Barangay Mangalit, Mabalacat City, Pampanga

Barangay Mangalit, Mabalacat City, Pampanga • PAMISAN-METUNG
• PAMIKALUGUD
• PAMANANTABE

06/08/2026

𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐂𝐈𝐑𝐂𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐍𝐎. 𝟏𝟐𝟐, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔

In view of the continued heavy rainfall brought about by Tropical Storm Maymay and the Southwest Monsoon, and upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), work in government offices and classes at all levels in the National Capital Region and the provinces of Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, and Occidental Mindoro are hereby suspended on 06 August 2026.

Agencies delivering essential and emergency services shall continue their operations. The suspension of work in private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/5V8uZY

𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 2026: 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡, 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦! 📢Mga ka-Barangay Mangalit, ipinapaalam po ng ating Barangay Council...
05/08/2026

𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 2026: 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡, 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦! 📢

Mga ka-Barangay Mangalit, ipinapaalam po ng ating Barangay Council at RHU 1 Mabalacat na magkakaroon ng 𝙇𝙄𝘽𝙍𝙀𝙉𝙂 𝙈𝙚𝙖𝙨𝙡𝙚𝙨-𝙍𝙪𝙗𝙚𝙡𝙡𝙖 (𝙈𝙍) 𝙑𝙖𝙘𝙘𝙞𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 para sa lahat ng mga batang edad 6 hanggang 59 buwan (wala pang 5 taong gulang).

Narito po ang pampublikong iskedyul para sa Barangay Mangalit:

🗓️ SCHEDULE NG BAKUNAHAN (see image below)

💉 Dalhin po ang inyong mga chikiting sa pinakamalapit na vaccination site sa indicated na araw at oras para maprotektahan sila laban sa tigdas at tigdas-hangin!

Ligtas. Libre. Protektado! 💙💚

Mas Pinalawak na Kagamitan para sa Barangay Mangalit!Patuloy ang Barangay Mangalit sa pagbibigay ng mas maayos at de-kal...
05/08/2026

Mas Pinalawak na Kagamitan para sa Barangay Mangalit!

Patuloy ang Barangay Mangalit sa pagbibigay ng mas maayos at de-kalidad na serbisyo sa ating mga kabarangay. Kamakailan ay bumili ang ating barangay ng karagdagang matitibay na Mono Blocks at Lifetime Tables na gagamitin sa iba’t ibang programa, pagpupulong, seminar, at mga aktibidad ng barangay.

Layunin ng proyektong ito na mas maging komportable at maayos ang bawat pagtitipon at serbisyong inihahatid sa ating komunidad.

Pinangunahan ang pagbiling ito ni Punong Barangay Hon. Cristian John T. Lindo, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang mga pasilidad at kagamitan ng Barangay Mangalit para sa kapakinabangan ng lahat.

Serbisyong tapat, maayos, at para sa bawat ka-barangay ng Mangalit! 💚💛




BARANGAY MANGALIT PATROL VEHICLE Ngayong umaga, buong galak at taos-pusong pasasalamat naming tinanggap ang Bagong Baran...
03/08/2026

BARANGAY MANGALIT PATROL VEHICLE

Ngayong umaga, buong galak at taos-pusong pasasalamat naming tinanggap ang Bagong Barangay Patrol Unit mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa ginanap na turnover ceremony sa Capitol.

Ang nasabing patrol unit ay opisyal na tinanggap nina Punong Barangay Hon. Cristian John T. Lindo, kasama sina Barangay Kagawad Hon. Reggie P. Esguerra, Hon. Angelita M. Sibal, at ang ating Barangay Patrol Police Arthur Santos.

Malaking tulong ang bagong patrol unit na ito sa pagpapalakas ng pagpapatrolya, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at mas mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan at emerhensiya ng ating mga kabarangay.

Lubos po ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa patuloy na suporta at malasakit sa mga barangay. Asahan po ninyo na ang kagamitang ito ay gagamitin nang may pananagutan at para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Barangay Mangalit.

Sama-sama nating isulong ang isang mas ligtas, maayos, at mapayapang Barangay Mangalit!





Alinsunod sa direktiba ng Pamahalaang Barangay ng Mangalit, ang ating mga Barangay Tanod ay itinalaga sa Mangalit Elemen...
28/07/2026

Alinsunod sa direktiba ng Pamahalaang Barangay ng Mangalit, ang ating mga Barangay Tanod ay itinalaga sa Mangalit Elementary School upang tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, kawani, at mga magulang sa gitna ng mga kumakalat na ulat tungkol sa umano’y bomb threat at shooting threat.

Layunin ng hakbang na ito na magbigay ng agarang seguridad, magsagawa ng mas mahigpit na pagbabantay, at makipag-ugnayan sa ating kapulisan at iba pang kinauukulang ahensya upang matiyak ang ligtas na kapaligiran sa paaralan.

Pinaaalalahanan ang lahat na huwag magpakalat o maniwala agad sa mga hindi beripikadong impormasyon. Ang pagpapakalat ng maling impormasyon o pekeng bomb threat ay may kaukulang pananagutan sa ilalim ng batas.

📖 Mga Kaugnay na Batas:
• Republic Act No. 11479 (Anti-Terrorism Act of 2020) – nagbibigay ng mabigat na kaparusahan sa mga gawaing naglalayong maghasik ng takot at banta sa publiko.
• Presidential Decree No. 1727 – nagpapataw ng parusa sa sinumang sadyang magbibigay o magpapakalat ng maling impormasyon o pekeng bomb threat.
• Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) – maaaring managot ang sinumang gumagamit ng social media o iba pang elektronikong paraan sa pagpapakalat ng maling impormasyon na nagdudulot ng takot at kaguluhan.

Hinihikayat namin ang lahat na maging mapagmatyag at agad na ipagbigay-alam sa Barangay o sa Philippine National Police ang anumang kahina-hinalang kilos o impormasyon.

Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay ating pangunahing prayoridad.

Maraming salamat sa pakikiisa at kooperasyon ng bawat isa.




SUSPENSION NG KLASE (Mangalit Elementary School at Mangalit Day Care Center)Bilang pag-iingat at pagbibigay ng pinakamat...
26/07/2026

SUSPENSION NG KLASE (Mangalit Elementary School at Mangalit Day Care Center)

Bilang pag-iingat at pagbibigay ng pinakamataas na prayoridad sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan, ang Office of the Punong Barangay ng Barangay Mangalit ay nag-anunsyo ng pansamantalang suspensyon ng klase sa Mangalit Elementary School at Mangalit Day Care Center ngayong Lunes, Hulyo 27, 2026.

Bagama’t patuloy pang bineberipika ng mga kinauukulang awtoridad ang mga ulat na kumakalat, mas pinili ng Pamahalaang Barangay na pairalin ang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Mahigpit naming hinihikayat ang mga magulang at mga mag-aaral na manatili sa kanilang tahanan, maging mapagmatyag, at iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon. Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Barangay sa Philippine National Police (PNP), Department of Education (DepEd), at iba pang kaukulang ahensya upang masig**o ang kaligtasan ng ating mga paaralan bago ipagpatuloy ang klase.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Ang kaligtasan ng bawat mamamayan, lalo na ng ating mga kabataan, ang ating pangunahing prayoridad.

Para sa kaalaman at gabay ng lahat.

Hon. Cristian John T. Lindo
Punong Barangay
Barangay Mangalit, Mabalacat City, Pampanga

15/07/2026
15/07/2026
For the Second Time : Another Gold Award for Barangay Mangalit!With immense pride and gratitude, we extend our heartfelt...
15/07/2026

For the Second Time : Another Gold Award for Barangay Mangalit!

With immense pride and gratitude, we extend our heartfelt congratulations to our dedicated Barangay Secretary, Ms. Rinalyn R. Capid, for once again receiving the PRIDE Gold Award from the Department of the Interior and Local Government (DILG) Mabalacat City.

This well-deserved recognition reflects her unwavering commitment to integrity, transparency, documentation excellence, and quality public service. Your hard work, dedication, and passion continue to bring honor and pride to Barangay Mangalit.

Your success is a testament that excellence in public service is achieved through commitment, perseverance, and teamwork.

Congratulations, Ms. Rinalyn R. Capid! 💛
Barangay Mangalit is truly proud of you. May this achievement inspire us all to continue serving our community with honesty, dedication, and excellence.

• Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) Successfully ConductedBarangay Mangalit has successfully completed its ...
15/07/2026

• Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) Successfully Conducted

Barangay Mangalit has successfully completed its Barangay Environmental Compliance Audit (BECA)—a significant step in our continuous commitment to environmental protection, sustainable governance, and responsible public service.

We extend our sincere appreciation to our dedicated Barangay Officials, Barangay Functionaries, Volunteers, and all stakeholders who worked together in preparing for this assessment. Your cooperation, hard work, and commitment made this achievement possible.

We remain hopeful for a positive assessment result and will continue to strengthen our environmental programs and initiatives for the benefit of our community.

Together, let us continue building a cleaner, greener, and more sustainable Barangay Mangalit.

Address

Mangalit Mabalacat City Pampanga
Mabalacat
2010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Mangalit, Mabalacat City, Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share