05/04/2023
๐๐ข๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ข๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ง๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ!
Namahagi ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials ang City Nutrition Office para sa bawat barangay health center sa lungsod ng Malabon.
Ang mga IEC materials ay tumutulong sa pagpapalaganap ng kapaki-pakinabang na impormasyon sa diyeta, nutrisyon, at kalusugan, na nagpapahintulot sa mga residente ng Lungsod ng Malabon na magkaroon ng kamalayan tungkol sa partikular na mga gawi sa kalusugan at ituwid ang maling impormasyong maaaring nakuha sa internet.
Katuwang ng CNO ang mga Barangay Nutrition Scholars at mga estudyante ng Work Immersion course ng Tinajeros National High School sa mano-manong pagbibilang at paghahanda ng mga libo-libong IEC materials.