17/09/2026
Nitong mga nagdaang linggo at buwan, sunod-sunod ang pag-ulan at pagbaha sa Malabon. Kaya ngayong araw, dito sa House of Representatives, nakipagpulong tayo sa DPWH, MMDA, at UPMO para tingnan ang mga kailangang gawin para mas maayos ang flood response sa ating lungsod.
Pinagtuunan natin ng pansin ang mga pumping stations, drainage systems, at iba pang flood control facilities, lalo na ang mga kailangang ayusin at i-improve para mas mabilis ang paglabas ng tubig sa ating mga barangay.
Maraming salamat sa DPWH, MMDA, at UPMO sa paglalaan ng oras at pakikipagtulungan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga Malabonian.
Marami tayong kailangang gawin, at mas magiging maayos ito kung sama-sama nating haharapin. From the national government, local government, hanggang sa mga agencies na directly involved, malaking bagay ang pagtutulungan para makahanap ng mga solusyong talagang makakatulong sa Malabon.