Bids and Awards Committee - Malabon

Bids and Awards Committee - Malabon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bids and Awards Committee - Malabon, Government Official, 8/F Malabon City Hall, F. Sevilla Boulevard Brgy. Tañong Malabon City, Malabon.

18/08/2026
18/08/2026

Hindi man maiiwasang lumusong sa baha, may magagawa ka para mabawasan ang panganib ng leptospirosis.

UNA: LINISIN.
Maghugas agad gamit ang sabon at malinis na tubig. Linisin at takpan ang anumang sugat o galos.

IKALAWA: MAGPATINGIN SA HEALTH CENTER.
Huwag hintaying magkaroon ng sintomas. Magtungo sa pinakamalapit na Regular o Super Health Center ng Lungsod upang masuri ang iyong kalagayan, malaman ang susunod na hakbang at nararapat na gawin.

KUNG KAILANGAN, MAY TAMANG GABAY.
Maaaring payuhan ng health professional kung kailangan ang doxycycline bilang pang-iwas sa leptospirosis. Libre ito sa ating mga Regular at Super Health Center.

⚠️ HUWAG MANGHULA. HUWAG BASTA UMINOM NG GAMOT.

Nakalusong sa baha? Linisin. Magpa-Tingin. Alamin ang tamang hakbang. 💙




17/08/2026

📢 ANUNSYO SA PUBLIKO

WALANG ON-SITE REPORTING
WORK FROM HOME BUKAS, AGOSTO 18, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128, ipatutupad ang Alternative Work Arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong Martes, Agosto 18, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Ang mga empleyado ay magsasagawa ng trabaho mula sa kanilang tahanan (Work From Home). Dahil dito, walang on-site reporting para sa mga kawani na sakop ng work-from-home arrangement.

MALIBAN sa mga opisina at personnel na may kinalaman sa emergency at disaster response, rescue operations, health services, Civil Registry at iba pang kinakailangang frontline at essential services. Ang mga ito ay mananatiling operational upang matiyak ang agarang pagtugon at patuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

🏢Para naman sa mga pribadong tanggapan, ang work arrangement ay mananatiling nakadepende sa pasya ng kani-kanilang employer.

Paalala sa lahat: Manatiling ligtas, updated sa mga abiso ng lokal na pamahalaan, at mag-ingat sa pagbiyahe ngayong patuloy ang masamang panahon.

17/08/2026

𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | 𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝟲:𝟬𝟬 𝗔𝗠

Batay sa pinakahuling monitoring ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), narito ang kasalukuyang kalagayan ng mga lugar na nakararanas ng pagbaha sa Malabon City:

🟡 𝗣𝗮𝘀𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲 𝘁𝗼 𝗔𝗹𝗹 𝗩𝗲𝗵𝗶𝗰𝗹𝗲𝘀 (𝗣𝗔𝗧𝗩)
Pwedeng madaanan ng anumang uri ng sasakyan

📍 Catmon, Sitio 6 – 5–6 inches
📍 Concepcion, Gen. Luna Burgos St. – 5–6 inches
📍 Hulong Duhat, Don Basilio Bautista – 5–6 inches
📍 Ibaba, C. Arellano – 3-4 inches
📍 Maysilo, M.H. Del Pilar – 5–6 inches
📍 Panghulo, Silver Swan – 8 inches
📍 Potrero, C. Arellano – 5–6 inches
📍 San Agustin, Rizal Ave. – 3–4 inches
📍 San Agustin, Gen. Luna – 3–4 inches
📍 San Agustin, F. Sevilla Exit – 1–2 inches
📍 Santulan, Tatawid – 3–4 inches
📍 Tañong, Central Market – 5–6 inches
📍 Tañong, Adante – 3–4 inches
📍 Tonsuya, Sanciangco – 1-2 inches

🌊 KASALUKUYANG WATER LEVEL:

• High Tide: 1.50 meters | 2:03 AM
• Tinajeros Bridge: 11.0m | 6:00 AM
• La Mesa Dam: 79.69m (Critical Level: 80.15m)
• Angat Dam: 183.73m (Critical Level: 210m)

Patuloy ang 24/7 monitoring ng mga kaukulang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga Malabueño.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, mag-ingat sa pagbiyahe, at agad na sundin ang mga abiso ng mga awtoridad sakaling tumaas pa ang tubig.

📞 Para sa mga emergency at nangangailangan ng agarang tulong, makipag-ugnayan sa Malabon City DRRMO Command Center:

8-921-6009 | 8-921-6029 | 0942-372-9891 | 0919-062-5588

TXTMJS: 0917-889-8657

17/08/2026

Address

8/F Malabon City Hall, F. Sevilla Boulevard Brgy. Tañong Malabon City
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bids and Awards Committee - Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share