13/09/2023
PLEASE WATCH || BAGWIS NG TIMOG MINDANAO (Kabisig sa Pagbabago)
8:00PM, September 12, 2023, Tuesday, on our Youtube Channel
Ang walang humpay na kaguluhang dulot ng mga Nipoy ay nagtulak sa administrasyong Gloria Macapagal- Arroyo sa pagdeklara ng all-out bakbakan laban sa kanila taong 2006
Kaya bilang madiskarteng kilos ng pamahalaan sa pangunguna ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, inatasan ang Hukbong Katihan ng Pilipinas na lumikha pa ng panibagong dibisyon sa Mindanao na syang tututok sa paggapi ng insurhensiya sa Davao Region at mga karatig probinsya nito kagaya ng Sarangani, South Cotabato, Province of Cotabato, Bukidnon, Surigao del Sur at Agusan del Sur.
Sa petsang ika- labing anim ng Agosto, taong 2006 ay tagumpay na itinatag ang 10th Infantry Agila Division.
Itinatag din ang 1001st Infantry “Pag-asa” Brigade na dating 404th Infantry Brigade na nasa ilalim noon ng pamumuno ng 4th Infantry “Diamond” Division
Iba pang itinatag ay ang 1002nd Infantry “Bagwis” Brigade
Kalaunan, ay itinatag din ang 1003rd Infantry “Raptor” Brigade.
Dahil ang kinatatayuan ng 601st Infantry Brigade ay naging kabilang na sa 10th Infantry Division, ang buong 601st ay nailipat sa 10th ID at ay sila ay na redesignate bilang 1002nd Infantry “Bagwis” Brigade.
👇
Ang walang humpay na kaguluhang dulot ng mga Nipoy ay nagtulak sa administrasyong Gloria Macapagal- Arroyo sa pagdeklara ng all-out bakbakan laban sa kanila ...