23/07/2026
𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 𝗡𝗢. 𝟲
Issued: 6:00 AM | 23 July 2026
Ayon sa PAGASA General Flood Advisory No. 6, inaasahan ang light to moderate rains and thunderstorms sa susunod na 12 oras sa ilang bahagi ng BARMM.
Sa Maguindanao del Norte, patuloy na pinapayuhan ang mga residenteng naninirahan sa mga lugar na malapit sa Nituan, Dalican, at Matuber Rivers at iba pang mabababang lugar na manatiling alerto dahil sa posibilidad ng pagtaas ng lebel ng tubig dulot ng patuloy na pag-ulan.
Mga Paalala sa Publiko:
* Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather advisories at flood warnings mula sa DOST-PAGASA at PDRRMO Maguindanao del Norte.
* Mag-ingat sa mga lugar na madaling bahain, tabing-ilog, at mabababang lugar.
* Ihanda ang inyong emergency go bag at maging handa sa agarang paglikas kung kinakailangan.
* Iwasang tumawid sa mga bahaing kalsada, tulay, at ilog upang maiwasan ang aksidente.
* Sundin ang mga abiso ng inyong Local Government Unit (LGU) at mga kinauukulang awtoridad.
Patuloy na nakaantabay ang PDRRMO Maguindanao del Norte at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa mga concerned agencies at LGUs upang matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang maaaring idulot ng patuloy na pag-ulan.
Stay Alert. Stay Prepared. Stay Safe.
☎️ PDRRMO Hotline: 0993-550-0736