30/09/2026
𝗜𝗸𝗮-𝟳𝟳 𝗮𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗮, 𝗻𝗮𝗽𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗸𝗮𝗹 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗮𝗻-𝗱𝗮𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴𝗮-𝗟𝘂𝗻𝗮, 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮
Daan-daang residente ng Luna, Isabela ang nakinabang sa iba't ibang programa at libreng serbisyo bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-77 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan, sa pangunguna ng pamahalaang bayan ni Luna Mayor Adrian Tio.
Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa mga mamamayan ang tulong para sa senior citizens, Persons with Disabilities (PWDs), solo parents, indigent families, kababaihan at mga bata, at iba pang vulnerable sectors. Kabilang din dito ang food, burial, medical at emergency assistance, gayundin ang registration at pagproseso ng birth, marriage at death records at iba pang civil registry documents.
Inilapit din ang Senior Citizen at PWD Services, real property assessment, pagbabayad ng real property tax, local taxes, fees, clearances at iba pang municipal collections upang mas madaling mapakinabangan ng mga taga-Luna ang mga serbisyo ng kanilang lokal na pamahalaan.
𝗧𝗮𝗺𝗽𝗼𝗸 𝗱𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗮𝘁 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗱𝗲𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗔𝗹𝗯𝗮𝗻𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗮—𝟭𝟵 𝗻𝗲𝗯𝘂𝗹𝗶𝘇𝗲𝗿𝘀, 𝟭𝟵 𝗯𝗹𝗼𝗼𝗱 𝘀𝘂𝗴𝗮𝗿 𝘁𝗲𝘀𝘁 𝗸𝗶𝘁𝘀, 𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗰𝗿𝘂𝘁𝗰𝗵𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗸𝗲𝗿𝘀.
Sa pamamagitan ng selebrasyon, naging pagkakataon ang ika-77 anibersaryo ng Luna hindi lamang para ipagdiwang ang kasaysayan ng bayan kundi upang direktang maihatid ang iba't ibang serbisyo at tulong sa daan-daang residente.