BulSU Students' Rights and Welfare

Call Contact the organization

BulSU Students' Rights and Welfare Paglingkuran ang Bayan, Para sa Mapagpalayang Karapatan! It attends to the grievances of the students and aims to establish a peaceful settlement.

The Students' Rights and Welfare (SRW) Committee aims to protect and uphold the rights and welfare of every BulSUans, and advocate changes both inside and outside Bulacan State University through resolutions and inquiries in aid of legislation. Responsibilities:
1. Entertain the grievances of the students and provide for guidelines in handling student
cases
2.Endorse the complaints of the students to the proper university authorities and defend the
student’s side together with the SSC President provided that probable cause is determined.
3. Propose infrastructure developments based on the findings of the Research and
development Committee

Email us at: [email protected]

PEOPLE'S STRUGGLE COMMITTEE ❤️‍🔥✊Ang magsusulong ng mga adbokasiya at mga usaping panlipunan na lalong magpapalawak sa p...
26/09/2026

PEOPLE'S STRUGGLE COMMITTEE ❤️‍🔥✊

Ang magsusulong ng mga adbokasiya at mga usaping panlipunan na lalong magpapalawak sa partisipasyon ng mga mag-aaral.

Ang People's Struggle Committee ay itinatag upang magsilbing pangunahing komite na nagsusulong ng kamalayang panlipunan, pakikiisa, at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga usaping may kinalaman sa kapakanan ng iba't ibang sektor ng lipunan.

Naniniwala ang komite na ang pamantasan ay hindi lamang lugar para sa paglinang ng kaalaman, kundi isang espasyo rin upang mahubog ang mga estudyanteng may malasakit, mapanuri, at handang tumugon sa mga suliraning kinahaharap ng komunidad.



TALISIK 2026: MALAYA ANG MULAT, MAPAGPALAYA ANG NAGPAPAMULAT 🕯️‎‎Naidaos ang TALISIK: Martial Law Commemoration 2026, na...
25/09/2026

TALISIK 2026: MALAYA ANG MULAT, MAPAGPALAYA ANG NAGPAPAMULAT 🕯️
‎
‎Naidaos ang TALISIK: Martial Law Commemoration 2026, na pinangunahan ng Students’ Rights and Welfare Committee (SRW) sa pamamagitan ng Silent Parade at Candle Lighting bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng Batas Militar.
‎
‎Binigyang-puwang din ng iba't ibang organisasyon at publikasyon ang paggunita at pagpapaabot ng kanilang mensahe ng pakikiisa, gayundin ang mga akdang nagsisilbing alaala at nagpapaalala sa mga karahasan at paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Marcos.
‎
‎Sa patuloy na pakikiisa, lagi nating panatiliing buhay ang mga ang kasaysayan at pakikibaka ng bawat isa.
‎
‎Ang mulat na Iskolar ng Bayan ay kailan man hindi na muling pipikit. ✊🏻

📸: Joyce Bartolome
‎
‎
‎
‎
‎
‎
‎

ANG TALISIK NG PAGGUNITA, ANG APOY NG PAG-ALALASa Setyembre 24, makiisa tayo sa TALISIK: SRW Martial Law Commemoration 2...
23/09/2026

ANG TALISIK NG PAGGUNITA, ANG APOY NG PAG-ALALA

Sa Setyembre 24, makiisa tayo sa TALISIK: SRW Martial Law Commemoration 2026—isang paggunita sa mga biktima ng Batas Militar at pagpapatuloy ng panawagan para sa katarungang hanggang ngayon ay hinihintay ng mga desaparecidos, mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, at kanilang mga pamilya.

Sa gitna ng paglaganap ng historical revisionism at pagbabaluktot sa mga nagdaang pangyayari, tungkulin nating panatilihing buhay ang alaala ng mga taong dumanas ng paglabag sa karapatan, pang-aabuso, at karahasan sa ilalim ng diktadura.

Inaanyayahan ang bawat kolehiyo na magdala ng larawan ng mga biktima, mga panawagan, at kandila. Sa bawat pangalang ating babanggitin at kandilang ating sisindihan, ating ipinapaalala: may mga buhay na hindi dapat burahin, at may mga kuwentong hindi dapat kalimutan.

📅 SEPTEMBER 24, 2026
🕒 3:00 PM — Assembly
🚶 3:20 PM — Silent Walk to Heroes Park
🕯️ 3:30 PM — Prayer Vigil

Para sa mga nawala. Para sa mga naiwan. Para sa katotohanan at katarungan. Hindi mababaluktot ang nakaraan sa mulat na lipunan. ✊🏻


‎
‎
‎

HINDI NATATAPOS SA ISANG PAGKILOS ANG PANININDIGAN! ✊Sa isinagawang BulSU Campus Walkout, sama-samang kaiisa ang mga Bul...
21/09/2026

HINDI NATATAPOS SA ISANG PAGKILOS ANG PANININDIGAN! ✊

Sa isinagawang BulSU Campus Walkout, sama-samang kaiisa ang mga BulSUans upang gunitain ang ika-54 na anibersaryo ng Batas Militar at magpahayag ng paninindigan sa mga isyung patuloy na kinakaharap ng kabataan at ng mamamayan.

Sa sama-samang paglalakad, pagbigkas ng mga panawagan, at pagbabahagi ng tinig, ipinakita ng mga Iskolar ng Bayan na buhay ang kamalayan ng kabataan at may lakas itong makiisa sa mga usaping panlipunan.

Para sa Students’ Rights and Welfare Committee, ang pagkilos ay bahagi ng pagtataguyod ng karapatan, kapakanan, at kalayaan ng bawat BulSUan. Ang pakikilahok sa mga usaping panlipunan ay pagkilala na ang karapatan ng estudyante ay hindi hiwalay sa mga nangyayari sa loob at labas ng pamantasan.

Ngunit hindi nagtatapos sa Campus Walkout ang ating paninindigan.

Patuloy tayong maging MALAY, MALAYA AT MAPAGPALAYA. Patuloy na makialam, makiisa, mag-organisa, at manindigan para sa karapatan at kapakanan ng bawat BulSUan.



HAPPENING NOW | LALONG UMUUGONG ANG PANAWAGAN NG MGA BULSUANS!Kasalukuyang nagkakabit ang mga estudyante ng mga panawaga...
21/09/2026

HAPPENING NOW | LALONG UMUUGONG ANG PANAWAGAN NG MGA BULSUANS!

Kasalukuyang nagkakabit ang mga estudyante ng mga panawagan at materyales bilang paghahanda para sa Campus Walkout ngayong araw, Setyembre 21.

Sa bawat panawagang pilit pinatatahimik, mas lumalakas ang tinig ng kabataan. Sa bawat pagtatangkang pigilan ang pagkilos, mas nagkakaisa ang mga estudyante.

Kapag hinihigpitan ang pagkilos, lalong nag-aalab ang paglaban.
Kapag hinaharangan ang kabataan, lalo silang nagkakaisa.

BulSUans, MAKIISA SA WALKOUT!



20/09/2026

CAMPUS WALK OUT NA! ✊🏻

09.21.26

MAMULAT AT MAGPAMULAT.



HAPPENING NOW | PROD WORK PARA SA CAMPUS WALKOUT!Sama-sama nang naghahanda ang mga Iskolar ng Bayan para sa ating Campus...
19/09/2026

HAPPENING NOW | PROD WORK PARA SA CAMPUS WALKOUT!

Sama-sama nang naghahanda ang mga Iskolar ng Bayan para sa ating Campus Walkout sa darating na Lunes, Setyembre 21!

Ngayong araw, nagtitipon ang mga iskolar ng bayan upang bumuo ng mga plakards, balatengga, at karatulang magdadala ng ating mga panawagan laban sa krisis sa edukasyon, korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, at pagbubura sa kasaysayan.

Makiisa sa gaganaping Campus Walkout sa Lunes, Setyembre 21, ganap na 1:00 PM. Sama-sama nating dalhin sa pagkilos ang ating mga panawagan at ipakita ang lakas ng nagkakaisang kabataan.

NEVER AGAIN, NEVER FORGET MARTIAL LAW!




📢 BAKIT MAY CAMPUS WALKOUT?Ang walkout ay sama-samang pagkilos ng komunidad ng BulSU upang ipahayag ang paninindigan sa ...
19/09/2026

📢 BAKIT MAY CAMPUS WALKOUT?

Ang walkout ay sama-samang pagkilos ng komunidad ng BulSU upang ipahayag ang paninindigan sa mga usaping nakaaapekto sa mga estudyante, propesor, kawani, at sa mas malawak na lipunan.

Sa pagkilos, sama-sama nating dinadala sa labas ng classroom ang mga usapin ng karapatan, edukasyon, pananagutan, at katarungan.

Makialam. Makiisa. Manindigan. ✊🏻


Address

Malolos

Telephone

+639777123780

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BulSU Students' Rights and Welfare posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BulSU Students' Rights and Welfare:

Shortcuts

Share