29/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ค๐๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ ๐โโ๏ธ๐ ๐
Sino bang nagsabi na ang pangangalaga sa kapakanan at kabuoang pag-unlad ng mag-anak ay obligasyon lamang ng mga ina? Oras nang basagin ang mga tradisyunal na paniniwalang ito at maging aktibong katuwang ang mga haligi ng tahanan!
Noong May 25-27, 2026, matagumpay na naisagawa sa pangunguna ng Commission on Population and Development National Capital Region (CPD NCR) ang Training of Facilitators on KAlalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya (KATROPA) sa The Linden Suites, Ortigas Center, Pasig City.
Ang KATROPA ay isang flagship program sa ilalim ng Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP) program ng CPD, na naglalayong palawakin ang kamalayan at kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga kalalakihan sa mga responsibilidad at obligasyon sa tahanan, partikular sa pagpapalaki ng mga anak, gawaing bahay, pagplaplano ng pamilya, at sa kabuoang pag-unlad ng mag-anak.
Kaugnay din nito ang layuning humubog at bumuo ng isang pool ng KATROPA advocates sa mga LGU at CSO partners sa buong Metro Manila na magsisilbing ehemplo at boses upang magsilbing inspirasyon sa iba pang mga kalalakihan sa kani-kanilang lokalidad.