02/06/2026
Naging bahagi tayo ng Binyagang Bayan kasabay nang pagdiriwang Kapistahan ni San Fernando, kamakailan. Isang makabuluhang okasyon na pinagsasama ang pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit sa komunidad.
Kasabay nang paggunita sa kapistahan ng patron ng ating lungsod, naging daan ang programa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilya na maipagkaloob ang sakramento ng binyag sa kanilang mga anak.