31/05/2026
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Month of the Ocean (MOO), na itinatag sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 57, ating mas alaahanin ang kahalagahan ng ating karagatan, hindi lamang bilang napagkukunan ng pagkain at kabuhayan, kundi isa ring mahalagang panangga laban sa pagbabago ng klima.
Gayunpaman, ang malalawak na yamang-dagat at baybaying-dagat ng bansa ay nangangailangan din ng ating pangangalaga. Mula sa mga simpleng paraan ng pagiging disiplinado sa pagtatapon ng ating mga basura at paglahok sa coastal cleanups, ating naipapakita na ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa isang kolektibong aksyon para sa ating karagatan.