MEAL Malabon City

MEAL Malabon City Monitoring, Evaluation, Accountability and Learning Office of Malabon City

01/06/2026
01/06/2026

🌧️ WEATHER UPDATE | Tropical Cyclone | June 1, 2026

Asahan ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila, Kabilang ang Lungsod ng Malabon.

Batay sa inilabas na Impact-Based Warning No. 2 ng PAGASA, inaasahan ang patuloy na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat (Southwest Monsoon) ng Tropical Cyclone “DOMENG” mula Hunyo 1 hanggang 3, 2026 (Lunes hanggang Miyerkules). Nasa ilalim ng “Minor Impact” risk level ang Metro Manila, kabilang ang Malabon. Gayunpaman, pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto dahil maaari pa ring makaranas ng mga pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon.

💡 Patuloy na makibalita sa susunod na tropical cyclone bulletin ng PAGASA.

Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan.

Narito ang mga sumusunod na numero na maaaring tawagan kung mayroong emergency sa inyong lugar:

📞 Malabon Central Command and Communications Center
8-921-6009 / 8-921-6029
0942-372-9891 / 0919-062-5588
📞 TXT MJS
0917-689-8657/225687


31/05/2026

Mula sa Basurang Plastik, May Dagdag Kabuhayan at Tulong sa Kalikasan 💚♻️

Sa loob lamang ng isang linggong pag-iipon ng plastic na bote, mahigit ₱1,100 ang kinita ni Gng. Castor Badinas ng Brgy. Catmon, isang regular na kalahok sa programang “Sa Plastic na Basura, May Kita Ka.”

Sa bawat bote at plastik na kanyang napapakinabangan, may naidadagdag siyang pambili ng bigas para sa araw-araw habang nagbibgay ambag din para sa mas malinis na kapaligiran at pag-iwas sa pagbaha.

Ayon kay Gng. Castor, talagang malaking tulong ang programa ng lokal na pamahalaan hindi lamang sa dagdag kita ng mga residente kundi maging sa pagpapanatili ng kalinisan ng komunidad at pangangalaga sa kalikasan.



30/05/2026

MGA KASAPI NG HEALTH SECTOR AT MEDICAL COMMUNITY, MAKILAHOK SA PAGDINIG PAMBAYAN UKOL SA REGULASYON NG PWD ID

Bilang bahagi ng sektor na tumutulong sa Persons with Disability, mahalaga ang inyong pananaw sa panukalang ordinansa laban sa paggamit ng:

• Pekeng PWD ID
• Pinalsipikang ID
• Tampered ID
• Expired na PWD ID

Layunin ng ordinansa na mapanatili ang integridad ng mga benepisyong nakalaan para sa mga lehitimong PWD at maiwasan ang pang-aabuso sa sistema.

Inaanyayahan ang mga healthcare workers, clinics, hospitals, pharmacies, at iba pang bahagi ng medical community na magbahagi ng kanilang rekomendasyon at karanasan upang makatulong sa pagbuo ng mas epektibong polisiya para sa lungsod.

📅 Hunyo 1, 2026
🕐 1:00 PM
📍 Session Hall, 6th Floor, Malabon City Hall

29/05/2026
28/05/2026

Inaasahang papasok mamayang gabi o bukas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na “JANGMI.”

Tatawagin itong “DOMENG” kapag nasa loob na ng PAR.


28/05/2026

ABISO PUBLIKO 📣

Sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon, nais nating ipabatid sa ating mga magulang, mag-aaral, at g**o ang mahalagang gabay kaugnay ng pagpapatupad ng klase.

Ayon sa DepEd Order No. 022, s. 2024, wala na pong awtomatikong suspensiyon ng klase tuwing may extreme heat. Sa halip, ang desisyon para sa localized suspension ay nakasalalay sa pamunuan ng paaralan o sa Schools Division Superintendent (SDS), batay sa aktuwal na kondisyon at masusing pagtatasa ng sitwasyon.

Patuloy ang koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan sa Pamahalaang Lokal upang mabantayan ang heat index at iba pang salik na maaaring makaapekto sa kaligtasan at kalusugan ng ating mga mag-aaral at mga g**o.

Kinikilala rin natin ang kakayahan ng bawat paaralan na matukoy ang pinakaangkop na paraan ng pagkatuto para sa kanilang mga mag-aaral, kabilang ang access sa internet, gadgets, at iba pang kinakailangang kagamitan. Dahil dito, binibigyan ang mga paaralan at Division Office ng sapat na flexibility upang makapagpatupad ng ligtas at epektibong alternatibong learning modalities kung kinakailangan.

Kung sakaling kinakailangan ang suspensiyon ng face-to-face classes, maaari itong ipatupad sa pamamagitan ng modular distance learning o iba pang angkop na paraan upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng ating mga kabataan.

Hinihiling namin ang patuloy na kooperasyon at pag-iingat ng lahat. Ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral at g**o ay ating pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po.

Address

F. Sevilla Boulevard
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MEAL Malabon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share