03/06/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐ง ๐ฃ๐ฐ.๐ฎ ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐จ ๐ก๐๐ฆ๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐จ๐ฌ-๐๐จ๐ฆ๐ง ๐ข๐ฃ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ค๐จ๐๐ญ๐ข๐ก; ๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐๐ฅ๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ฆ๐ข๐ก๐๐๐๐ง๐๐๐ฆ, ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ข
๐พ๐ผ๐๐ ๐ฝ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐ผ๐๐ผ๐, ๐๐๐พ๐๐๐ผ ๐พ๐๐๐ โ Patuloy na nagbubunga ng positibong resulta ang pinaigting na kampanya ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) laban sa ilegal na droga matapos makumpiska ang tinatayang 4.16 milyong halaga ng hinihinalang shabu at maaresto ang tatlong drug personalities sa magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa sa Lucena City at Lucban, Quezon noong Hunyo 2 at 3, 2026.
Sa unang operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng Lucban Municipal Police Station (MPS) bandang alas-9:57 ng umaga noong Hunyo 2, 2026 sa Diversion Road, Sitio Aligwayan, Barangay Ayuti, Lucban, Quezon, naaresto ang suspek na si alyas โJiyo,โ 27 taong gulang, isang High Value Individual (HVI) at residente ng nasabing bayan.
Narekober mula sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang bigat na 54 gramo, isang digital weighing scale, plastic sachets, at iba pang drug paraphernalia. Ang nakumpiskang ilegal na droga ay may tinatayang PDEA Standard Drug Price na P367,200.00 at street value na P1,101,600.00.
Samantala, bandang alas-2:27 ng madaling-araw noong Hunyo 3, 2026, nagsagawa naman ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Lucena Component City Police Station (CCPS) Intelligence Unit at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Purok Masagana, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, katuwang ang Quezon Maritime Police Station at Regional Intelligence Unit 4A PIT North Quezon.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kina alyas โArchie,โ 29 taong gulang, isang High Value Individual (HVI), at alyas โRon,โ 43 taong gulang, isang Street Level Individual (SLI), kapwa residente ng Lucena City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang bigat na 150 gramo, kasama ang buy-bust money na ginamit sa operasyon. Ang mga nakuhang ilegal na droga ay may PDEA Standard Drug Price na P1,020,000.00 at tinatayang street value na P3,060,000.00.
Sa kabuuan, umabot sa humigit-kumulang 204 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P4.16 milyon ang nasamsam sa dalawang magkahiwalay na operasyon.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga arresting units ang mga suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso para sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay ๐ฃ๐๐ข๐ ๐ฅ๐ข๐ ๐จ๐๐ข ๐ ๐๐๐๐๐๐๐, Provincial Director ng Quezon PPO, ang sunod-sunod na matagumpay na operasyon ay patunay ng determinasyon ng kapulisan na panatilihing ligtas ang mga komunidad laban sa banta ng ilegal na droga.
"Hindi tayo titigil sa pagsasagawa ng legal na operasyon laban sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga. Ang pagkakasamsam ng mahigit apat na milyong pisong halaga ng shabu at pagkakaaresto ng tatlong drug personalities ay malinaw na mensahe na walang puwang ang ilegal na droga sa lalawigan ng Quezon," pahayag ni PCOL ALBACEA.
Patuloy namang hinihikayat ng Quezon PPO ang publiko na maging katuwang ng kapulisan sa paglaban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng impormasyon laban sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gawain. # # #
(PIO, QPPO)