17/10/2026
Kasama ang CSWDO, nagtungo ang Legally Speaking sa lugar ng insidente upang makakuha ng CCTV footage. Sa kuha noong March 2, 2026, makikitang naglalakad si Lola Remedios bandang alas-3 ng hapon bago mawalan ng balanse at mabuwal sa gilid ng kalsada. Dahil dito, naliwanagan na aksidente at hindi krimen ang nangyari.
Matapos ang CT scan, lumabas ang opisyal na resulta ng kanyang pagsusuri. Nangako rin ang CSWDO ng tulong medikal, gamot, pinansyal na suporta, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Plano rin siyang ilipat sa tahanan para sa mga nakatatanda upang matiyak ang kanyang kaligtasan at maayos na pag-aalaga.
Alamin ang buong kuwento sa Legally Speaking: https://www.youtube.com/live/9JYPhXqQtWI