LGU San Antonio, Quezon

LGU San Antonio, Quezon This is the Official page of the Municipality of San Antonio, Province of Quezon.

21/08/2026

Magandang Buhay August 22, 2026

๐‹๐†๐” ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ, ๐๐š๐ค๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐จ๐ฎ๐ญ๐ก-๐’๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐„๐ฑ๐œ๐ก๐š๐ง๐ ๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐๐„๐“๐“Nakibahagi ang ating butihing Punong Bayan Mayor Erick M. W...
21/08/2026

๐‹๐†๐” ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ, ๐๐š๐ค๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐จ๐ฎ๐ญ๐ก-๐’๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐„๐ฑ๐œ๐ก๐š๐ง๐ ๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐๐„๐“๐“

Nakibahagi ang ating butihing Punong Bayan Mayor Erick M. Wagan, kasama si G. Harlie David Reforma, Social Worker II, sa South-South Exchange Conference na ginanap noong Agosto 19, 2026 sa EDSA Shangri-La, Manila, bilang bahagi ng EU-UNICEF Public Finance Facility in South and Southeast Asia โ€“ Phase II.

Sa nasabing pagtitipon, binigyang-diin ang kahalagahan ng Child Budget and Expenditure Tagging and Tracking CBETT sa pagsusuri at pagsubaybay sa badyet at paggasta para sa mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mga bata. Naging pagkakataon din ito upang maibahagi ang mga karanasan, hamon, at mga hakbang ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatibay ng child-responsive budgeting.

Ang South-South Exchange ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang bansa sa South at Southeast Asia, kasama ang European Union, UNICEF, at iba pang katuwang na institusyon para sa pagpapalitan ng kaalaman, karanasan, at mabubuting gawain sa Public Finance for Children.

Sa pamamagitan ng pakikilahok ng Pamahalaang Bayan ng San Antonio, patuloy na pinagtitibay ang suporta ng LGU sa mga programa at prosesong naglalayong masiguro na ang mga pondong inilaan para sa mga bata ay napupunta sa mga serbisyong tunay na makatutulong sa kanilang kapakanan at pag-unlad.


Ngayong Agosto 21, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Antonio sa paggunita sa Ninoy Aquino Day. Isang araw ito upang...
21/08/2026

Ngayong Agosto 21, nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Antonio sa paggunita sa Ninoy Aquino Day. Isang araw ito upang balikan ang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan at kilalanin ang naging ambag at sakripisyo ni Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr. sa pagsusulong ng demokrasya sa ating bansa.

Higit sa pag-alala sa isang makasaysayang personalidad, paalala rin ang araw na ito sa bawat Pilipino na pahalagahan ang kalayaan, paninindigan at pagkakaisa. Nawaโ€™y magsilbing aral ang ating kasaysayan upang patuloy nating pangalagaan ang mga pagpapahalagang mahalaga sa isang malaya at nagkakaisang bayan.



20/08/2026

Ugnayan sa Barangay: Poblacion at Sinturisan

Matagumpay na naisakatuparan ang huling bahagi ng Ugnayan sa Barangay sa Barangay Sinturisan at Barangay Poblacion, kung saan patuloy na inilapit ng Pamahalaang Bayan ang mga serbisyo sa ating mga kababayan.

Sa Barangay Sinturisan, 135 nating mga kababayan ang nabigyan ng serbisyo, habang 115 naman sa Barangay Poblacion.

Bagamat natapos na ang Ugnayan sa Barangay, hindi rito nagtatapos ang ating paglilingkod. Asahan ng ating mga kababayan ang patuloy na pagpapalapit ng serbisyo ng Pamahalaang Bayan sa bawat barangay at ang paghahatid ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng bawat San Antoniohin.



๐—ช๐—”๐—ฆ๐—› ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—ŸMuling ipinagpatuloy ng Pamahalaang Bayan ng San Antonio ang School-Bas...
20/08/2026

๐—ช๐—”๐—ฆ๐—› ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ

Muling ipinagpatuloy ng Pamahalaang Bayan ng San Antonio ang School-Based and Community-Based Learning Session on Water and Sanitation Hygiene sa Arawan Elementary School, sa pamamagitan ng Rural Health Unit (RHU) sa pamumuno ni Dra. Wilma c. Laroza. Tampok sa learning session ang pagbibigay-diin sa wastong paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, lalo na sa mga kritikal na pagkakataon.

Sa isinagawang aktibidad, ๐Ÿฏ๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ang nabigyan ng hygiene kits upang makatulong sa pagpapanatili ng wastong personal hygiene at pangangalaga sa kalusugan. Pinangunahan nina Pambayang Sanidad G. Emelito Cometa at Nurse Bryan Dimaculangan ang lecture tungkol sa tamang hygiene practices at kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa sarili at kapaligiran.

Isinagawa ang aktibidad sa patuloy na suporta ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) at UNICEF, katuwang ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Mayor Erick M. Wagan, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalusugan para sa mga mag-aaral at buong pamayanan.


๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐’๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€, ๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐’๐€ ๐๐€๐† - ๐”๐๐‹๐€๐ƒ ๐๐† ๐’๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐!Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng San Antonio sa ...
20/08/2026

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐’๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€, ๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐’๐€ ๐๐€๐† - ๐”๐๐‹๐€๐ƒ ๐๐† ๐’๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐!

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng San Antonio sa pagbibigay ng suporta sa ating mga magsasaka at mga samahan ng magpapalay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kabuuang โ‚ฑ1,000,000.00 na tulong para sa kanilang mga pangangailangan at pagpapaunlad ng kanilang mga pasilidad.

Mula sa halagang ito, โ‚ฑ500,000.00 ay ilalaan para sa Provision of Livelihood, na makatutulong sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng operasyon ng mga samahan, habang โ‚ฑ500,000.00 naman ay gagamitin para sa improvement o pagpapahusay ng kanilang mga rice mill.

Kasabay nito ay isinagawa ang MOA Signing sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Mayor Erick M. Wagan, at ng mga Pangulo ng mga Samahan ng mga magpapalay, sa pangunguna ni G. Ariel Robles.

Nakiisa rin bilang mga saksi ang ating Municipal Agriculturist, MA Jennifer Lindo Cusi, kasama ang mga Rice Agricultural Extension Workers (AEWs).

Ang Lokal na Pamahalaan ay patuloy sa pagsusulong ng mga programang naglalayong palakasin ang kabuhayan ng ating mga magsasaka, mapaunlad ang industriya ng palay, at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa ating mga samahan.



Isang mainit na pagbati sa Bayan ng San Antonio sa pagkamit ng ๐Ÿ๐ง๐ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž โ€“ ๐๐ž๐ฌ๐ญ ๐‚๐จ๐œ๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐Œ๐จ๐๐ž๐ฅ ๐…๐š๐ซ๐ฆ para sa ๐‘๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐š ๐ƒ๐š๐ข๐ซ๐ฒ ...
20/08/2026

Isang mainit na pagbati sa Bayan ng San Antonio sa pagkamit ng ๐Ÿ๐ง๐ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž โ€“ ๐๐ž๐ฌ๐ญ ๐‚๐จ๐œ๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐Œ๐จ๐๐ž๐ฅ ๐…๐š๐ซ๐ฆ para sa ๐‘๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐š ๐ƒ๐š๐ข๐ซ๐ฒ ๐…๐š๐ซ๐ฆ sa Likhang Niyogyugan: Quezon Coconut Farmers Summit 2026!

Kasabay nito, binabati rin natin ang ๐’๐’๐† ๐ƒ๐š๐ข๐ซ๐ฒ ๐…๐š๐ซ๐ฆ sa aktibong pakikilahok sa Agritourism Farm Promotion Category sa Likhang Niyogyugan: 1st Quezon Agritourism Summit 2026. Isang patunay ito ng husay, sipag at patuloy na pag-unlad ng ating mga magsasaka at farm owners sa pagsusulong ng makabuluhang agrikultura at agritourism sa San Antonio.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating mga katuwang sa sektor ng agrikultura, sa pangunguna ng Office of the Municipal Agriculturist, sa pamumuno ni Municipal Agriculturist Jennifer Lindo Cusi, katuwang ang buong Pamahalaang Bayan sa ilalim ng pamumuno ng ating Punong Bayan, Mayor Erick M. Wagan.

Patuloy nating ipagmamalaki at susuportahan ang mga produktong San Antoniohin at ang ating mga magsasakang nagsisilbing katuwang sa pagbuo ng mas masigla, makabago at mas maunlad na sektor ng agrikultura at turismo.



Taos-pusong pagbati kay ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—ก๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—น ๐—–๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ด, ๐—ฆ๐—ข๐Ÿฎ mula sa Brgy. Pulo sa matagumpay na pagpasa sa ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ...
20/08/2026

Taos-pusong pagbati kay ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—ก๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—น ๐—–๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ด, ๐—ฆ๐—ข๐Ÿฎ mula sa Brgy. Pulo sa matagumpay na pagpasa sa ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—˜๐˜…๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป.

Hangad namin ang patuloy na tagumpay at magandang pagkakataon sa inyong bagong yugto bilang isang lisensyadong Mechanical Engineer. Ipinagmamalaki ka ng buong Bayan ng San Antonio sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Erick M. Wagan kasama si Vice Mayor Alvin C. Pillerba at ang miyembro ng Sangguniang Bayan.


๐Ÿ“ข๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข | ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—™๐—™๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐— ๐—˜Ipinababatid sa mga motorista at iba pang road users na ipatutupad ang A...
20/08/2026

๐Ÿ“ข๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข | ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—™๐—™๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐— ๐—˜

Ipinababatid sa mga motorista at iba pang road users na ipatutupad ang Alternating Traffic Scheme sa Quipot Bridge, San Antonio, Quezon dahil sa patuloy na reconstruction works sa nasirang slope protection ng 1st approach slab dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Isasara ang kaliwang lane patungong Tiaong, habang ang kabilang lane ay gagamitin para sa salit-salitang daloy ng trapiko. Hinihiling sa lahat na mag-ingat, magbagal, at sundin ang mga traffic personnel at road signs upang mapanatili ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko.

๐๐ฎ๐ข๐ฉ๐จ๐ญ ๐๐ซ๐ข๐๐ ๐ž, ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง

Mag-ingat at magmaneho nang maayos!

Source: DPWH Quezon 2nd District Engineering Office


Pagbati sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong araw!Hangad namin ang inyong mabu...
20/08/2026

Pagbati sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong araw!

Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay at patuloy na pagpapala sa inyong buhay. Nawaโ€™y maging makabuluhan at puno ng masasayang sandali ang inyong espesyal na araw.

Pagbati mula kay Mayor Erick M. Wagan at LGU Family.


Address

Lucena

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU San Antonio, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share