag-organisa, at kolektibong kumilos sa patuloy na laban kontra katiwalian at abuso sa kapangyarihan.



23/01/2026

𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗨𝗣 𝗔𝗰𝘁 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗿𝗿𝘂𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡) 𝗡𝗲𝘁𝘄𝗼𝗿𝗸-𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗻𝗼𝘀, 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦 𝗝𝗥. 𝗡𝗢𝗪!

Nakiisa ang UP ACTION Network Los Baños sa paghahain ng kasong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon sa House of Representatives, Enero 22, 2025.

Tumayong isa sa mga complainant ang Convenor ng UP ACTION Network Los Baños na si John Andre Alcala sa inihaing impeachment case. Ang kasong ito ay sa grounds ng Betrayal of Public Trust dahil sa maanomalyang mga flood control projects ni Marcos Jr. mula 2022-2025, kung saan natuklasan ang kaniyang sistematikong pakikilahok at paglikha ng sistemang nagbigay daan sa pagkamal niya ng higit ₱545.6 bilyong piso sa kaban ng bayan.

Malinaw ang mga batayan sa kung bakit dapat nang alisin si Marcos Jr. sa kaniyang puwesto. Sa kabila nito, hindi natin dapat limutin ang kapantay na panawagang alisin din si Vice President Sara Duterte sa kaniyang puwesto, dahil sila ay parehong kumukumpas sa pamamagitan ng kanilang mga galamay sa kongreso upang kumurakot ng bilyon-bilyong piso mula sa atin.

Ating natitiyak: si Marcos Jr. at Duterte ang Hari at Reyna ng korapsyon, at dapat lamang nating palakasin ang ating kampanya sa tuluyang pagpapanagot sa kanila.


Address

Los Baños

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Action Los Baños posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share