City of Malabon General Services Department

City of Malabon General Services Department Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City of Malabon General Services Department, Public & Government Service, F. Sevilla Boulevard, Malabon.

04/09/2026

๐ŸŽ“๐Ÿ’™ MAS MALINAW NA DIREKSYON PARA SA PANGARAP NA CAREER

Para kay Kristine Pitalbo, Grade 10 student ng Taรฑong Integrated School, nakatulong ang Career Development Program upang mas makita niya ang mga oportunidad na maaaring tahakin mula sa strand na kanyang pipiliin.

Sa pamamagitan ng mga gabay at impormasyong ibinahagi sa programa, mas naging malinaw sa kanya ang mga posibilidad sa ABM at ang paghahandang kailangan para sa career na nais niyang maabot.

โ€œDati ko na pong gustong maging accountant, at dahil sa programa, mas naging malinaw sa akin ang mga oportunidad sa ABM at ang career na gusto kong paghandaan.โ€

Para kay Kristine, malaking bagay ang pagkakaroon ng tamang gabay habang maaga upang mas maging handa at determinado sa mga susunod na hakbang tungo sa kanyang pangarap. ๐Ÿ’™


04/09/2026
04/09/2026
03/09/2026

๐Ÿ” IWAS-NAKAW: ISANG SAGLIT NA PAGKALINGAT, MAAARING MAGING MALAKING ABALA

Minsan, saglit lang nating naiiwan ang cellphone sa mesa, nakabukas ang bag habang naglalakad, o nakakalimutang i-check kung maayos ang pagkakandado ng bahay. Maliit na bagay sa tingin, pero maaari itong maging pagkakataon para sa pagnanakaw.

Kaya ngayong National Crime Prevention Week, paalala ng Malabon City Police Station na ugaliing bantayan ang sariling gamit at maging alerto sa paligid, lalo na sa matataong lugar.

๐Ÿ“ฑ Ilagay ang cellphone, wallet, at mahahalagang gamit sa ligtas na bahagi ng bag o bulsa.
๐Ÿ‘€ Iwasang maging sobrang abala sa cellphone habang nasa labas.
๐Ÿ  Tiyaking maayos ang pagkakandado ng bahay, sasakyan, o establisyimento bago umalis.
๐Ÿ”’ Huwag iwanang nakalantad o walang bantay ang mga bagay na madaling makuha.

Hindi natin kontrolado ang kilos ng ibang tao, pero may mga simpleng pag-iingat tayong maaaring gawin upang maprotektahan ang sarili, pamilya, at mga bagay na pinaghirapan natin.

Maging maingat. Maging mapagmatyag, Malabueรฑo. ๐Ÿ’™

Kung may kahina-hinalang gawain o insidenteng kailangang i-report, makipag-ugnayan agad:

๐Ÿ‘ฎ Malabon City Police Station
0998-598-7864

๐Ÿ“ž Malabon City DRRMO Command Center
8-921-6009
8-921-6029
0942-372-9891
0919-062-5588

๐Ÿ“ฑ TXTMJS
0917-889-8657

03/09/2026

Address

F. Sevilla Boulevard
Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of Malabon General Services Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City of Malabon General Services Department:

Shortcuts

Share