City Assessment Department - Malabon City

City Assessment Department - Malabon City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Assessment Department - Malabon City, Government Organization, 3rd Floor, City Assessment Department, Malabon City Hall, Barangay Tañong, Malabon.

07/08/2026
06/08/2026

WALANG PASOK | Agosto 7, 2026 (Biyernes)

Mananatiling suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon bukas, Agosto 7, 2026 (Biyernes) dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) na pinalalakas ng Bagyong Maymay.

Magpapatuloy ang klase sa mga paaralan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (online classes).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsiyo at ulat panahon. Maging alerto, sundin ang mga paalala ng mga kinauukulan, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras.

Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong 8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588. Maaari rin kayong mag-text sa TXTMJS sa 0917-889-8657.




06/08/2026

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to- face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon bukas, Biyernes, Agosto 7, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) na pinapalakas ng Bagyong Maymay.

Magpapatuloy ang klase sa mga paaralan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (online classes).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong 8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588. Maaari rin kayong mag-text sa TXTMJS sa 225687 o 0917-889-8657.

06/08/2026

🤱💙 ANG GATAS NG INA, PINAKAMAINAM NA SIMULA SA BUHAY

Ang gatas ng ina ang unang regalo ng pagmamahal at kalusugan na maibibigay sa isang sanggol. Taglay nito ang kumpletong sustansya at natural na proteksyong kailangan upang lumaking malusog, matatag, at handa sa magandang kinabukasan.

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Month ngayong Agosto at World Breastfeeding Week, na may temang "Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works." Layunin nitong palakasin ang suporta sa mga inang nagpapasuso at ipaalala ang kahalagahan ng gatas ng ina bilang pinakamainam na simula sa buhay ng bawat sanggol.

Sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, patuloy na pinalalawak ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga serbisyong nagtataguyod sa kalusugan ng mga ina at sanggol. Kabilang dito ang regular na check-up para sa mga buntis at bagong panganak, breastfeeding counseling, at ang Human Milk Bank ng Ospital ng Malabon (OSMAL), kung saan maaaring makakuha ng libreng donor human milk ang mga kwalipikadong sanggol. Maaari ring lumapit sa inyong doktor o sa pinakamalapit na health center para sa gabay at suporta sa pagpapasuso.

Kapag suportado ang isang ina, mas nagiging malusog ang bawat sanggol at mas matatag ang kinabukasan ng bawat pamilyang Malabueño. 💙

05/08/2026

WALANG PASOK | Agosto 5, 2026 (PANGHAPONG KLASE)

Ayon sa direktiba ni Mayor Jeannie Sandoval, suspendido ang face-to-face classes sa hapon sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon ngayong Miyerkules, Agosto 5, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) na pinalalakas ng Bagyong Maymay.

Magpapatuloy ang klase sa mga paaralan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (online classes).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsiyo at ulat panahon. Maging alerto, sundin ang mga paalala ng mga kinauukulan, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras.

Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong 8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588. Maaari rin kayong mag-text sa TXTMJS sa 0917-889-8657.




05/08/2026

📣Mga taga-Brgy. Tugatog at mga kalapit na barangay, pagkakataon na para kumita habang tumutulong sa pangangalaga ng kalikasan!

Dalhin ang inyong mga PET bottles at ipagpalit ito ng dagdag na kita sa programang "Sa Plastik na Basura, May Kita!"

🗓 Agosto 6, 2026 (Huwebes)
📍 Brgy. Tugatog Covered Court
🕗 8:00 AM – 12:00 NN

💰 Presyo kada kilo:
• Clear PET Bottles – ₱21.00
• Blue PET Bottles – ₱10.00
• Green PET Bottles – ₱10.00
• PET Bottle Ring/Cap – ₱20.00
• PET Bottle Label – ₱7.50

Hindi na kailangang lumayo para makiisa sa programa. Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Maglinis ng kapaligiran, mag-recycle, at magkaroon ng dagdag na kita para sa pamilya.

May kita na, nakatulong pa sa mas malinis na Malabon! 💙





04/08/2026

🗣 ISANG WIKA, MILYUN-MILYONG KUWENTO

May isang wikang nag-uugnay sa ating mga kuwento, nagpapalapit sa bawat Pilipino, at nagsisilbing tulay ng kaalaman mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Ito ang Wikang Filipino, buhay sa ating pang-araw-araw na pakikipag-usap, pagkatuto, at paglilingkod sa kapwa.

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, na naglalaan ng buong buwan ng Agosto para sa pagpapahalaga at pagpapaunlad ng ating wikang pambansa.

Sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," binibigyang-diin ang mahalagang papel ng Wikang Filipino sa panahon ng makabagong teknolohiya. Habang patuloy na umuunlad ang AI, nananatiling mahalaga ang ating wika sa pagbibigay ng tamang kahulugan, konteksto, at pagkakakilanlan sa impormasyong ating natatanggap at ibinabahagi.

Patuloy nating gamitin, pahalagahan, at pagyamanin ang Wikang Filipino. Sapagkat sa bawat salitang ating binibigkas at isinusulat, buhay ang ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang Pilipino.

💙 Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa, mga Malabueño!

03/08/2026

Address

3rd Floor, City Assessment Department, Malabon City Hall, Barangay Tañong
Malabon
1407

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Assessment Department - Malabon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share