23/05/2026
Isang mainit at makahulugang tanghalian ang ating pinagsaluhan kahapon, May 22, kasama ang ating mga mahuhusay at ipinagmamalaking atletang Romblomanon na kalahok sa Palarong Pambansa 2026. Kasama rin natin sina Cong. Budoy Madrona, Vice Governor Arming Gutierrez, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at mga alkalde mula sa 17 bayan ng ating lalawigan bilang pagpapakita ng buong-pusong suporta para sa Team Romblon. Nandoon din ang DepEd Officials at coaches/trainers sa pamumuno ni SDS Roger Capa.
Ang simpleng salu-salong ito ay sumasalamin sa pagkakaisa ng ating lalawigan at sa taos-pusong pagmamahal natin para sa ating mga kabataang atleta. Sa ating mga manlalaro, nais naming ipaabot na nandito ang buong pamunuan ng Probinsya ng Romblon na nakasuporta, naniniwala, at buong pusong nagdarasal para sa inyong tagumpay. Salamat kay Cong Budoy sa pagsponsor ng tanghalian ng Romblon delegation.
Patuloy nating pagtitibayin at palalawakin ang ating Sports Development Program upang lalo pang mahubog ang talento, disiplina, at kakayahan ng kabataang Romblomanon. Hangad nating makapagbukas pa ng mas maraming oportunidad para sa kanilang kinabukasan at mabigyan sila ng inspirasyon upang patuloy na mangarap at magsikap.
Bilang dagdag-suporta, naglaan din po tayo ng pondo para sa bawat atleta upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan habang kinakatawan nila ang ating mahal na lalawigan.
Buong puso naming ipinagmamalaki kayo, Team Romblon! Dalhin ninyo ang husay, puso, at tapang ng bawat Romblomanon. Kasama ninyo kami sa bawat laban at tagumpay.
Padayon, Team Romblon! π«Ά