LTO Lucena District Office

LTO Lucena District Office Linking
Technology and
Order

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽNais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON na nagpapatuloy pa rin ang maintenance acti...
20/07/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa CALABARZON.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.




๐€๐๐€๐“ ๐๐€ ๐‚๐Ž๐‹๐Ž๐‘๐”๐Œ ๐๐€ ๐“๐‘๐”๐‚๐Š, ๐๐€๐’๐€๐๐€๐“ ๐’๐€ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ ๐’๐€ ๐๐ˆร‘๐€๐, ๐‹๐€๐†๐”๐๐€Bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulo...
18/07/2026

๐€๐๐€๐“ ๐๐€ ๐‚๐Ž๐‹๐Ž๐‘๐”๐Œ ๐๐€ ๐“๐‘๐”๐‚๐Š, ๐๐€๐’๐€๐๐€๐“ ๐’๐€ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ ๐’๐€ ๐๐ˆร‘๐€๐, ๐‹๐€๐†๐”๐๐€

Bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ R. Marcos Jr., at sa gabay nina Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao na panatilihing ligtas, maayos, at disiplinado ang paggamit ng mga kalsada, patuloy na pinapalakas ng LTO CALABARZON ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyong pangtransportasyon.

Sa pamumuno ni LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, mas pinaigting ng rehiyon ang kampanya laban sa mga colorum na sasakyan at iba pang paglabag sa mga umiiral na batas at alituntunin sa transportasyon.

Ngayong araw, apat na colorum na closed van truck ang nahuli sa isinagawang law enforcement operation ng LTO CALABARZON kaninang madaling araw sa Mamplasan, Biรฑan City, Laguna.

Pinangunahan ng LTO Cabuyao District Office sa pamumuno ni Officer-In-Charge Cloyd Deo Librea ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Regional Law Enforcement Service (RLES), kung saan natuklasan ang iba't ibang paglabag ng mga nahuling sasakyan.

Kabilang sa mga naitalang paglabag ang pagpapatakbo ng colorum na sasakyan, paggamit ng hindi rehistradong sasakyan, pagpapakita ng pinaghihinalaang pekeng Official Receipt (OR), pagmamaneho nang walang balidong driverโ€™s license, paggamit ng improvised na plaka na walang kaukulang awtorisasyon, at mga depektong may kaugnayan sa kaligtasan gaya ng sirang headlight at pudpod na mga gulong.

Bunsod nito, agad na nag-isyu ang mga enforcer ng kaukulang Temporary Operatorโ€™s Permit (TOP) at ipina-impound ang apat na closed van truck. Isasailalim ang mga ito sa tamang proseso bago iendorso sa LTO Central Office para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay RD Decena, magpapatuloy ang LTO CALABARZON sa mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mga colorum at iba pang lumalabag sa mga regulasyon.

โ€œPatuloy nating palalakasin ang ating mga operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas. Ang mga colorum na sasakyan ay nagdudulot ng panganib hindi lamang sa kanilang mga pasahero kundi pati na rin sa iba pang gumagamit ng kalsada. Mahigpit naming hinihikayat ang lahat ng operator at motorista na sumunod sa mga umiiral na batas at tiyaking ligtas at legal ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe.โ€

Muli ring pinaaalalahanan ng LTO CALABARZON ang lahat ng may-ari at operator ng sasakyan na tiyaking sumusunod sa mga umiiral na batas at regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista at kaayusan sa mga lansangan.



15/07/2026

๐Ÿš— ๐ˆ๐’ ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐Ÿ’-๐–๐‡๐„๐„๐‹๐„๐ƒ ๐•๐„๐‡๐ˆ๐‚๐‹๐„ ๐’๐“๐ˆ๐‹๐‹ ๐”๐’๐ˆ๐๐† ๐€ ๐†๐‘๐„๐„๐ ๐‹๐ˆ๐‚๐„๐๐’๐„ ๐๐‹๐€๐“๐„ ๐Ž๐‘ ๐“๐‡๐„ ๐Ž๐‹๐ƒ ๐‹๐ˆ๐‚๐„๐๐’๐„ ๐๐‹๐€๐“๐„ ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“?

Good news! The Land Transportation Office (LTO) Lucena District Office is now releasing replacement license plates for eligible 4-wheeled motor vehicles.

To check if your replacement plate is already available, please visit the LTO Lucena District Office Plate Availability Portal through the link below:

https://script.google.com/macros/s/AKfycbxox50To6xuAIK2KG_y8ZbKdngU-L_OF8NPJKvR77GWiKebn8KtW6rsvzpyArXqLKXy/exec

Requirements for Claiming Your Replacement Plate:

โœ… Latest Official Receipt (OR)
โœ… Copy of the Certificate of Registration (CR)
โœ… Photocopy of one (1) valid government-issued ID

For inquiries or assistance, please visit the LTO Lucena District Office, Monday to Friday, from 8:00 AM to 5:00 PM.

If your vehicle is still displaying a green license plate or the old license plate format, we encourage you to check the availability of your replacement plate and claim it at your earliest convenience.

Thank you, and drive safely!

06 July 2026PAALALA MULA SA LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) LUCENA DISTRICT OFFICEMahigpit na ipinapaalala sa publiko n...
06/07/2026

06 July 2026

PAALALA MULA SA LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) LUCENA DISTRICT OFFICE

Mahigpit na ipinapaalala sa publiko na ang hindi awtorisadong paggamit ng LTO Identification Card (ID) o ang pagpapanggap bilang empleyado o kinatawan ng LTO ay isang seryosong paglabag at maaaring magresulta sa kaukulang legal na pananagutan.

Ang LTO ay hinding-hindi nagbibigay ng pahintulot sa sinuman na gamitin ang pagkakakilanlan ng ahensya para sa pansariling kapakinabangan, tulad ng paghingi ng pribilehiyo, libreng serbisyo, o anumang benepisyo.

Hinihikayat namin ang lahat na maging mapanuri at huwag tularan ang ganitong uri ng gawain. Ang katapatan at pagsunod sa batas ay mahalaga sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa ating mga institusyon.

Kung may nalalaman o nasaksihang kahalintulad na insidente, agad itong iulat sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO.

Maging responsable. Maging tapat. Huwag magpanggap.

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐€๐†๐๐€๐€๐๐Ž๐“ ๐๐† ๐ƒ๐Ž๐๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐’๐€๐‹๐€๐๐“๐€ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐ƒ๐Ž๐‹ ๐’๐€ ๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐๐† "๐Ž๐๐‹๐€๐ ๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž"๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† โ€” ...
30/06/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐€๐†๐๐€๐€๐๐Ž๐“ ๐๐† ๐ƒ๐Ž๐๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐’๐€๐‹๐€๐๐“๐€ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐ƒ๐Ž๐‹ ๐’๐€ ๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐๐† "๐Ž๐๐‹๐€๐ ๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž"

๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† โ€” Bilang pakikiisa sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao, nagtungo ngayong araw sa Land Transportation Office (LTO) Central Office ang mga opisyal at kawani ng LTO Calabarzon upang personal na iabot ang donasyon sa ilalim ng programang "Oplan Tulong Mindanao."

Personal na tinanggap nina LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao at LTO Executive Director Atty. Martin P. Ontog ang donasyong ipinagkaloob ng LTO Calabarzon sa pangunguna ni Regional Director Elmer J. Decena, kasama ang mga opisyal at kawani ng rehiyon. Ang tulong ay bunga ng sama-samang boluntaryong kontribusyon ng mga empleyado ng LTO Calabarzon bilang pakikiisa sa mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.

Pinuri naman ni Assistant Secretary Lacanilao ang agarang pagtugon at pagkakaisa ng LTO Calabarzon sa pagsuporta sa "Oplan Tulong Mindanao," na layuning makapaghatid ng agarang tulong sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng sakuna.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagkakaisa ng buong LTO sa paghahatid ng hindi lamang mahusay na serbisyo publiko, kundi maging ng malasakit at makabuluhang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan



๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ ๐——๐—ข c๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ง๐—ข๐——๐—” ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐˜‚๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บLucena City- Under the guidance of Department of Transportation Acting Secretary A...
10/06/2026

๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ ๐——๐—ข c๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ง๐—ข๐——๐—” ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐˜‚๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

Lucena City- Under the guidance of Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez and the leadership of LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, the TODA Rescue Program for members of the Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) is continuously being implemented throughout the CALABARZON Region.

Spearheaded by LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, this program forms part of the agencyโ€™s sustained commitment to enhancing community preparedness in times of road crashes and other related incidents among TODA members and their communities.

On 10 June 2026, the LTO Lucena District Office, headed by its Chief of Office Estela Umali-Loverez, together with the Chief of LTO Lucena Licensing Center, Chief Jed Jasper Doliente, and the District Law Enforcers, successfully conducted the TODA Rescue Program at the Disaster Operations Center, Pacific Mall Compound, Lucena City, in collaboration with the Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) and the Tricycle Franchising and Regulatory Office (TFRO).

This program provided eighty-three (83) TODA members with training on basic emergency response, enhancing their preparedness to assist during road incidents and emergencies.

The activity reflects the LTOโ€™s dedication to advancing road safety awareness and building stronger partnerships with communities.


๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽPansamantalang offline ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa nararanasan na technica...
03/06/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Pansamantalang offline ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa nararanasan na technical issue, ngayong araw ika-3 Hunyo 2026.

Sa kasalukuyan, pansamantalang tigil operasyon ang mga sumusunod na serbisyo:

โ€ข Renewal ng driverโ€™s license
โ€ข Rehistro ng mga sasakyan
โ€ข Lahat ng kaugnay na ancillary services

Pinaaalalahanan ang lahat na pansamantalang ipagpaliban muna ang kanilang mga transaksyon at manatiling nakaantabay sa opisyal na mga anunsyo ng ahensya para sa updates.

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pag-unawa, pasensya, at pakikiisa.

Agad na maglalabas ng abiso ang ahensya sa sandaling may progreso na sa system.



https://www.facebook.com/share/p/1QoGzKQr1J/

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Pansamantalang offline ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa nararanasan na technical issue, ngayong araw ika-3 Hunyo 2026.

Sa kasalukuyan, pansamantalang tigil operasyon ang mga sumusunod na serbisyo:

โ€ข Renewal ng driverโ€™s license
โ€ข Rehistro ng mga sasakyan
โ€ข Lahat ng kaugnay na ancillary services

Pinaaalalahanan ang lahat na pansamantalang ipagpaliban muna ang kanilang mga transaksyon at manatiling nakaantabay sa opisyal na mga anunsyo ng ahensya para sa updates.

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pag-unawa, pasensya, at pakikiisa.

Agad na maglalabas ng abiso ang ahensya sa sandaling may progreso na sa system.

๐’๐„๐€๐“ ๐๐„๐‹๐“ ๐’๐€๐•๐„ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐’"Kahit Super Saiyan nagse-seat belt, kasi ang tunay na malakas may, disiplina."
26/05/2026

๐’๐„๐€๐“ ๐๐„๐‹๐“ ๐’๐€๐•๐„ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐’

"Kahit Super Saiyan nagse-seat belt, kasi ang tunay na malakas may, disiplina."







๐’๐„๐€๐“ ๐๐„๐‹๐“ ๐’๐€๐•๐„ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐’

"Kahit Super Saiyan nagse-seat belt, kasi ang tunay na malakas may disiplina."







๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐——๐—œ๐—ง๐—ฌAlinsunod sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5048 extended, ang validity ng mga sumusunod:-Driver'...
15/05/2026

๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐——๐—œ๐—ง๐—ฌ

Alinsunod sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5048 extended, ang validity ng mga sumusunod:

-Driver's Licenses
-Conductor's Licenses
-Student-Driver's Permit
-Motor Vehicle Registration

Para sa mga nag-expire simula April 2026, extended ito ng 3 buwan mula sa original expiry date. Kung nag-expire ang dokumento noong April o May, maaari pa itong irenew sa loob ng extension period ng walang surcharges, penalty o fine.






๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐——๐—œ๐—ง๐—ฌ

Alinsunod sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5048 extended ang validity ng mga sumusunod:

-Driver's Licenses
-Conductor's Licenses
-Student-Driver's Permit
-Motor Vehicle Registration

Para sa mga nag-expire simula April 2026, extended ito ng 3 buwan mula sa original expiry date. Kung nag-expire ang dokumento noong April o May, maaari pa itong irenew sa loob ng extension period ng walang surcharges, penalty o fine.






๐ˆ๐‘๐„๐๐Ž๐‘๐“ ๐Œ๐Ž ๐Š๐€๐˜ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…!!!Isang plataporma para sa sumbong, at ulat ng mamamayan na direktang nag-uugnay sa inyo sa mga...
28/04/2026

๐ˆ๐‘๐„๐๐Ž๐‘๐“ ๐Œ๐Ž ๐Š๐€๐˜ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…!!!

Isang plataporma para sa sumbong, at ulat ng mamamayan na direktang nag-uugnay sa inyo sa mga kinauukulang awtoridad. Tinitiyak namin na bawat ulat at sumbong ay naitatala, nasusuri, at naaaksyunan nang maayos.

I-follow ang page na ito upang manatiling updated sa mahahalagang anunsyo, paalala, at hakbang na makatutulong sa mas mabilis at mas maayos na pagtugon sa inyong mga concern. Sa inyong pakikilahok, mas nagiging malakas ang boses ng mamamayan at mas napapabilis ang serbisyo para sa lahat.







This is a citizen feedback platform that connects you directly to Land Transportation Office (LTO). We ensure that every report is documented, reviewed, and acted upon.

Address

Lucena Grand Central Terminal
Lucena
4300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Lucena District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share