24/08/2026
Ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Hon. Jensen Francisco Viray-Ventenilla , sa pamamagitan ng ABE Office na pinamumunuan ni Engr. Freida Abalos Aquino, ay nagsagawa ng monitoring at assessment ng mga agricultural infrastructure sa mga Barangay Pacalat, Olo Cafabrosan, Bogtong Bolo, at Historia upang matukoy ang lawak ng pinsalang dulot ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay, at ng Habagat.
Layunin ng isinagawang pagmonitor na makakalap ng datos para sa paghahanda ng damage assessment report at pagbalangkas ng mga kinakailangang hakbang para sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga naapektuhang imprastraktura sa agrikultura.