MCRO Macalelon

MCRO Macalelon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MCRO Macalelon, Government Website, J. P. Rizal Street, Macalelon.

22/07/2026

TINGNAN | Isang ina mula sa Tawi-Tawi, nagpasalamat sa PSA matapos mapagkalooban ng libreng birth certificate ang kanyang anak sa tulong ng Birth Registration Assistance Project (BRAP)

Ibinahagi ng isang ina mula sa Tawi-Tawi ang kanyang taos-pusong pasasalamat matapos matanggap ang unang kopya ng birth certificate ng kanyang anak sa pamamagitan ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA). Aniya, ang dokumentong ito ang naging daan upang makapag-aral ang kanyang anak at magkaroon ng legal na pagkakakilanlan.

Ayon sa kanya, hindi niya inaasahang mabibigyan ng libreng birth certificate ang kanyang anak. Malaki ang naitulong ng BRAP sa kanilang pamilya dahil nabuksan nito ang oportunidad para sa edukasyon at iba pang serbisyong nangangailangan ng legal na pagkakakilanlan.

Sa pakikipagtulungan ng PSA sa mga Local Civil Registry Offices (LCROs) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), libu-libong benepisyaryo ang nabigyan ng libreng Certificate of Live Birth in Security Paper (SecPa), na opisyal na nagkaloob sa kanila ng legal na pagkakakilanlan.

Kaugnay ng pagpapalawig ng Civil Registration and Vital Statistics Decade hanggang 2030, patuloy na nagsisikap ang PSA na matiyak na ang bawat Pilipino ay may legal na pagkakakilanlan at may sapat na access sa mga serbisyo ng pamahalaan na mag aangat sa kalidad ng kanilang buhay.

https://www.facebook.com/share/1L97XiX8z5/
22/07/2026

https://www.facebook.com/share/1L97XiX8z5/

๐Ÿ  MAY STICKER BA NA GANITO SA BAHAY NINYO?

๐Ÿ’ธ P2,000 UPLIFT PROGRAM | FACT CHECK

Napansin mo ba ang sticker na ito sa inyong bahay?

Kung meron, malamang ay nakadalaw ang enumerator ng 2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System (POPCEN-CBMS) at naitala ang impormasyon ng inyong sambahayan.

Kung wala naman kayong sticker o hindi kayo na-interview, huwag agad magbigay ng konklusyon. Maaaring walang tao sa bahay noong dumaan ang enumerator, hindi kayo naabutan sa oras ng pagbisita, o may iba pang dahilan kung bakit hindi naisagawa ang panayam. Gayunpaman, ang 2024 POPCEN-CBMS ang isa sa mga pangunahing pinagkunan ng datos ng pamahalaan sa pagtukoy ng mga poor at near-poor na sambahayan para sa iba't ibang programang panlipunan, kabilang ang UPLIFT Program.

Naalala ba ninyo na may dumating na enumerator at nagtanong tungkol sa inyong pamilya, bahay, kabuhayan, trabaho, edukasyon, at iba pang mahahalagang impormasyon?

Ang mga datos na ito ang nagsisilbing batayan sa pagpaplano ng mga programa ng pamahalaan at sa pagtukoy ng mga pamilyang maaaring makatanggap ng iba't ibang uri ng tulong.

Sino ang mga benepisyaryo ng UPLIFT Program?

๐Ÿ”น Group 1 โ€“ Mga benepisyaryo ng 4Ps at Walang Gutom Program na tatanggap ng isang beses na โ‚ฑ2,000.

๐Ÿ”น Group 2 โ€“ Humigit-kumulang 2.5 milyong poor at near-poor households na natukoy sa pamamagitan ng CBMS, na tatanggap ng โ‚ฑ2,000 bawat buwan sa loob ng anim na buwan.

๐Ÿ”น Group 3 โ€“ Humigit-kumulang 1.5 milyong low-income SSS members na may buwanang sahod na โ‚ฑ20,000 pababa at na-cross-match sa CBMS database, na tatanggap din ng โ‚ฑ2,000 bawat buwan sa loob ng anim na buwan.

๐Ÿ“ข Paglilinaw

Nilinaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi ang DSWD ang bumuo ng listahan ng mga benepisyaryo para sa Group 2 at Group 3 ng UPLIFT Program. Ang listahan ay nagmula sa Philippine Statistics Authority (PSA) batay sa 2024 POPCEN-CBMS.

Ang naging tungkulin ng DSWD ay ang cross-matching at beripikasyon ng listahang ibinigay ng PSA upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa. Binigyang-diin din niya na walang kapangyarihan ang DSWD, sinumang politiko, opisyal, o lokal na pamahalaan (LGU) na magdagdag o mag-alis ng pangalan sa listahan ng mga benepisyaryo.

โ“Awtomatiko bang kasama sa โ‚ฑ2,000 UPLIFT Program ang may POPCEN-CBMS sticker?

Hindi po. Ang POPCEN-CBMS sticker ay patunay lamang na ang inyong sambahayan ay napuntahan at na-interview ng Philippine Statistics Authority (PSA). Hindi ito awtomatikong nangangahulugan na kwalipikado o kasama na sa mga tatanggap ng โ‚ฑ2,000 UPLIFT Program. Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay nakabatay pa rin sa pagsusuri at beripikasyon ng mga nakalap na datos.

๐Ÿ“Œ Mahahalagang Paalala

โœ”๏ธ Walang aplikasyon para mapasama sa listahan ng mga benepisyaryo.

โœ”๏ธ Hintayin ang opisyal na anunsyo ng inyong LGU, MSWDO/CSWDO, o DSWD para sa iskedyul ng payout.

โœ”๏ธ Makiisa sa bawat lehitimong census at survey na isinasagawa ng pamahalaan. Ang bawat tamang impormasyong ibinibigay ng mamamayan ay mahalagang batayan sa pagbuo ng mga programa, paglalaan ng pondo, at pagtukoy sa mga pamilyang higit na nangangailangan ng tulong.

---

๐Ÿ“Œ DISCLAIMER

Ang impormasyong nakasaad sa post na ito ay batay sa mga opisyal na pahayag at impormasyong inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Statistics Authority (PSA). Layunin lamang nitong magbahagi ng tamang impormasyon sa publiko.

Para sa opisyal na impormasyon at mga pinakabagong anunsyo, bisitahin ang:

๐Ÿ”— DSWD โ€“ https://www.dswd.gov.ph

๐Ÿ”— Philippine Statistics Authority (PSA) โ€“ https://psa.gov.ph
https://psa.gov.ph/content/2024-census-population-popcen-population-counts-declared-official-president

Related Post:
https://www.facebook.com/100064248926814/posts/1467838562034427/?app=fbl
https://www.facebook.com/100064248926814/posts/1465225142295769/

Kung mayroon pa kayong mga katanungan tungkol sa inyong rekord sa CBMS, kwalipikasyon sa programa, o iskedyul ng payout, hinihikayat kayong makipag-ugnayan sa pinakamalapit na PSA, DSWD, MSWDO/CSWDO, o sa inyong lokal na pamahalaan upang makakuha ng opisyal at pinakabagong impormasyon.

22/07/2026

Ayon sa batas, sina Mister at Misis pa rin ang magiging legal na mga magulang ng bata, kahit pa galing sa isang anonymous donor ang s***m cell. Hindi ituturing na illegitimate ang bata at walang magiging legal na karapatan o obligasyon ang s***m donor dito.

Ayon sa Article 164 of the Family Code of the Philippines, ang isang bata ay itinuturing na legitimate child ng mag-asawa kung ang bata ay ipinanganak sa pamamagitan ng artificial insemination (tulad ng proseso sa fertility clinic), bastaโ€™t natutugunan ang mga sumusunod na kondisyon:

๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™ฌ๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ฉ๐™š๐™ฃ ๐™˜๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™ค ๐™ ๐™–๐™จ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ช๐™–๐™ฃ: Ang parehong mag-asawa (Mister at Misis) ay pumirma at sumang-ayon sa proseso bago pa man ito isagawa.

๐™‰๐™ž๐™ก๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™‰๐™ค๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ฎ๐™–๐™™๐™ค: Ang kasunduang ito ay dapat nakasulat sa isang pormal na dokumento.

๐™„๐™ฃ๐™ž๐™ง๐™š๐™๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ค ๐™จ๐™– ๐˜พ๐™ž๐™ซ๐™ž๐™ก ๐™๐™š๐™œ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ฎ: Ang dokumentong nagpapatunay ng kanilang pagsang-ayon ay dapat isama at mairehistro sa Local Civil Registry kasama ang birth certificate ng bata.

20/07/2026

MAG-REQUEST ng Premium Annotation Services in 5๏ธโƒฃEASY STEPS!

Mas MABILIS, mas MADALI, at mas ACCESSIBLE na ang pagre-request ng iyong annotated civil registry documents sa pamamagitan ng PSA Premium Annotation Services.

Magbook na ng appointment sa mga piling CRS outlets via: https://crs-appointment.psahelpline.ph/, at i-enjoy ang mas pinabilis na serbisyong hatid ng PSA!

Nasaan ka man, PSA is at your service!

20/07/2026
12/07/2026
24/06/2026

โ—PAALALA SA PUBLIKOโ—

Ang mga kliyente na NATIONAL ID HOLDER ay kailangan na ring KUMUHA NG APPOINTMENT sa Civil Registration Service (CRS) Appointment System para sa pagkuha ng civil registry documents sa PSA CRS outlets nationwide.

Para sa online appointment booking, bisitahin lamang ang: https://appointment.psa.gov.ph

19/06/2026
19/06/2026

Address

J. P. Rizal Street
Macalelon
4309

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MCRO Macalelon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share