Quezon Provincial Agriculture Office

Quezon Provincial Agriculture Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Quezon Provincial Agriculture Office, Belen Drive Capitol Compound, Barangay X, Lucena.

๐€๐›๐š๐Š๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ง๐  ๐€๐›๐š๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐‘๐„๐€๐‹, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง! Katuwang ang RHUDARDA Multipurpo...
01/06/2026

๐€๐›๐š๐Š๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ง๐  ๐€๐›๐š๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐‘๐„๐€๐‹, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง!

Katuwang ang RHUDARDA Multipurpose Cooperative at Municipal Agriculture Office ng Real ay personal na tiniyak ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ang maayos, tama, at napapanahong pagbabayad sa mga abaca growers para sa kanilang mga naaning produkto. Sinubaybayan ng mga ito ang pangangasiwa ng pagbabayad sa mga miyembro ng Real Abaca Growers Association para sa kanilang naaning abaca fiber.

Sa pamamagitan ng patuloy na suporta at koordinasyon ng mga katuwang na ahensya at organisasyon, higit na napapalakas ang kumpiyansa ng mga magsasaka at napapaunlad ang industriya ng abaka bilang mahalagang pinagkukunan ng kabuhayan sa lalawigan ng Quezon.



June 1, 2026 โ€“ Binigyang pagkilala at pasasalamat ang mga indibidwal at organisasyong naging katuwang ng DA-BSWM sa patu...
01/06/2026

June 1, 2026 โ€“ Binigyang pagkilala at pasasalamat ang mga indibidwal at organisasyong naging katuwang ng DA-BSWM sa patuloy na pagsusulong ng soil health management, sustainable agriculture, at pangangalaga sa likas na yaman ng bansa, sa isinagawang DA-BSWM 75th Anniversary Celebration na may temang โ€œToast to Soil Health Volunteers and Partners: The BSWM Diamondsโ€ sa Diliman, Quezon City.

Isa lamang ang Office of the Provincial Agriculturist sa katauhan nina Ms. Eleanor D. Zabella, ASSD Division Head, Ms. Veolita B. Canillas, Agricultural Technologist, at Ms. Trisha Marie B. Regodon, Chemist I sa mga kinilala at nakiisang partner agency sa naturang pagdiriwang.

Pinangunahan ni DA-BSWM Director Gina Parde-Nilo, Ph.D. ang pambungad na bahagi ng programa, na sinundan ng isang ceremonial toast para sa mga soil health volunteers at partners. Kinilala rin sa naturang selebrasyon ang ibaโ€™t ibang Farmer Groups, Cooperatives and Associations, Local Government Units, Academe, Civil Society Organizations and Private Sectors, DA Regional Field Offices, International Organizations, National Government Agencies (NGAs), Media, DA Officials, Banner Programs, Bureaus, Attached Corporations, at iba pang mga katuwang ng ahensya.


June 1, 2026 โ€“ Sa courtesy call na ginanap sa pagitan ng mga opisyales ng Quezon Young Farmers Federation (4H Club) at P...
01/06/2026

June 1, 2026 โ€“ Sa courtesy call na ginanap sa pagitan ng mga opisyales ng Quezon Young Farmers Federation (4H Club) at Provincial Agriculturist Liza Mariano, ay nabigyang linaw ang mga aktibidad at proyektong tatahakin ng bawat grupo ng kabataang magsasaka sa mga susunod na taon.

Kabilang dito ang tungkulin na kanilang gagampanan sa malawakang paggamit ng digital agri application para sa online marketing at farmer and fisherfolk registry portal, gayundin ang pagiging kabilang sa pagpapalaganap ng agri-tourism sa lalawigan. Bahagi rin nito ang pagkakaroon ng mga pagsasanay ukol sa strategic planning, enterprise development at paggamit ng generative AI.


Matagumpay na naisagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang Remote Piloted Aircraft System (RPAS) Theore...
01/06/2026

Matagumpay na naisagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang Remote Piloted Aircraft System (RPAS) Theoretical and Practical Flight Training Program (Ground and Flight Operations) na ginanap mula Mayo 18โ€“29, 2026.

Sa loob ng sampung araw, nabigyan ang mga kalahok ng komprehensibong kaalaman at praktikal na kasanayan sa paggamit ng drone technology, kabilang ang teorya ng paglipad, ground operations, at aktwal na flight operations. Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mapapalakas ang kakayahan ng mga tanggapan sa pagbuo ng high-resolution maps, pagsasagawa ng mas tumpak na pagsusukat, mabilis na pagmamanman, at agarang pagtatasa ng mga pinsala o kondisyon sa mga proyekto at saklaw ng kanilang mga mandato.

Kabilang sa mga lumahok ang mga kinatawan mula sa OPA, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Assessorโ€™s Office, Provincial Planning and Development Coordinatorโ€™s Office (PPDC), Provincial Information and Communications Technology Office (PICTO), Provincial Engineering Office (PEO), at Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO).

Ang pagsasanay ay inaasahang magpapahusay sa pagpaplano, pamamahala ng mga likas-yaman, pagtugon sa kalamidad, at pangangalaga sa mga lupain sa lalawigan sa pamamagitan ng mas mabilis, ligtas, at makabatayang pagdedesisyon.

๐ŸŒฑ ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐ˆ๐“ ๐Ÿ”๐ŸŽ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐’๐€ ๐‰๐Ž๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†, ๐“๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐€๐†๐‘๐ˆ-๐ˆ๐๐๐”๐“๐’; ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐† ๐’๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐”๐Œ๐ ๐ˆ๐‘๐‘๐ˆ๐†๐€๐“๐ˆ๐Ž๐, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆMay 23, 2026 - ...
28/05/2026

๐ŸŒฑ ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐ˆ๐“ ๐Ÿ”๐ŸŽ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐’๐€ ๐‰๐Ž๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†, ๐“๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐€๐†๐‘๐ˆ-๐ˆ๐๐๐”๐“๐’; ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐† ๐’๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐”๐Œ๐ ๐ˆ๐‘๐‘๐ˆ๐†๐€๐“๐ˆ๐Ž๐, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ

May 23, 2026 - Humigi't-kumulang 60 mga magsasaka at mangingisda ang nakiisa sa taunang farmers and fisherfolks consultation kasabay ng pamamahagi ng iba't-ibang kagamitang agrikultural.

Bukod pa rito, bahagi ng naging programa ang pagbabahagi ng tagumpay ng samahan ng SIPag Jomalig patungkol sa naunang interbensyon na Solar Pump Irrigation System. Ayon sa kanilang testimonya, naging susi ang irigasyong ito upang makapag-produce sila ng mga gulay nitong tag-init. Dahil dito, nagresulta ito sa mas mababang presyo ng gulay sa lokal na pamilihan kumpara sa mga suplay na nagbubuhat pa sa mainland.

Ang ganitong mga kwento ng tagumpay ang nagpapatunay na epektibo ang mga proyekto ng pamahalaan kapag katuwang ang isang masipag na samahan.


Mayo 26, 2026 - Nagpahayag ng lubos na pasasalamat ang magsasaka mula sa bayan ng Pagbilao at Sampaloc sa sa mahahalagan...
28/05/2026

Mayo 26, 2026 - Nagpahayag ng lubos na pasasalamat ang magsasaka mula sa bayan ng Pagbilao at Sampaloc sa sa mahahalagang kaalaman at karanasang natamo mula sa Nursery Establishment and Management Training ng Office of the Provincial Agriculturist sa pamamagitan ng Agricultural Support Services Division โ€“ Plant Materials Production Center (ASSD-PMPC).

Tinalakay dito ang wastong pagtatatag at pamamahala ng plant nursery, gayundin ang ibaโ€™t ibang teknik ng plant propagation tulad ng grafting at budding na isinagawa sa pamamagitan ng isang hands-on demonstration. Kaakibat ito sa layuning mapataas ang produksyon ng industrial crops at iba pang punong namumunga sa lalawigan ng Quezon.


๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ญ๐จ๐ง๐ž๐ฅ๐š๐๐š, ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ฒ ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐ง-๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐š! ๐ŸŒŠMay 21, 2026 - Isang produktibong araw matapos ihatid ang mga agric...
28/05/2026

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ญ๐จ๐ง๐ž๐ฅ๐š๐๐š, ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ฒ ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐ง-๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐š! ๐ŸŒŠ

May 21, 2026 - Isang produktibong araw matapos ihatid ang mga agricultural inputs para sa ating mga kababayan sa Burdeos kung saan masaya nating nakasama ang halos 100 masisipag na maggugulay, magniniyog, at mangingisda upang makiisa hindi lamang sa distribusyon kundi maging sa pagpapalita ng kuri-kuro tungo sa higit pang produktibong produksyon.

Kitang-kita na nagbunga at naghatid ng pambihirang resulta ang mga interbensyong ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor. Isang pagpupugay sa ating mga seaweed farmers mula sa Brgy. Calutcot, Burdeosโ€”kung saan ang dating isang (1) toneladang seaweed na ibinigay sa kanila ay napalago nila at naging 70 tonelada sa loob ng isang taon, na kumita na ng higit sa Php 1 Milyon.



๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐’๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐ ๐ง๐  ๐๐€๐‚๐‹๐Ž๐‘ ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง! ๐ŸŒŠ๐Ÿ’ฐMay 22, 2026 - Idinaos ang konsultasyon at pamimigay ng...
28/05/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐’๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐ ๐ง๐  ๐๐€๐‚๐‹๐Ž๐‘ ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง! ๐ŸŒŠ๐Ÿ’ฐ

May 22, 2026 - Idinaos ang konsultasyon at pamimigay ng mahahalagang agricultural inputs para sa ating mga lokal na sektor sa Bayan ng Patnanungan, kung saan halos 80 masisipag na maggugulay, magniniyog, at mangingisda ang nakiisa.

Sa gitna ng aktibidad, buong pagmamalaking ibinahagi ang kwento ng tagumpay ng Samahan ng PACLOR. Ang dating interbensyon na ipinagkaloob sa kanilaโ€”na 4 na sets ng Fish Cage at 4,000 juvenile Groupers (Lapu-lapu)โ€”ay opisyal nang kumita ng halos kalahating milyong piso.

Ang ganitong katapatan at sipag ang nagpapatunay na sa tamang tulong, unti-unti ay aasenso ang bawat komunidad.



May 20, 2026 โ€“ Matagumpay na naihatid sa 60 masisipag na maggugulay, magniniyog, at mangingisda ang ibaโ€™t-ibang kagamita...
28/05/2026

May 20, 2026 โ€“ Matagumpay na naihatid sa 60 masisipag na maggugulay, magniniyog, at mangingisda ang ibaโ€™t-ibang kagamitang pang-agrikultura kabilang ang mga pananim, pataba, farm equipment at kagamitan sa pangingisda. Malaya rin nagkaroon ng talakayan pagdating sa mga suliranin at kaakibat na aksyon sa tulong ng Sagguniang Panlalawigan, Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor at Pamahalaang Lokal ng Polillo.



๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐€๐›๐š๐œ๐š ๐ฌ๐š ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐๐ฌ! May 20,2026 โ€“ Matagumpay na ipinagkaloob an...
28/05/2026

๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐€๐›๐š๐œ๐š ๐ฌ๐š ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐๐ฌ!

May 20,2026 โ€“ Matagumpay na ipinagkaloob ang Abaca Nursery Station para sa mga mamamayan ng Polillo Group of Islands bilang bahagi ng programang na naglalayong mapalawak ang hanapbuhay at oportunidad ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng abaca sa isla.

Ang Abaca Nursery na matatagpuan sa Brgy. Sibulan, Municipality of Polillo, ay may kapasidad na makapagprodyus ng 20,000 abaca seedlings. Itinatag ito upang magsilbing pangunahing pinagkukunan ng dekalidad na punla para sa mga magsasaka ng Polillo at mga karatig-bayan, na nagpapadali ng pagkuha ng seedlings nang hindi na kinakailangang bumiyahe sa malalayong lugar.

Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Agriculturist, sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Doc Liza Mariano, at sa suporta ni Governor Dra. Helen Tan, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang pang-agrikultura at pangkabuhayan para sa lalawigan.

Lubos ding kinikilala ang PHILFIDA at RHUDARDA MPC sa kanilang suporta at pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng industriya ng abaca. Sa sama-samang pagkilos, patuloy nating mapapalago ang abaca tungo sa mas matatag at maunlad na kabuhayan para sa mga magsasaka at buong komunidad.



Address

Belen Drive Capitol Compound, Barangay X
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon Provincial Agriculture Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share