Nestor Rondilla

Nestor Rondilla Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nestor Rondilla, Public Service, Luisiana.

Importante ang laging handa, lalo na pagdating sa mga sakuna! 💡 Isa sa mga pinaka-kailangan natin ay ang tinatawag na Go...
05/01/2025

Importante ang laging handa, lalo na pagdating sa mga sakuna! 💡 Isa sa mga pinaka-kailangan natin ay ang tinatawag na Go Bag—ito ang bag na mabilis mong mahahatak kapag may emergency.

Ano ang dapat laman ng isang Go Bag?
✅ Tubig - At least 3 liters per person (pang-3 araw!)
✅ Pagkain - Ready-to-eat meals or canned goods (wag kalimutang can opener!)
✅ Flashlight at Extra Batteries
✅ First Aid Kit - Band-aids, alcohol, gamot, atbp.
✅ Important Documents - Birth certificates, IDs, atbp. (Ilagay sa waterproof pouch!)
✅ Damit at Blanket - Pang-extra layer ng proteksyon.
✅ Whistle - Para madali kang makita o marinig.
✅ Cash - Barya at bills, just in case walang ATM o online payments.
✅ Powerbank - Para laging may charge ang iyong gadgets.
✅ Face Masks at Hygiene Kit - Pang-maintain ng kalinisan kahit saan ka mapunta!

📌 TIP: I-customize ang Go Bag depende sa pangangailangan mo at ng pamilya mo! May babies? Dagdagan ng diapers at gatas. May mga alaga? Huwag kalimutan ang pet food at leash. 🐾

Sa panahon ng sakuna, ang pagiging handa ay malaking bagay! Kaya simulan nang mag-assemble ng Go Bag, mga kababayan! 💪

Noong 2019, pinarangalan tayo ng Philanthropia Award mula sa Schools Division Office ng Laguna. Nakakatuwang maalala, ka...
02/01/2025

Noong 2019, pinarangalan tayo ng Philanthropia Award mula sa Schools Division Office ng Laguna. Nakakatuwang maalala, kasi paalala ito sa atin kung gaano kahalaga ang edukasyon at kung paano tayo pwedeng makatulong sa bawat isa sa aspetong ito.

Alam natin na ang edukasyon ay isang kayamanang hindi kailanman mananakaw. Kaya’t sama-sama nating suportahan ito—maliit na hakbang man o malaki, lahat ng tulong ay mahalaga para masigurong may pagkakataon ang bawat isa na matuto at maabot ang kanilang mga pangarap.

Happy New Year, Luisiana! 🎉✨ Sa bagong taon, sana'y mas marami pa tayong moments ng pagmamahal at saya kasama ang ating ...
31/12/2024

Happy New Year, Luisiana! 🎉✨

Sa bagong taon, sana'y mas marami pa tayong moments ng pagmamahal at saya kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay. Cheers to a brighter, better year ahead!

Para sa mas maunlad na 2025! 🙏Narito ang ilang "Tipid Tips" para sa matalinong paggastos sa susunod na taon. Mula sa pag...
31/12/2024

Para sa mas maunlad na 2025! 🙏

Narito ang ilang "Tipid Tips" para sa matalinong paggastos sa susunod na taon. Mula sa pagbabadyet at pagiging matalino sa pamimili hanggang sa pagsuporta sa mga lokal na negosyo at pag-iwas sa mga hindi kinakailangang gastos, ito ay mahahalagang paalala para sa lahat.

Ngayong Rizal Day, bigyang-pugay natin si Dr. Jose Rizal, na nag-alay ng kanyang talino at buhay para sa kalayaan ng ati...
30/12/2024

Ngayong Rizal Day, bigyang-pugay natin si Dr. Jose Rizal, na nag-alay ng kanyang talino at buhay para sa kalayaan ng ating bayan.

Magsilbi sana siyang inspirasyon sa ating lahat na magkaisa, maglingkod nang may malasakit, at ipaglaban ang tama para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

Ang pagtakbo ko bilang mayor ay hindi na tungkol sa aking career. Napatunayan ko na ang sarili ko bilang isang public se...
29/12/2024

Ang pagtakbo ko bilang mayor ay hindi na tungkol sa aking career. Napatunayan ko na ang sarili ko bilang isang public servant.

Pero hindi ko kayang talikuran ang pagkakataong baguhin ang sitwasyon ng komunidad, tapusin ang ULBOK, dalhin ang maayos na tubig sa Luisiana, at maibalik ang serbisyong may malasakit para sa mas maayos na kinabukasan.

28/12/2024

Saan man ako makarating sa mundo, Luisiana pa rin ang laman ng puso ko. Ito ang bayang humubog sa akin at nakasaksi kung paano ako naging ako—si Nestor. Ang alaala ng Luisiana, bitbit ko palagi.

Kaya kung tatanungin ako, "Worth it ba lahat ng ito?" Walang duda—oo ang sagot ko.

Sa diwa ng Pasko, nawa'y maghari ang pagkakaisa, pagmamahalan, at pag-asa sa bawat tahanan sa Luisiana. Sama-sama nating...
24/12/2024

Sa diwa ng Pasko, nawa'y maghari ang pagkakaisa, pagmamahalan, at pag-asa sa bawat tahanan sa Luisiana. Sama-sama nating ipagdiwang ang tunay na kahulugan ng Kapaskuhan—ang pagbibigayan at malasakit para sa isa’t isa.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon, mga kababayan! 🎁❤️

Kahit wala na tayo sa pwesto, bukas pa rin ang ating pintuan para sa mga nangangailangan ng tulong. Marami pa rin ang lu...
23/12/2024

Kahit wala na tayo sa pwesto, bukas pa rin ang ating pintuan para sa mga nangangailangan ng tulong. Marami pa rin ang lumalapit sa atin—mga personal na nangangailangan, hindi para sa photo ops o media stunts—isang malinaw na tanda ng mga pangangailangan na hindi agad natutugunan ng administrasyon

Ngayong Pasko, namahagi tayo ng simpleng tulong sa mga humihingi ng medical assistance at nagsuporta sa basketball league sa pamamagitan ng pagbibigay ng ring at nets.

Hindi lang po sa Pasko natin ito gagawin; ipagpapatuloy din natin sa 2025 at sa mga susunod pang taon, kung papalarin.

Ang pagmamahal ko sa Luisiana ay nakaugat sa pagmamalasakit sa bawat mamamayan nito. Dahil naranasan ko ang hirap, alam ...
22/12/2024

Ang pagmamahal ko sa Luisiana ay nakaugat sa pagmamalasakit sa bawat mamamayan nito. Dahil naranasan ko ang hirap, alam ko ang pakiramdam ng walang-wala at nangangailangan ng pagdamay. Ito ang nagtulak sa akin na magmalasakit at magsumikap na gawing mas maayos, mas maunlad, at mas makatao ang ating bayan.

Mga mamamayan ng Luisiana, kayo ang puso ng aking serbisyo.

It’s now or never…Ang mga nasimulan natin noon ay nangangailangan ng tapang at dedikasyon upang maipagpatuloy. Kaya’t sa...
20/12/2024

It’s now or never…

Ang mga nasimulan natin noon ay nangangailangan ng tapang at dedikasyon upang maipagpatuloy. Kaya’t sana ay samahan ninyo ako; tapusin at ipaglaban natin ang ULBOK, para sa ating bayan, para sa Luisiana.

18/12/2024

Maraming salamat sa programang Target on Air sa pag-imbita at pakikipanayam sa akin kahapon!

Tuloy ang usapan natin tungkol sa nararapat na suporta para sa mga senior citizen ng Luisiana. Hindi dapat tumigil ang talakayan tungkol dito dahil prayoridad natin ang kanilang kalusugan at maayos na kalagayan.

Dapat nating ibalik sa kanila ang kalinga na ibinigay nila sa bayan noong sila'y nagtatrabaho. Ngayong wala na silang kakayanang sustentuhan ang kanilang sarili, responsibilidad nating tiyakin na may sapat silang suporta.

Address

Luisiana

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nestor Rondilla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category