10/08/2026
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026 ๐ต๐ญ
Panosolen Elementary School
๐ โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyonโ ๐ค๐ต๐ญ
Buong-pusong nakikiisa ang Panosolen Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, alinsunod sa Pansangay na Memorandum Blg. 152, s. 2026 ng Sangay ng Maguindanao del Sur.
Sa buong buwan ng Agosto, sama-sama nating bibigyang-halaga, pagyayamanin, at itataguyod ang paggamit ng Wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan, kultura, edukasyon, at pakikipag-ugnayan.
Sa taong ito, tampok ang makabuluhang tema na:
โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyonโ
Layunin nating maunawaan ng ating mga mag-aaral na ang makabagong teknolohiya at Artipisyal na Intelihensiya (AI) ay maaaring maging katuwang sa pagkatuto at pananaliksik, ngunit nararapat itong gamitin nang wasto, responsable, etikal, at may pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang ating kultura at pagkakakilanlan!
Sindaw, Panosolen Elementary School! ๐ต๐ญ๐โจ