30/07/2026
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ด-๐ฎ๐น๐ผ๐ธ ๐ป๐ด ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ ๐๐ฎ ๐๐๐ฏ๐ฎ๐ถ ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฌ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐, ๐ง๐ถ๐บ๐ฏ๐ผ๐ด ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ถ๐ป๐ ๐ข๐ฝ๐ ๐ป๐ด ๐๐ ๐ช ๐ฎ๐ ๐๐๐๐
๐๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ช ๐๐ช๐ต๐บ, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Nagsagawa ang Department of Migrant Workers (DMW), katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group โ Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU), ng joint entrapment operation laban kina Dona Sabandal Navarro at Shiela Ayonayon, na kapwa pinaghihinalaang sangkot sa illegal recruitment at estafa kaugnay ng pangangalap ng mga aplikanteng nais magtrabaho bilang yacht steward at yacht cleaner sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).
Ayon sa mga complainant, ipinakilala umano ni Navarro ang kanyang sarili bilang Operations Manager ng isang kumpanya sa Dubai, habang sinabi naman ni Ayonayon na isa siyang staff ng isang licensed recruitment agency. Nangako umano ang dalawa ng buwanang sahod na โฑ50,000 hanggang โฑ75,000, bukod pa sa overtime pay, at tiniyak na agad na maipapadala ang mga aplikante sa oras na makumpleto ang kanilang mga requirements at pagsasanay.
Pinagbayad umano ang mga aplikante ng โฑ50,000 bilang processing fee na sinasabing para sa visa, HIV test, OWWA membership, Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS), TESDA training, at yacht training.
Gayunman, hindi natuloy ang ipinangakong deployment ng mga complainant sa kabila ng kanilang pagbabayad at pagsunod sa lahat ng hinihinging requirements. Nang humingi sila ng tulong sa DMW, napag-alaman umanong walang lisensya o awtoridad sina Navarro at Ayonayon mula sa Department of Migrant Workers upang mag-recruit para sa overseas employment.
Sa pakikipag-ugnayan ng DMW sa CIDG-ATCU, nagsagawa ng entrapment operation na humantong sa matagumpay na pagkakaaresto kina Navarro at Ayonayon. Sa isinagawang operasyon, nadiskubre rin ang humigit-kumulang 30 pang aplikante na umanoโy na-recruit ng mga suspek.
Mahaharap sina Navarro at Ayonayon sa mga kasong Large-Scale Illegal Recruitment at Estafa.
Nananawagan ang Department of Migrant Workers โ Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) sa iba pang posibleng biktima ng mga suspek na makipag-ugnayan sa DMW sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip upang makapagsampa ng kaukulang reklamo at makatanggap ng libreng legal na tulong.