Katipunan Student Movement CCJE

Katipunan Student Movement CCJE KASAMA BulSU CCJE is one of the local chapters of Katipunan Student Student Movement - Bulacan State

PANININDIGAN PARA SA KARAPATAN NG MGA MAG-AARAL NG KRIMINOLOHIYA!Ang Kolehiyo ng Edukasyon sa Hustisyang Pangkriminalida...
29/08/2026

PANININDIGAN PARA SA KARAPATAN NG MGA MAG-AARAL NG KRIMINOLOHIYA!

Ang Kolehiyo ng Edukasyon sa Hustisyang Pangkriminalidad o CCJE ay binubuo ng dalawang departamento—Legal Management at Criminology. At hindi ito tunay na buo kung ilalayo ang isa rito.

Matagal nang naging bahagi at nagsilbi ang mga mag-aaral ng Criminology bilang mga paa ng CCJE—nakikibahagi sa iba’t ibang programa at aktibidad, hindi lamang para sa mga BulSUans kundi maging sa iba’t ibang komunidad sa ating lipunan.

Ngunit paano maipagpapatuloy ang paglalakad ng paglilingkod nang buong husay sa iba’t ibang komunidad ang isang kolehiyo kung tuluyang puputulin ang isang paa nito?

Sa darating na panibagong akademikong taon, tuluyan nang ipatutupad ang flagship program, kung saan may mga espesipikong programang itatalaga sa partikular na mga campus—tulad ng College of Nursing sa San Rafael Campus, at ang bumubuo naman sa CCJE, ang Criminology, ay sa Hagonoy Campus.

Ngunit ang pag-aalis ng isang matagal nang umiiral na programa sa isang campus ay hindi dapat maging pangunahing aksyon at solusyon sa kakulangan ng pasilidad o iba pang dahilan ng paglilipat. Hindi rin dapat isantabi ang mga epekto nito sa mga mag-aaral—mula sa dagdag na gastusin at oras sa pagbiyahe, accessibility ng edukasyon, hanggang sa pag-aadjust sa panibagong campus at mga pasilidad. Para sa ilang estudyante, ang ganitong pagbabago ay maaaring maging dagdag na pasanin at maging hadlang sa kanilang pagpapatuloy ng pag-aaral.

Ang sagot ay hindi ang pagbabawas ng oportunidad para sa mga mag-aaral, kundi ang paghahanap ng solusyong tumutugon sa kakulangan nang hindi isinasakripisyo ang kanilang kapakanan at karapatan sa edukasyon. Kung pasilidad at resources ang problema, dagdagan at paunlarin ang mga ito—hindi ilipat ang pasanin sa mga estudyante.

Ang panawagan natin sa Gobyerno at sa Administrasyon ay malinaw: kalidad na edukasyon, sapat na suporta, at pakikinig sa boses ng mga mag-aaral.

Dapat dagdagan ang pondo para sa edukasyon, hindi limitahan ang oportunidad ng kabataan. Ang mga desisyong direktang nakaaapekto sa kinabukasan ng mga mag-aaral ay dapat nakabatay sa kanilang kapakanan, pangangailangan, at karapatan.

At higit sa lahat, hindi dapat nakokompromiso ang edukasyon dahil sa kakulangan ng badyet—lalo na kung ang pondong dapat sana’y para sa serbisyo publiko ay napupunta lamang sa bulsa ng iilan.

Pondo para sa edukasyon, hindi para sa korapsyon.

Para sa Criminology students. Para sa CCJE. Para sa karapatan sa edukasyon.



26/07/2026
26/07/2026

Sa pagdalo ng KASAMA-BulSU kasama ang Alyansa Tigil Mina (ATM), SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan, LILAK (Purple Action for Indigenous Women’s Rights), SANLAKAS at iba pang mga organisasyon sa Taumbayan Live Episode 12 ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) noong July 24, pinabatid ni Selwyn Almeida mula KASAMA-BulSU, na ang Pax Silica ay hindi lamang usapin ng “AI development” kundi usapin ng karapatang pantao, kabuhayan, at kinabukasan ng mga mamamayan.

Aniya, tinatayang 92 pamilya ang maaaring ma-displace sa pagtatayo ng AI Centers sa Tarlac, habang ang epekto nito ay hindi lamang mararamdaman sa lalawigan kundi sa buong Central Luzon at maging sa buong bansa—sa anyo ng mas mataas na konsumo sa enerhiya, posibleng rotational brownouts, pagtaas ng singil sa kuryente, at mga panganib na dulot ng industrial waste.

Kasabay nito, isinalaysay rin ni Almeida ang mga agarang panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang lumalalang krisis sa bansa sa pamamagitan ng pagtaas ng badyet sa edukasyon, pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon, pagsusulong ng nakabubuhay na sahod at pagwawakas sa kontraktuwalisasyon, pagbuwag sa NTF-ELCAC at pagtigil sa red-tagging at iba pang anyo ng panunupil, at pagsasabatas ng tunay na reporma sa lupa upang maprotektahan ang mga magsasaka, katutubo, at mga komunidad na nanganganib mapalayas dahil sa mga proyektong tulad ng Pax Silica.

Hindi dapat maging sacrificial zone ang Bulacan, Tarlac, at iba pang komunidad para sa dayuhang interes.

Lumagda sa petisyon laban sa Pax Silica:
change.org/shutdown-pax-silica

25/07/2026

Mula sa hanay ng mga IskoNars ng Bayan: CON Stay on Main! BOR, dinggin ang panawagan ng masang estudyante!

Ngayong nalalapit na naman ang online application para sa BulSU freshmen aspirants, mas tumitindi rin ang panawagan ng mga IskoNars ng Bayan na pakinggan ang kanilang hinaing. Isang tunay na libre, dekalidad, at aksesibol na edukasyon para sa lahat. Ngunit paano ito maisasakatuparan kung may ilang kolehiyo pa rin ang patuloy na napag-iiwanan?

Ayon sa Implementing Rules and Regulations ng Revised Bulacan State University Charter, malinaw na nakasaad ang mandato ng unibersidad na magtalaga ng flagship programs sa external campuses. Ngunit, ayon din dito, ito ay dapat na nakabatay sa masusing pag-aaral, konsultasyon sa direktang naaapektuhan, at angkop sa prayoridad ng unibersidad.

Kung susuriin, tunay nga bang isinagawa ang mga ito? Nagkaroon nga ba ng pag-aaral at konsultasyon bago ito inimplementa? Dahil kung konsultasyon lang naman, malinaw na sinasabi ng isinagawang petition ng College of Nursing Local Student Council taong 2025 na karamihan sa mga IskoNars ng Bayan ay nais manatili ang CON sa Main Campus gawa ng kalidad na edukasyon na natatamasa nila rito, bagay na sinusuportahan ng resulta ng mga nakalipas na Philippine Nursing Licensure Examination (PNLE) ng College of Nursing.

Hindi kami tutol sa pagpapalawak, ngunit panawagan namin na panatilihin ito sa Main Campus upang ang programang Bachelor of Science in Nursing ay manatiling aksesibol at direktang tumutugon sa pangangailangan ng bansa pagdating sa sektor ng kalusugan.

Ang landas tungo sa pagiging isang nars ay hindi isang simpleng bagay. Nangangailangan ito ng sapat na pundasyon upang makapagsilbi nang may sapat na karunungan at malasakit sa kapwa.

Gawa ng isyu na kinakaharap ng mga nars sa bansa tulad ng palpak na paglalaan ng pondo para sa mas mataas na sahod, hiling namin na patuloy itong kunin ng marami pang kabataan bilang isang propesyon. At kaakibat ng hiling na ito, nais din namin ang sapat na pondo sa pamantasan para sa paghubog pa ng mas maraming Nars ng Bayan. Hindi kailanman pagsasayang ito ng pondo kung ang kapalit naman nito ay ang marami pang susunod na mga nars na hinubog ng karunungan at pagmamalasakit sa bayan.

Muling iginigiit ng mga IskoNars ng Bayan ang kanilang karapatan para sa maka-estudyante na edukasyon. Hamon namin sa BOR, pakinggan ang Kolehiyo ng Narsing at ng iba pang sektor sa pamantasan. Panatilihin ang BSN program sa Main Campus, habang pinapabuti pa ang pagpapalawak ng programa sa San Rafael Campus. Suriin mabuti ang reyalidad na nararanasan sa parehong kampus, at kilalanin ang karapatan ng bawat BulSUan para sa isang makatarungang edukasyon.

Panahon na upang kolektibo nating isaalang-alang ang kapakanan ng masang estudyante.

BOR, dinggin ang aming panawagan! CON Stay on Main! Expansion and Retention of the Bachelor of Science in Nursing in both campuses!



23/07/2026

What the PAX is this all about!?

Umingay ngayong taon ang naturang kasunduan ng Estados Unidos at Pilipinas para gawing sentro ng Artificial Intelligence (AI) industry ang ating bansa, ngunit kasabay nito ay ang malaking banta sa ating kalikasan at soberanya.

Hindi tayo laban sa teknolohiya o anumang pag-unlad. Ang tinututulan natin ay ang pag-unlad na dayuhan lamang ang pangunahing nakikinabang, habang ang ating mamamayan at kalikasan ang nagsasakripisyo at naiiwang tunay na dehado.

Kaya sumama sa ating panawagan. Ibasura ang Pax Silica! Dahil, NakakaPAXsh*t na!

Lumagda sa petisyon.
🔗: change.org/shutdown-pax-silica

Lumahok sa KASAMA BulSU!
🔗: tinyurl.com/KASAMA26-JOINNOW

𝗟𝘂𝗺𝗮𝗴𝗱𝗮. 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮. 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻.



21/07/2026

NAKAKA𝗣𝗔𝗫SH*T NA PAX SILICA!

Habang ibinebenta ng administrasyong Marcos Jr. ang Pax Silica bilang simbolo ng "pag-unlad" at "AI innovation," ang tunay na kabayaran nito ay maaaring ang pagkawala ng lupa, kabuhayan, at kinabukasan ng mga ordinaryong Pilipino.

Sa planong pagtatayo ng AI-Native Industrial Acceleration Hub sa New Clark City, nanganganib na maalis sa kanilang lupang sinasaka ang mga magsasaka at iba pang komunidad na matagal nang umaasa rito para sa kanilang kabuhayan. Kapag nawala ang lupa, hindi lamang kabuhayan ang mawawala—kasama rito ang seguridad sa pagkain, dignidad ng paggawa, at karapatan ng mga mamamayan sa sariling lupain.

Ngunit hindi lamang ang mga komunidad sa Tarlac ang maaapektuhan. Ang napakalaking konsumo ng AI hubs sa tubig at kuryente ay maaaring magpalala sa kakulangan ng mga batayang serbisyo at magdagdag ng presyur sa ating power grid lalo na sa Bulacan. Sa huli, ang karaniwang Pilipino ang maaaring magbayad sa pamamagitan ng mas mataas na singil sa kuryente, mas malaking kompetisyon sa suplay ng tubig, at patuloy na pagtaas ng halaga ng pamumuhay.

Sa halip na gamitin ang ating yamang mineral upang paunlarin ang sariling industriya ng bansa, muli tayong itinutulak bilang tagasuplay ng hilaw na materyales habang ang pinakamalaking kita ay napupunta sa mga dayuhang korporasyon.

Ang paglagda sa petisyong ito ay panawagan upang:
• Ibasura ang implementasyon ng Pax Silica!
• Protektahan ang mga magsasaka, katutubo, at iba pang komunidad na maaapektuhan;
• Pangalagaan ang ating likas na yaman at kapaligiran;
• Isulong ang isang pambansang industriyalisasyon na ang pangunahing nakikinabang ay ang sambayanang Pilipino;
• Managot ang administrasyong Marcos Jr. sa patuloy nitong pagpapakatuta sa dayuhan at sa interes ng mga elit na korporasyon.

Ibasura ang Pax Silica! Dahil, NakakaPAXsh*t na!
Lumagda sa petisyon. Makiisa. Manindigan.
🔗: change.org/shutdown-pax-silica

Lumahok sa KASAMA BulSU!
🔗: tinyurl.com/KASAMA26-JOINNOW



20/07/2026

PANAWAGAN PARA SA COMPREHENSIVE AT GENUINE CONSULTATION SA PROPOSED EVIDENCE-BASED GRADING SYSTEM

Ngayong Hulyo 20, 2026, pormal na isinumite ng Katipunan Student Movement (KASAMA-BulSU) ang position paper sa SPDO at EDO na nananawagan sa Pamunuan ng Bulacan State University na magsagawa ng tunay, malinaw, pampubliko, at may pananagutang university-wide consultation bago ipatupad sa buong pamantasan ang ipinanukalang Evidence-Based Grading System.

Ang panawagang ito ay nagmumula rin sa naging karanasan ng mga BulSUan sa pagpapatupad ng Zero-Based Grading System, na sa kabila ng malawak nitong epekto sa mga estudyante at g**o ay hindi dumaan sa sapat, inklusibo, at epektibong konsultasyon sa mga pangunahing sektor ng pamantasan. Dahil dito, maraming agam-agam, kalituhan, at suliraning lumitaw sa implementasyon ng naturang sistema, na ngayon ay lumilitaw rin muli noong Ipinost ng Academic Affairs Committee ang post patungkol sa Evidence-Based Grading System.

Malinaw ang paninindigan ng KASAMA: sinusuportahan nito ang pag-abolish ng Zero-Based Grading System kung ito ay mapatutunayang hindi na nagsisilbi sa interes ng mga BulSUan, at ang anumang sistemang ipapalit dito ay hindi dapat maipatupad nang minamadali o walang sapat na partisipasyon ng academic stakeholders. Ang tunay na reporma ay hindi lamang nasusukat sa nilalaman ng isang polisiya, kundi sa demokratikong prosesong pinagdaraanan nito.

Kaugnay nito, nananawagan ang KASAMA na:
1. Magsagawa ng malawak, inklusibo, at makabuluhang konsultasyon sa lahat ng sektor ng pamantasan.,
2. Ilabas sa publiko ang kumpletong implementing guidelines, batayang pag-aaral, at iba pang kaugnay na dokumento ng ipinanukalang Evidence-Based Grading System; at
3. Ipagpaliban ang anumang pagpapatupad nito hangga’t hindi natatapos ang komprehensibong konsultasyon at hindi tunay na naririnig ang tinig ng mga pangunahing maaapektuhan nito.

Naninindigan ang KASAMA na ang konsultasyon ay hindi dapat maging formality lamang, kundi isang tunay na demokratikong proseso kung saan ang opinyon, karanasan, at rekomendasyon ng mga estudyante, g**o, at kawani ay may tunay na bigat sa paghubog ng mga polisiyang kanilang isasabuhay.

PANAGUTIN ANG MGA KORAP!AMENAH PANGANDAMAN, IMBESTIGAHAN!Sa gitna ng panawagan ng sambayanan na papanagutin ang mga nasa...
13/07/2026

PANAGUTIN ANG MGA KORAP!
AMENAH PANGANDAMAN, IMBESTIGAHAN!

Sa gitna ng panawagan ng sambayanan na papanagutin ang mga nasa likod ng malawakang katiwalian sa flood control funds, nakapanlulumong makita na si dating DBM Secretary Amenah Pangandaman ay iniluklok bilang Chairperson at CEO ng Al-Amanah Islamic Investment Bank. Sa halip na isang malaya, mabilis, at transparent na imbestigasyon, tila gantimpala pa ang ibinibigay sa mga opisyal na nasasangkot sa mga seryosong usapin ng korupsyon.

Bilang Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) sa panahon ng lumutang ang Flood-control scams, mahalagang papel ang ginampanan ni Pangandaman sa paghahanda at pagpapatupad ng pambansang badyet, kabilang ang paglalabas ng pondo para sa mga programang pang-imprastraktura. Dahil dito, naging bahagi siya ng mga pampublikong usapin at alegasyon kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa flood control spending.

Hanggang ngayon, nananatiling hinihingi ng mamamayan ang buong katotohanan at pananagutan. Hindi sapat ang pagpapalit lamang ng posisyon habang nananatiling hindi nasasagot ang mga tanong ng taumbayan. Imbis na pananagutan ang ibigay, ay promosyon o reward pa nga ang ginagantimpala sa mga dawit sa korap!

Habang nalulubog ng baha ang mga komunidad at nalulubog ang kabuhayan ng mamamayan lalo na sa Bulacan, malinaw na hindi lamang kalikasan ang may sala—kasabwat din ang sistemang inuuna ang korupsyon kaysa kaligtasan ng mamamayan. Ang bawat pisong ninakaw sa flood control ay katumbas ng buhay na isinugal, tahanang inanod, at kinabukasang ipinagkait.

Malapit na ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Hindi namin hahayaang maging isa na namang entablado ito ng mga magagarbong pangako habang nananatiling ligtas ang mga pinaghihinalaang responsable sa pagwaldas ng pondo ng bayan. Hindi sapat ang maglatag ng mga numero at proyekto. Ang sigaw ng bayan ay malinaw: panagutin ang mga korap, kasama na mismo ang iyong sarili BongBong Marcos!

Kasama sa panawagang ito ang isang independiyente, transparent, at komprehensibong imbestigasyon sa lahat ng opisyal na may kaugnayan sa umano’y anomalya sa flood control funds, kabilang si Amenah Pangandaman. Kung tunay na may malasakit sa bayan at sa integridad ng mga institusyon ng gobyerno, nararapat lamang na bumaba siya sa kanyang kasalukuyang puwesto habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.

Walang puwang ang impunidad sa gitna ng lumalalang kahirapan. Walang puwang ang promosyon para sa mga opisyal na may mabibigat na tanong na dapat sagutin. Hangga’t walang tunay na pananagutan, mananatiling lubog ang anumang pangako ng “bagong Pilipinas.”

AMENAH PANGANDAMAN, IMBESTIGAHAN!
Bongbong Marcos, DINGGIN MO ANG SIGAW NG TAUMBAYANG LUBOG SA BAHA! MAGRESIGN KA NGANI!

KUNDENAHIN ANG PANLILINLANG, IBALIK ANG GANAP NA KARAPATAN NG MGA ESTUDYANTE SA DIREKTANG PAGPILI NG KANILANG STUDENT RE...
08/06/2026

KUNDENAHIN ANG PANLILINLANG, IBALIK ANG GANAP NA KARAPATAN NG MGA ESTUDYANTE SA DIREKTANG PAGPILI NG KANILANG STUDENT REGENT!

Sa halip na palawakin at patatagin ang demokratikong partisipasyon ng mga mag-aaral, lumilitaw na isinusulong sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan ni Guilty Roshan Reyes na may kaugnayan sa kasong “Falsification of Documents”, ang mga mekanismong naglilimita sa tunay at direktang kapangyarihan ng mga estudyante sa pagpili ng kanilang kinatawan bilang Student Regent (SR).

Anong uri ng representasyon ang mayroon kung ang mga mag-aaral ay kinokonsulta lamang ngunit ang kanilang kolektibong pasya ay hindi naman nagiging determinative o may bisa sa proseso ng pagpili ng SR? Sa ganitong kalakaran, ang partisipasyon ay nagiging pormalidad lamang: isang konsultasyong walang epekto sa aktwal na desisyon. Ito ay salungat sa esensya ng demokratikong pamamahala na nakasalig sa tunay na partisipasyon, transparency, at pananagutan sa ating nasasakupan.

Ang mga Local Student Councils (LSCs) at Supreme Student Council (SSC), bilang kinatawan ng kanilang mga constituents, ay nararapat magsilbing tagapagdala ng malinaw at direktang mandato ng mga mag-aaral, hindi bilang institusyon na naglilimita, nagfi-filter, o nagpapalabnaw sa kolektibong kagustuhan ng kanilang hanay. Ang konsultasyon, sa ilalim ng mga demokratikong pamantayan, ay hindi sapat kung wala itong obligasyong kilalanin at ipatupad ang resulta ng kolektibong pagpapasya.

Alinsunod sa mga prinsipyong nakapaloob sa karapatang makilahok sa pamamahalang pang-institusyon (2024 SG CBL), ang demokratikong proseso ay hindi natatapos sa paghingi ng opinyon; ito ay nagkakabisa lamang kapag ang mga pangunahing stakeholder, sa kontekstong ito ay ang mga estudyante ay may direkta, makabuluhan, at may bisa na partisipasyon sa pagpili ng susunod na Rehente ng Mag-aaral.

Kaya’t malinaw ang tanong kay Roshan Reyes:

Kung tunay na itinataguyod ang transparency, accountability, at participatory governance, bakit hindi maipagkaloob sa mga mag-aaral ang karapatan sa direktang pagpili ng kanilang Student Regent? Bakit ang proseso ay nananatiling nakasandig sa konsultasyong walang garantiyang pagsasaalang-alang sa kolektibong desisyon ng mga estudyante, sa halip na isang direktang electoral mechanism?

Ang inilabas na “Special Memorandum” na nakabatay lamang sa konsultatibong pagkuha ng tanong ay hindi sapat upang kilalanin bilang ganap na demokratikong representasyon, sapagkat hindi nito ginagarantiyahan ang substantive participation ng mga estudyante sa aktwal na decision-making process.

Ang Student Regent ay hindi dapat ituring bilang representasyon ng iilang opisyal, partikular na paksyon, o limitadong sektor. Siya ay dapat na produkto ng malinaw, direktang, at lehitimong mandato mula sa kabuuang populasyon ng mga mag-aaral.

Sa ganitong diwa, ang karapatan ng mga estudyante sa direktang partisipasyon sa pagpili ng kanilang kinatawan ay hindi pribilehiyo. Ito ay isang demokratikong karapatan na dapat kilalanin, igalang, at isabuhay.

Kaya’t para sa BulSUOne:

Susuportahan ba natin ang ganap at substantibong demokratikong partisipasyon ng mga mag-aaral? O hahayaan nating patuloy na lumiit ang espasyong demokratiko sa loob ng pamantasan sa pamamagitan ng mga prosesong kulang sa tunay na representasyon?

Ang katahimikan sa ganitong usapin ay pagkakasala. Ito ay tahimik na pagpayag sa unti-unting pagkitid ng demokratikong espasyo ng bawat Iskolar ng Bayan. Hindi lamang tungkol sa proseso ng pagpili ng susunod na Student Regent; ito ay usapin ng lehitimong pinagmumulan ng kapangyarihan sa loob ng institusyon.

Ang aming paninindigan ay nananatiling matatag:

IBALIK ANG KAPANGYARIHAN SA MGA ESTUDYANTE. ITIGIL ANG MGA PROSESONG WALANG SUBSTANTIVE DEMOCRATIC BASIS. TANGGALIN ANG HADLANG SA DIREKTANG PARTISIPASYON NG BULSUANS SA PAGPAPASIYA.

Address

Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katipunan Student Movement CCJE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share