29/03/2026
Statement from the Municipality of Shariff Saydona Mustapha regarding the Ambush of Police Personnel in Shariff Aguak
Lubos naming kinokondena ang naganap na ambush laban sa mga miyembro ng Philippine National Police na naka-assign sa Provincial Police Office of Maguindanao del Sur, kung saan limang (5) magigiting na pulis ang nasawi at tatlo (3) ang sugatan.
Ang karumal-dumal at duwag na pag-atakeng ito ay isang malinaw na paglapastangan sa rule of law at sa ating mga demokratikong institusyon. Hindi lamang ito pag-atake sa ating mga kapulisan, kundi isang seryosong banta sa kapayapaan, kaayusan at seguridad ng ating bansa. Sa panahong patuloy na nagsisilbi ang ating mga law enforcement personnel para protektahan ang mamamayan, ang ganitong uri ng karahasan ay hindi katanggap-tanggap.
We call on the national government and all concerned security agencies to act with urgency, determination, and transparency in ensuring that justice is served. Dapat managot ang mga may sala - walang puwang ang impunity sa isang makatarungang lipunan. Kasabay nito, hinihikayat namin ang pagpapalakas ng security measures, intelligence coordination, at peace-building efforts lalo na sa mga lugar na itinuturing na high-risk.
Sa mga naiwang pamilya ng ating mga nasawing pulis, taos-puso kaming nakikiramay at nakikiisa sa inyong dalamhati. Ang kanilang sakripisyo ay hindi lamang para sa kanilang tungkulin, kundi para sa buong sambayanan. Hindi sila malilimutan. We honor their courage, dedication, and ultimate sacrifice in the line of duty.
Kami rin ay nananalangin para sa agarang paggaling ng mga sugatang pulis, at umaasang muli silang makakabalik sa kanilang pamilya at sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Sa gitna ng lungkot at galit, nananawagan kami sa bawat mamamayan ng probinsiya ng Maguindanao del Sur na manatiling nagkakaisa - labanan ang karahasan, itaguyod ang hustisya, at sama-samang pangalagaan ang kapayapaan sa ating bayan.
Let this tragedy strengthen our collective resolve to uphold the rule of law and to build a nation where violence has no place.
DATU SAJID ANDRE S. AMPATUAN
Mayor
Shariff Saydona Mustapha