03/09/2026
๐ญ๐ฌ ๐ช๐๐ก๐ง๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ฆ๐ข๐ก๐ฆ, ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ข ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ข๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ค๐จ๐๐ญ๐ข๐ก ๐ฃ๐ฃ๐ข
Camp BGen Guillermo P Nakar, Lucena City โ Sampung wanted persons ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa magkakahiwalay na operasyon sa ibaโt ibang lugar sa lalawigan ng Quezon noong Setyembre 2, 2026.
Sa Sariaya, tatlong wanted persons ang magkakasunod na naaresto ng Sariaya Municipal Police Station. Kabilang dito si alias โRAN,โ Provincial Rank No. 5 Most Wanted Person, na inaresto sa paglabag sa Republic Act No. 8353 o Anti-R**e Law of 1997. Naaresto rin sa parehong lugar si alias โTAWEL,โ Provincial Rank No. 4 Most Wanted Person, na may mga warrant para sa two counts ng R**e at two counts ng R**e by Sexual Assault. Samantala, si alias โMIKE,โ Provincial Rank No. 2 Most Wanted Person, ay naaresto rin sa Barangay Bignay 1, Sariaya, Quezon, kaugnay ng kaparehong mga kaso.
Sa Pagbilao naman, naaresto si alias โNIKKI,โ 39-anyos, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Estafa at sa Lucban, naisilbi rin ang warrant of arrest kay alias โALFONSOโ habang nasa Quezon District Jail sa Barangay Talipan, Pagbilao. Siya ay nahaharap sa kasong Attempted Homicide.
Sa Padre Burgos, naaresto naman si alias โJEROME,โ 46-anyos, sa isinagawang Oplan Sita sa Barangay Burgos. Sa isinagawang routine identification at verification, natuklasang mayroon siyang warrant of arrest para sa kasong Other Deceit sa ilalim ng Article 318 ng Revised Penal Code.
Samantala, sa Alabat, dalawang wanted persons ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon. Si alias โGIL,โ 39-anyos, at si alias โMARK,โ 28-anyos, ay kapwa may warrant of arrest para sa paglabag sa Section 1(b) ng Presidential Decree No. 1602 o may kaugnayan sa illegal gambling.
Sa Tayabas City, naaresto rin si alias โLENNON,โ 35-anyos, sa Barangay Angeles Zone 1, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft. Samantala, sa Sariaya, Quezon, naaresto naman si alyas โRYAN,โ 45-anyos, kaugnay ng warrant of arrest para sa Reckless Imprudence Resulting to Homicide at Damage to Property with Abandonment of Oneโs Own Victim.
Ayon sa Quezon PPO, ang magkakasunod na pagkakaaresto ay resulta ng patuloy na pagtutok ng kapulisan sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest, katuwang ang mga barangay officials, Purok Leaders at iba pang force multipliers sa komunidad.
Binigyang-diin ni PCOL ROMULO A ALBACEA, Provincial Director ng Quezon PPO, na mahalaga ang patuloy na pakikipagtulungan ng komunidad upang matukoy at maaresto ang mga wanted person at mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lalawigan.
โAng bawat impormasyon mula sa ating mga kababayan ay malaking tulong sa paghahatid ng hustisya. Patuloy nating palalakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad upang matiyak na ang mga may warrant of arrest ay maharap sa kaukulang proseso ng batas,โ pahayag ni PCOL ALBACEA. # # #